*%*% Twenty First Blossom *%*%
HER NECTAR
"First of all, are you aware about the Ice Empire?"
Ice Empire.
Ice Empire? It rings a bell. It sound so familiar, hindi ko lang maalala kung saan at kanino ko ito narinig.
Umiling ako bilang sagot.
Bigla naman siyang sumimangot.
"Why of all things yun pa ang hindi niya matandaan?"I heard her whisper.
Nakadalawang buntong hininga muna siya bago tumingin sa akin at magsalita ulit.
"I-ice Empire is one of the—"
"-- biggest company in the world. They almost handle half of the world's businesses. They are so influential and powerful as well. They are well known for their awesome products and services. That empire is excellent and exceptional. That empire was also featured in famous business magazines, books, journals and articles. It was founded 15 years ago and their progress became very quick and just like a snap, Ice Empire placed at the top of the most progressive business empire in the world. Amazing isn't it?"
Napanganga ako sa biglang pagsingit ni Aletha. May mga hawak pa siyang junk foods at sweets.
Bakit hindi ko alam ang mga bagay na yun?
"Aletha, hinahanap ka na ni Mr. President diba? Ba't nandito ka?" kumakamot sa ulong sabi ni Cookie. At makikita sa mata niya na isang istorbo si Aletha sa pag uusap namin.
"Ohh~ oo nga pala.Sige mauna na ako." Humagikhik muna siya bago tuluyang umalis.
Binalingan ko naman si Cookie at nakita ko ang sunud sunod niyang pag iling.
"Hey, you okay?" I snapped.
Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga.
"Like what she just said Ice Empire is a company..."
"And?"
"And Mr. Tan is one of the princes of that business empire."
Nanlaki ang mata ko. Really?
Ay wait—oo nga pala, natatandaan ko yung nakalagay na info about sa kanya noong orientation namin sa Music training 101 pero bakit namumuhay bilang ordinaryong mamamayan si Silver? Napakasimple niya, ni hindi nga siya nagdadrive ng magagarang kotse. Sabi kasi ng mga katulong namin ay ganun daw pag mayayaman.
Tsaka isa pa. bakit nag iisa si Silver? At mukhang hindi naman siya busy dahil palagi siya sa harap ng sketchpad niya.
"What are you thinking Dice?"
"Ha?"
Umiling na naman siya. " Wala. Kaya ko din pala siya kilala ay dahil isa ang business ni dad sa mga hinahawakan ng Ice Empire."
Kaya naman pala.
Napatango nalang ako.
"Cookie, may pupuntahan muna ako ha? Kita nalang tayo mamayang lunch." Pagpapaalam ko sa kanya.
Biglang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "And where are you going?"
"May pupuntahan lang, sige bye!" tumakbo na ako para di niya na ako tanungin ng mas madami.
Naalala ko kasing pupuntahan ko pa pala yung puno na palagi kong binibisita kapag vacant ako.
Buti pa doon muna ako tumambay at matulog. Masyado na naman kasi akong nag iisip ngayon.