3rd Blossom

1K 44 5
                                    

*%*% Third Blossom *%*%

HER NECTAR

Nakakainis naman tong si Aki, kanina pa nakasimangot matapos kong sabihin sa kanya na humanda siya kay Mint tapos he looks bored and kinda sleepy.

Nakaupo kami ni Aki ngayon sa paborito naming pwesto sa cafeteria habang hinihintay sila Mint, Xerox and Sky. Fudge! They're so tagal talaga mag move. I'm so bagot na here idagdag pa ang nakakainis na pagmumukha ni Aki-oops! Good thing he doesn't hear my thoughts. I'm so mean talaga but I don't care!

Iginala ko nalang ang paningin ko sa loob ng cafeteria saka ko napansin na halos mabale na at humaba ang leeg ng mga estudyanteng babae dito kakatingin kay Aki. I looked at Aki and glanced again to the girls in this area, I did it thrice just when I realized something. I secretly smirk.

"Aki~" tawag ko sa kanya.

"Oh?" halos nakapikit naman niyang tanong.

"Inaantok ka?"

"Obvious ba?!" naiirita niyang tanong.

"Oo." nakangiti kong sagot.

"Eh bakit nagtatanong ka pa?!"

"Sinisiguro ko lang kung inaantok ka talaga o nakadrugs ka lang." biglang napadilat ang mata niya at halos bumilog ang singkit niyang mga mata sa pagkakadilat. He's so OA talaga.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Oo naman, kaya nga sinabi ko eh, hindi ko naman yun sinabi sa hangin. Narinig mo naman diba? So ibig sabihin narinig ko din-"

"Cut it off Dice! Napakaingay mo!"

I pouted.

"Sige na~ matulog ka muna, gigisingin nalang kita pagdumating na sila." I said then smiled sweetly.

He looks at me suspiciously.

"What? Sleep ka na dali!" ngiting ngiti lang ako at pinat ng dahan dahan ang ulo niya habang siya naman ay masamang nakatingin sa akin.

"Kung may binabalak ka wag mo ng ituloy! Makakatikim ka talaga sa akin!" banta nito bago ipatong ang ulo niya sa dining table.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya at kumanta ng mahina para mabilis siyang makatulog.

~ You're better than the best.
I'm lucky just to linger in your light.
Cooler than the flip side of the pillow that's right.
Completely unaware.
Nothing can compare to where you send me
Let me know that it's okay. Yeah it's okay.
And the moments where my good times start to fade.

You make me smile like the sun,
Fall out of bed,
Sing like a bird,
Dizzy in my head,
spin like a record crazy on a Sunday night.
You make me dance like a fool,
forget how to breathe,
shine like a gold,
buzz like a bee.
Just the thought of you can drive me wild.

Oh, you make me smile ~

Tumigil lang ako sa pagkanta nang makatulog na siya. Dahan dahan naman akong umalis sa upuan ko at nilapitan ang mga classmate kong babae.

"Hi Dice!" bati nila.

"Hello!" I replied.

"Gosh girl! You're so lucky talaga!" sambit ng isa kong kaklase.

I smiled at her.

"Ano ba kayo, mas swerte kayo ngayon." I said still wearing my smile.

Nagtaka naman sila at nagtanong kung bakit.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon