*%*% Thirteenth Blossom *%*%
TITANIUM'S NECTAR
"Prince Strike!" nanlaki ang mga mata nila pagpasok ko sa dormitory.
"Yo!" kumaway ako sa kanila bilang pagbati.
Agad namang nagliwanag ang mga mukha nila na parang sinasabing hindi nga sila nag iilusyon.
"Ikaw nga Prince Strike!" tumakbo papunta sa akin si Narkissa at kumapit sa braso ko saka ako inamoy amoy.
"I missed your delicious scent Prince Strike!"
Ugh--!
"Get off me Narkissa." this girl is like a koala and I'm her tree. The f*ck!
"No! No! I really miss your smell Prince Strike! It's been what? 4 years?—yeah! It's been four years since you've visited the palace. Hmm~ I so missed you!"
The f*ck with this Vampire!
Hindi ko siya mapaalis dahil sa malakas niyang pagkakakapit sa braso ko.
Ugh-! Why is she so fond of smelling me? Is it because my blood is sweet to her senses because I'm a human?
Tsk! F*ck that!
"Get off of him you vampire!" natigilan si Narkissa sa pag amoy sa akin at napatingin sa likod ko. Umalis na din siya sa pagkakayakap at tumayo ng maayos while the other guys inside the dorm was stunned by the presence of the woman behind me.
"Don't tell us dito din ang babaeng yan tutuloy?!" nakasimangot na turan ni Akantha.
"Prince Strike, she's not welcome here." Kora said directly.
"She can't stay here!" protesta din ni Adrasteia.
Napakamot nalang ako sa batok dahil sa mga reklamo nila. Ang pinaka ayaw ko talaga ay ang mga babaeng grabe magreklamo at magugulo ang isip, napaka simpleng bagay pinapakomplikado pa nila.
"As if! Sinamahan ko lang si Titanium dito. Huwag kayong mga feeling bampira dahil hindi makakayang tumira ng maladiyosa kong anyo sa lugar na to!" Marione hissed while her eye brow is raised perfectly.
Tsk! Kahit kailan talaga, napakatapang ng babaeng to.
"Excuse me? Asan ang diyosa sa kaanyuan mo? Baka naman nilulumot na katauhan ang tinutukoy mo at hindi ang pagkadiyosa?" asik ni Narkissa.
Nagulat nalang ako nang may lumipad na sapatos sa mukha ni Narkissa. Sapol na sapol. Nakangangang nilingon namin si Marione. Pambihira talaga ang babaeng to!
Pero mas nanlaki ang mata namin nang pumula ang mata ni Narkissa at nang pinalabas niya ang matatalas niyang pangil.
"Pangahas kang tao ka!" galit na wika nito.
"I know. Diyosa kasi ako." confident naman na sagot ni Marione.
Hindi ba to natatakot sa posibilidad na sakmalin siya ni Narkissa? Pero kunsabagay kayang kaya din niyang pantayan ang lakas ni Narkissa-- but still! Hindi niya na dapat ininis ang bampirang to.
"Ikinagagalak ko ang pagpunta niyo dito Prince Strike." kumalma ang lahat sa malunay na pagbati ni Thana.
I frowned because of her presence, mahilig ba talaga tong sumulpot kahit saan? And the f*ck with her intuitions! Dahil doon ang dami niya tuloy nalalamang impormasyon na hindi niya dapat mabatid!
"Alis muna kami ni Marione, we'll just walk around the campus I'll be back later." I said coldly saka hinila si Marione palabas ng dormitory at iniwan silang nakatulala doon.