33rd Blossom

463 27 7
                                    

%*%* Thirty Third Blossom %*%*

Magkahawak ng kamay na pumasok ang dalawa sa rest house. Napapahagikhik pa si Paradise dahil sa pantitrip na ginagawa niya kay Ice.

"C'mon Silver, you should try dancing. Maganda naman ang posture mo and i think you can really dance." natatawa nitong pahayag.

"I don't dance." poker face naman na utas ng binata.

"Oh c'mon! What's with the straight face?" she said giggling.

Huminto sa hamba ng pintuan ang binata kaya napahinto din ang dalaga. Napatingin naman si Ice kay Paradise.

"Show some expression Silver." she dared.

Pero imbes na sumagot ang binata ay idinampi na naman nito ang labi sa tungki ng ilong ng dalaga. She crinkled her nose at bago pa man magkalayo ang mukha nila ay may narinig na silang malakas na pagsinghap at pagkahulog ng kung ano kaya sabay silang napalingon. Laglag ang panga ng nilalang na nakakita sa kanila. Habang nagtatanong naman ang mga mata ni Dice kung paano nakapasok ang babaeng iyon sa bahay ni Ice pero napakuyom din siya ng kamao nang mamukhaan niya ang babaeng kaharap niya. Napahigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ni Ice matapos makaramdam ng hindi maipaliwanag na inis.

"S-silver---" naputol ang sasabihin ni Venus nang magsalita ang binata.

"Go upstairs and change your clothes." mahinahong wika ni Ice kay Paradise.

Napanguso naman ang dalaga saka tuloy tuloy na dumiretso sa kanyang silid.

Muling nalaglag ang panga ni Venus. "Dito nakatira ang babaeng iyon?" naglalarong tanong sa isip niya.

%*%*_%*%*_%*%*

HER NECTAR

"Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?" i mumbled.

I took a cold shower para mawala ang negative energies na nagsisimulang magbuild up sa katawan ko. Her presence makes me want to drag her out of my sight. Bakit nakakairita ang presensya niya? Lalo na pag malapit lang siya kay Silver.

Pagkabihis ko ay dahan dahan kong kinuha ang manika sa bag ko at inilagay iyon sa kama. Kunot noo kong pinagmasdan ang manika. Paano ko ba to mapapalabas sa doll?Omo! I need my book pero nasa nasunog naming bahay iyon and i don't know kung paano pumunta doon.

Kailangan kong makapagconcentrate kung paano ba sambitin ang mga salitang iyon. Pumikit ako at pinahinahon ang sarili. Few minutes later, my mouth uttered those magical phrases and just like that ay iniluwa ng manika ang katawan ni Titanium.

Nataranta ako sa itsura niya ngayon dahil mababakas sa mukha niya ang paghihirap buhat ng mga sugat na nakaukit sa katawan niya ngayon. Kailangan na niyang mapalitan ng damit at magamot ang mga sugat. Dali dali akong bumaba ng hagdan para kunin ang first aid kit sa kusina at iba pang mga kakailanganin sa paglilinis ng sugat ni Titanium. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay napatigil na ako dahil sa narinig kong boses mula sa loob ng kusina.

"Yan! That's right Silver, ang galing mo talaga!" ani ng isang pambabaeng boses.

Dahan dahan akong sumilip sa loob at nahigit ko nalang ang hininga ko sa naabutan kong eksena. May hawak si Silver na sandok at nakatapat iyon sa bibig ng babaeng nag mamay ari ng boses kanina. Napakunot noo ako at napakuyom ng palad habang pinagmamasdan ko kung gaano sila kalapit sa isa't isa at kung paano ngumiti ang babaeng iyon kay Silver. Hindi ako natutuwa sa nakikita ko ngayon!

"Isang beses palang pero nakuha mo na agad ang lasa!" masayang komento ng babae. Tinanguan siya ni Silver saka ito bumaling ulit sa niluluto niya.

"Silver, kapag nahanap na si Titanium. Sasama ka na ba sa akin?" halos manlamig ako sa aking narinig.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon