18th Blossom

629 35 2
                                    

*%*% Eighteenth Blossom *%*%

" What the hell is the meaning of this Jaeve?" Lemon yelled at her husband.

"Napag usapan na natin to diba?" malamig na pahayag ng asawa niya.

"P-pero hindi siya dapat mapalapit kay Silver, bampira na siya paano kung—. "

"No need to worry, napag aralan ko na ang bagay na yan. Alam natin na malalaman at lalabas din ang katotohanan. Pero as much as possible dapat ay hindi ito matuklasan agad agad. Nagawa na natin siyang ilayo sa mga bampira, ngayon ang dapat nating gawin ay sanayin siya sa presensya ni Silver." Pahayag ni Jaeve.

Nangunot ang noo ni Lemon.

"Ibig sabihin ay ipaglalapit natin sila? Nahihibang ka na ba?!"

Ngumiti ang kanyang asawa.

"No. My mind is well oriented Lemon. Ang sinasabi ko lang ay malaki na ang anak natin. Hindi na siya madidiktahan o makokontrol ng kahit na sino. Matalino siya kaya alam kong hindi siya basta bastang maiipluwensyahan. Nagawa na natin ang parte natin sa kanya, nailayo natin siya sa mabagsik na mundong ginagalawan natin para protektahan, ngayon naman ay kailangan nating hayaan ang agos ng mga pangyayari at mangyayari. Dahil wala na tayong magagawa ngayon. We reached our limits Lemon. " mahabang turan ni Jaeve.

Namamangha si Lemon dahil pagdating talaga sa anak nila ay nagagawa nitong magsalita ng mahaba. Hindi ito nagtitipid kapag ang anak na nila ang usapan.

"B-but—. " kokontra pa sana siya pero pinutol ito agad ng kanyang asawa.

"Lemon-- nalalapit na, halos patapos na din sa paghahanda ang palasyo at alam mo ba ang mas masakit doon?"

Napatulala si Lemon sa nakitang kalungkutan sa mata ng kanyang asawa.

"Malapit sa atin ang mga inutusan para sa misyong pangkapayapaan. Nauulit na naman pero mas malala ngayon." Wika nito.

"Hindi ako papayag Jaeve! Magkamatayan na pero hindi ako makakapayag! Bakit siya pa?! Bakit?!" humagulhol si Lemon sa bisig ng kanyang asawa.

"Kaya nga dapat niyang mapalapit sa pinakamalakas upang hindi matuloy ang plano ng emperyo at maililigtas pa natin siya. May alas tayo dahil hindi nila kilala ang dapat nilang patayin. At kung mahahanap man nila ito siguradong mahihirapan sila at magdadalawang isip na gawin ang utos."

"Jaeve-- ayaw kong mawala ang anak ko. Not the second time around. "

Napatiim bagang si Jaeve.

"Hindi na yan mangyayari." Mariin nitong pahayag.

"Gorgeous, is this for real?" Lemon gets back to her senses when someone whispered on her ears.

Napalingon siya sa anak na nakakunot noo na.

Naspace out siya pansamantala dahil bigla niyang naalala ang usapan nila ng kanyang asawa kanina at sa harap pa talaga ng dalawang to.

Ngumiti nalang ng pagkatamis tamis si Lemon at hinawakan ang magkabilang balikat ng anak.

"Yes honey! Nakapagpaalam na din ako sa mommy niya and she agreed kaya dito ka muna pansamantalang maninirahan hangga't hindi pa natatapos ang bahay natin na ipinapagawa." Lemon beamed but deep inside ay naroroon pa din ang pagkabahala.

"Is there something wrong honey?" malambing na tanong ni Lemon nang makita nito ang sunud sunod na paglunok ng anak.

"Hindi ako makapaniwala" mahina niyang usal.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon