%*%* Twenty Seventh Blossom %*%*
Tensyon ang namamamgitan sa tatlong estudyante na nakaupo sa unahan.
Nagsidatingan na din ang mga coaches ng bawat sports at ganun nalang ang pagtaas ng kilay ni Strawberry nang makita niyang may nakayakap sa beywang ni Paradise at may nakahawak pa sa kamay.
"What the hell are you doing with my niece?!" sigaw ni Strawberry na nakapagpatigil sa mga nasa loob ng room.
Agad namang napaayos ng upo ang dalawang lalaki at binitawan si Dice.
"Tita! They are harassing me!" sumbong nito sabay tago sa likod ng Tita niya.
Nanlaki ng mata ng tita niya. "You did that to her?!"
Napapanganga nalang ang ibang estudyante sa eksenang nagaganap habang naguguluhan naman ang mga coaches. Wala kasing alam ang mga ito tungkol sa existence ni Paradise.
"Master Strawberry, I'm courting her and there's nothing wrong about that. I'm just showing how sweet I am." nakangising wika ni Strike.
Kailangan niyang maging magalang dahil under pa rin siya ni Strawberry, kahit na prinsipe siya sa Ice Empire tinuruan silang igalang at tingalain ang mga guro nila.
Bigla siyang tinalikuran ni Strawberry na waring di nito narinig ang sinabi ng binata at hinigit nalang ang pamangkin sa stage at pinaupo kahilera ng mga coaches.
Bukod sa kabisado nito ang ugali ni Strike na siyang masyadong mapaglaro gaya ng kanyang Ina ay ayaw na niyang patulan ang sinabi nitong nililigawan niya ang pamangkin niya. Of course hindi siya naniniwala doon dahil kung magkataon nga ay dapat patay na ito ngayon sa kamay ng kapatid niya at ng asawa nito. Masyadong iniingatan ng kapatid niya si Paradise at dadaan muna sa impyerno ang kahit na sinong magtangkang angkinin ang anak nila. Kilala si Paradise ng mga nahahawakan ni Lemon pero hindi siya kilala ng mga taga emperyo na lampas sa dalawampu na ang edad. Nagbigay na kasi ito noon pa man ng babala tungkol sa paglapit sa anak niya.
"Stay here. Jusko asan na ba ang mga tagabantay mo?"
" Wala po akong bantay." sagot naman ni Paradise
"No, i mean sila Mint." Alam kasi ni Strawberry ang tungkol sa lihim na misyong ipinagawa nila Lemon sa Brigade Team pero hindi pa nito alam ang pagfail ng grupo sa misyong ibinigay sa kanila.
"Business trip daw po."
Napairap nalang si Strawberry at hinarap na ang mga estudyanteng nawindang at nananahimik.
"Two weeks from now will be the Annual Celebration of this University and there will be a Sports Competition in that event. that's why everyone in this club should meet regularly for their trainings starting on Monday every after class.
%*%*_%*%*_%*%*
HER NECTAR
I'm courting her...
Anong ibig sabihin doon ni arrogant beast? Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong naiintindihan sa pinagsasasabi ni tita eh. Ngayon ko lang din napansin na si Master Violet pala ang katabi ko at kanina pa siya nakatingin sa akin.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya. Napangiwi nalang ako nang ngumisi siya at binalingan na ang asawa niya na nasa left side.
"Ash, is she really the girl Mint's always talking about?" ang sweet! Ash pala ang tawag ni Master Violet kay Master Winter pero bakit nabanggit niya ang pangalan ni Mint?
"Yeah, she's the girl in the pictures that were displayed in Mint's room." narinig kong sagot ni Master Winter.
Ano daw?