15th Blossom

604 28 8
                                    

*%*% Fifteenth Blossom *%*%

"Mint, tama na yan!" awat sa kanya ni Leaf.

"F*ck! Bakit to nangyayari? Bakit pati si Paradise sinama nila sa Special Section na yun?!"

"Relax lang Mint, madami naman tayo doon at mababantayan pa rin natin si Dice, mas mababantayan pa natin siya."

"Hindi mo naiintindihan Leaf! Hindi mo ba naramdaman na halos lahat ng kasama natin doon ay mga bampira?! Yes, hindi natin sila kalaban pero oras na matunton sila ng kalaban nila maaaring madamay si Paradise! At pag nangyari iyon, kakalabanin ko talaga ang kamatayan!" bulalas ni Mint saka sinuntok ang pader sa roof top.

Napailing ang tatlo at inawat ang nagwawalang pinuno nila.

"Mint, kumalma ka, naiintindihan namin yang nararamdaman mo pero tulad nga ng sinabi ni Silencer walang sinuman sa atin ang pwedeng mag may ari sa kanya. Kamatayan Mint. Kamatayan ang kaparusahan oras na sumuway tayo sa utos ng Head Council." Paalala sa kanya ni Aki.

Natulala ang binata at sumandal sa pader. Napahilamos siya sa mukha gamit ang palad at napasuklay ng marahas saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"I know, hindi ko dapat winala sa isipan ko ang bagay na iyon."

"Maybe you're just threatened Mint." napatingin sila kay Aki na nakatitig naman kay Mint.

"Dahil unti unti ng lumalapit si Paradise sa taong dapat na nilalayuan niya." He added.

Napatiim bagang si Mint.

"Ilalayo ko siya sa kanya, noon pa man ay alam na niya ang tungkol kay Paradise. Alam kong hindi ako tatraydurin ng matalik kong kaibigan." nakapikit na wika ni Mint.

"Tss! Wake up Mint! Ikaw lang ang tumuturing sa kanyang matalik na kaibigan. Alam nating lahat na aloof siya sa lahat." komento ni Xerox.

"But he's aware about my feelings! Damn it!" sigaw ni Mint.

Bagama't nakakagulat ang narinig at nasaksihan ng isang nilalang na kanina pa nakikinig ay nagawa pa rin nitong ngumisi sa nasaksihang pag uusap ng apat na lalaki.

"Chaos, I'll ruin all of you." nakangisi nitong wika bago umalis sa rooftop.

%*%*_%*%*_%*%*

"Marione what do you think?" tanong ng isang babae sa pinuno nila.

"Trouble." tipid nitong sagot at tumingin ng seryoso sa dalawa niyang kasamahan.

"I knew it! Hindi talaga madali ang secret mission na ibinigay sa atin ng reyna."

"Hindi naman niya ito ibibigay sa atin kung hindi mahirap noh!" the other girl snapped.

They glared at each other.

"Enough, just do your part and this mission won't fail." wika ni Marione saka iniwan ang dalawang nag aaway.

%*%*_%*%*_%*%*

"Gosh! Napakapangahas ng mga lalaking iyon para kalabanin kayo!" nakangusong wika ni Akantha.

Nagpapahinga silang walo ngayon sa dorm dahil sobra ang sikat ng araw sa labas.

"Hindi namin sila papatulan dahil ngayon ay may mahigpit na utos na naririto lang tayo upang maging kaagapay ng prinsipe kung may mangyari mang hindi inaasahan. Tandaan niyo, mga guardians tayo ng palasyo kaya dapat mas maging kalmado tayo." paalala ni Ruse.

Nagsitanguan naman ang pito bilang pag sang ayon sa sinabi ni Ruse.

"Anong gagawin natin sa babaeng nangungulit sa Prinsipe?" biglang tanong ni Kora.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon