*%*% Nineteenth Blossom *%*%
Nakatanaw sa mataas na tore ang isang napakagandang reyna.
"Nahanap na siya at oras na din para sa isang laro." Pagsasahimig nito ngunit walang bakas ng kasiyahan na mababanaag sa boses niya, sa halip ay isang seryosong mukha ang ipinakita niya taliwas sa palaging reaksyon nito tuwing binabanggit niya ang salitang laro.
"Isang laro na naman? Pwede bang plano nalang ang gamitin mong salita kesa diyan sa laro na yan? Kinikilabutan ako eh!" sita naman ng lalaking prenteng nakahiga sa malambot na higaan ng reyna.
Tumalim ang tingin nito sa lalaking nagsalita.
"Dapat kang kilabutan dahil naiiba ito sa lahat. Madaming kasama. Iba't iba ang uri at mapapanganib ang mga kalahok. " turan ng reyna habang matalim na nakatingin sa lalaking kausap niya.
"Ahh! Naman kasi! Sige, sabihin na nating nagsisimula ka na ngayon. May mga ipinadala ka ng proteksyon pero ano na ang balak mong gawin gayong taliwas lahat ng plano mo sa plano ng asawa mo?" nakasimangot na pahayag ng lalaki saka nagpalit ng posisyon sa pagkakahiga. Ginulo pa nito ang buhok at asar na asar na ngumuso habang pinaglalaruan ang unan sa malapad na higaan.
Napasinghap ang reyna saka ipinagkrus ang mga braso.
"Masyadong brutal ang gusto niyang mangyari. Kilala ko siya at kitang kita naman na mas pipiliin niyang idaan ito sa paspasan kaysa sa mahinahong pagkilos." Wika ng reyna.
" Oo nga eh. Iba din mag isip ang asawa mo. Ipadala ba naman ang mga royalties para patayin ang nakatakda? Tsk tsk!" napapailing na pahayag ng lalaki.
"Kaya nga kailangan nating makipaglaro upang hindi nila maisakatuparan ang plano. " aniya saka naglakad papunta sa bintana para silipin ang nasa baba nito.
Kitang kita niya ang masinsinang pag eensayo ng mga kawal at mga grupo sa emperyong ito.
"Anong klaseng laro ba yan?" tanong ng lalaki na nakaupo na mula sa pagkakahiga.
"Larong Chess." Makahulugang sagot ng reyna habang seryosong nakatingin sa kausap. Samantalang napanganga naman ang huli sa kanyang mga narinig.
Larong chess?
Ang larong pinaka nakakatakot laruin dahil sa misteryong bumabalot sa mga makakalaro mo. At sa walang kasiguraduhang pagsusugal sa bawat galaw na ginagawa mo.
"Ngunit maging ang reyna ay kailangang maprotektahan ng maigi dahil oras na mawala ito kawawa sila sa kayang gawin ng hari." Dagdag pa ng reyna.
"Teka Purple—kung nandiyan naman pala ang Hari bakit kailangan pa nating makialam para protektahan ang reyna?" naguguluhang tanong ng kanyang kaharap.
"Dahil tulad ng reyna. Hindi pwedeng manganib ang hari. Makikialam tayo para gabayan ang hari. Alam mo na sa larong chess ang Hari ang pinakamahina pero ito rin ang pinakamahalaga. Ngunit sa bersyon ng larong ito, siya ang malakas na poprotekta sa reyna at tayo ang magsisilbing knights niya na kayang gumalaw ayon sa isang napiling letra. Ang L... na siyang madaming kahulugan sa larong ito."
Nangunot ang noo ng lalaki sa mga pinagsasabi ng kausap niyang reyna.
" Eh sino ang magmamanipula ng laro? Sino ang manlalaro kung maging tayo ay parte ng mga pyesa?" naguguluhang tanong ng lalaki. Gulong gulo na ito sa takbo ng kanilang usapan.
" Ang tadhana at kapalaran." Nakapikit na sagot ng reyna at makikita mo sa ekspresyon nito ang pagkaseryoso.
Napailing naman ang lalaki at ginulo ng bahagya ang sariling buhok.
" Bilang isang ina, ang kaligayahan ng anak ko ang dapat kong intindihin." Pagbibigay diin nito sa pangungusap na siyang pinaka rason kung bakit siya makikipaglarong muli.