*% Thirty Seventh Blossom %*
HER NECTAR
"Don't go anywhere without me, naiintindihan mo ba?" bulong niya sa akin pagkaupo namin sa nakaassign na table para sa special class.
I gave him a fake smile. "Whatever Titanium."
"I'm serious here Paradise." madiin niyang sabi. Tinapunan ko siya ng tingin.
"Yeah right." i said in a bored tone. Sinamaan naman niya ako ng tingin pero di ko na siya pinansin.
Naiinis ako ngayon! Simula pa kaninang hapon, kasi naman di ko na nakita si Silver. Di ko alam kung nasaan siya ngayon at kung dadalo ba siya sa pagtitipong ito!
Si Titanium tuloy ang kasama ko pagpunta dito at nakakabadtrip ang aura niya kasi masyado siyang protective ngayon sa akin. Tapos ang snob niya pa sa mga taong sumalubong sa amin kanina at tinanong siya kung bakit bigla siyang nawala. Buti nalang nga at di ko siya tinatanong about sa pagkawala niya ng ilang linggo dahil alam ko naman na hindi siya sasagot ng matino.
"Paradise! Oh my! You're so pretty talaga!" tili ni Cookie pagkakita niya sa akin saka umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko.
Napangiti naman ako sa presensya niya. "You're so pretty din Cookie." i beamed.
She giggled saka napatingin sa katabi ko. "Prince Strike?! Nakabalik ka na pala? Where have you been?" tanong niya dito.
Nagkibit balikat naman si Titanium saka ininom ang wine na kinuha niya kanina."And where's Prince Ice?" dagdag ni Cookie.
At dahil sa tanong niyang iyon ay nakagat ko ang dila ko. Yan din ang tanong ko Cookie! My goodness! Asan na ba kasi ang lalaking iyon?
"Bakit narinig ko ang name ng honey ko?" sabi ng isang tinig.
Napatingin ako sa dalawang bagong dating na pumwesto kaharap namin ni Cookie. Honey ko? Yeah right!Masyado siyang mapang angkin!Napatingin siya kay Titanium at ngumisi.
"Buhay ka pa pala Titanium? Saang lupalop ka naman nagpunta ha?" tanong ni Hades sa kanya.
"None of your damn business!" masungit nitong turan.
Inirapan naman siya ni Hades at inilibot na ang mata sa buong gymnasium. Si Spars naman na katabi niya ay parang walang pakialam sa paligid at nananahimik lang sa upuan niya.
Hindi na ata sila nag aaway ni Cookie? O baka nagsawa na silang magbangayan kaya ganun? Napailing nalang ako.
Ilang minuto lang ay nagsimula na ding magdatingan ang iba pa naming mga classmates and swear! Nagsisimula na naman akong mabadtrip dahil sa sama ng tingin ng tatlo sa akin, namely Strix, Luther and Ruse. Problema ba nila?
"Don't mind them. Nagagandahan lang sila sayo." imik ni Narkissa habang nakatingin sa akin at sinabayan pa ng tawa.
Napasimangot ako at humalukipkip. Asan na ba kasi si Sil--I heard gasps at konting tilian katulad ng ingay na sumalubong sa amin ni Titanium pagpasok namin dito sa gymnasium. Agad akong napalingon sa entrance at doon ko nakita ang kanina ko pang hinahanap.
He's wearing a very elegant three piece suit with pink neck tie na kakulay ng suot kong cocktail gown. Nakaramdam ako ng pag init ng mukha dahil sa ideyang pumasok sa isip ko na baka sinadya niyang ganun ang kulay ng neck tie niya para terno kami.
Hindi ko rin maiwasang hindi humanga sa presensya niya ngayon pero hindi ko rin maiwasang hindi mapasimangot dahil lahat ng mata ay sa kanya nakatingin. Lahat ay makikitaan ng pagkamangha sa itsurang taglay niya lalo na sa paraan ng paglalakad niya. Pero habang papalapit siya sa pwesto namin ay saka ko lang napansin ang mabigat niyang paghinga at ang mga naglalabasang ugat mula sa kamay niya. Bahagyang nangunot ang noo ko. Galit ba siya?