6th Blossom

834 42 6
                                    

*%*% Sixth Blossom *%*%

HER NECTAR

"Dice! Gumising ka na pleaseee? Galit na si Miss aya!"

Hmm~ what's with the noise ba?

"Dice! Gising na please? Tayo na ang magshoshowcase baka mabagsak tayo niyan eh!"

"Dice! Gising na kasi! Lahat na sila naghihintay sa atin!"

Ano ba?! Bakit ba ako niyuyugyog? Kitang natutulog ang tao eh!

Ang sarap pa naman ng sinasandalan ko at ang bango bango pa-

"Gigising ka ba diyan o ihuhulog kita dito sa bleacher?!"

Napadilat ako bigla nang may mariing nagsalita sa may bandang tenga ko.

"Tss! Tutulog tulog kitang nagshoshowcase." masungit na wika ni Aki

Sinimangutan ko nalang siya at humarap kay Cookie. At nagtaka nalang ako nang lahat sila ay nakatingin sa amin.

"Buti naman at gising ka na! Tara na sa baba! Tayo na ang sunod!" sabi niya saka ako hinila pababa.

Omo! Inaantok pa ako eh!

"Si Spars pa talaga ang kasama natin for sure ay magyayabang na naman yan at magpapasikat ng todo ngayon." inis na sabi ni Cookie habang pababa kami.

Nakabusangot na ang mukha ni Miss Aya at nakangisi naman si Spars.

"Why are you sleeping during my class?! My goodness Paradise Wakefield! Naabala mo ang klase ko!" sigaw sakin ni Miss Aya

Bakit niya ako sinisigawan?

My bad!

"Miss Aya, hindi ko naman pong sinabi na hintayin niyo akong magising at wala din po sa policy ng school na bawal matulog sa subjects lalo na kung inaantok ka. Syempre po matutulog ako kasi inaantok ako. Kayo po pag inaantok hindi po ba kayo nakakaidlip o natutulog? Tsaka po pwede naman pong magshowcase na ang iba at wag nalang ako kasi hindi ko naman po kayo pinilit na isama ako sa showcase and pwede naman po ako sa last batch at paunahin nalang yung iba tsaka dapat kayo nalang po ang gumi-" napatigil ako sa pagsasalita nang may tumakip sa bibig ko.

Tsaka ko lang napansin na nakatunganga na sila sa akin.

"Wala na namang preno yang bibig mo. Tss!" sabi nung nagtakip sa bibig ko

"Miss Aya, pagpasensyahan niyo na po siya mukhang sabog pa ang utak dahil kagigising lang." dagdag pa nito.

Napabuntong hininga si Miss Aya at umirap.

"Spars! Ikaw ang mauna, music please!" sigaw ni Miss Aya at nagsimula ng magshowcase si Spars.

Tinanggal na rin ni Aki ang kamay niya pero masama niya akong tinapunan ng tingin.

"Tss! Ang ingay mo talaga." sabi pa nito bago bumalik sa upuan niya.

Totoo naman yung mga pinagsasabi ko ah! Anong maingay doon?

Puro hiyawan na ang gym dahil sa pagsasayaw na ginagawa ni Spars.

"Ang ingay mo pala Dice." Natatawang sabi sa akin ni Cookie

Napanguso nalang ako at nag inat ng kamay. Tumuon rin agad ang atensyon niya kay Spars.

"Pasikat talaga siya, halata namang masyado siyang trying hard. Gosh! Pwerket madaming nakatingin!"

"Cookie, hayaan mo siya, yan ang gusto niyang ipakita eh. Wala tayong magagawa diyan, she's just doing her best. Nagtutunog bitter ka na eh." nakangisi kong sabi sa kanya

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon