%* Thirty Ninth Blossom %*
"Babaylan, nakita ka din namin sa wakas." nakangising hinarang ni Trent ang babaeng mag isang naglalakad ngayon papunta sa unahang bahagi ng gymnasium.
"What are you talking about?" sopistikadang tanong nito.
Napaawang saglit ang bibig ng lima nang mapagmasdan nila ang kabuuan ng babaeng pinalibutan nila. A goddess! Napalitan lang ang suot nitong damit at nagsuot ng mataas na sapatos ay biglang nag iba agad ang aura nito. A cute princess turns into a sophisticated goddess. Napalunok si Trent pero iwinaksi niya ang paghanga sa babaeng nasa harap nila.
"Don't play games with us Aletha. Sumama ka na lang para mapadali ang lahat ng ito." matigas na saad ni Trent. Tinaasan naman siya ng kilay ng kanyang kaharap.
"Excuse me? Are you crazy? Because only insane people act like that! Who are you to mistaken me for another girl and who the hell is Aletha?!" her accent made the band took a step back. Pati ang pananalita nito ay biglang naging matalas. Biglang nag init ang ulo ni Trent sa paglalaro ng babaylang kaharap niya.
"F*ck it Aletha! I'm not into your games you witch!" madiin nitong utas saka hinawakan ng mahigpit ang braso ng babae. Nagulat ito sa ginawa ng binata at bigla ding uminit ang ulo.
"You moron! Who gave you the permission to touch me?! You piece of dirt!" she hissed sabay waksi ng malakas sa braso niya. Napalakas din ang boses niya kaya umani ito ng atensyon sa iba kahit pa may musikang pumapaibabaw sa buong gym.
"What are you doing to my mother?!" sigaw ng isang boses matapos makita ang pangyayari.
Nakakunot noong tiningnan ng limang magkakabanda ang babaeng agad lumapit sa babaeng pinipigilan ngayon ni Trent at Cross.
"Cookie? What the f*ck are you saying? Paano mo naging ina si Aletha?!" kunot noong tanong ni Zion. Si Cookie naman ang nagtaas ng kilay.
"She's not Aletha, her name is Cassandra Wakefield Amante and for pete sake get your hands off of her!" galit nitong utas.
Nalilitong napatitig ang lima sa babae at dahan dahang napabitaw sila Trent at Cross.
"What the f*ck?" bulalas nalang ni Trent.
"You may find it f*ck but Aletha and my mother have the same face but duh? They obviously differ in height and appeal!" nagtagis ang bagang ni Cookie sa inis habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Napairap naman ang sopistikadang babae at pinagpag ang braso na hinawakan ng dalawang binatang di niya kilala.
"She's right." biglang imik ni Blood habang nakatitig ng mabuti sa sinasabing nagngangalang Cassandra.
Napatikom ng bibig si Cookie at nanahimik, samantalang ang babaeng kamukha naman ni Aletha ay bigla nalang hinablot ang kwelyo ni Trent at tiningnan ito matalim.
"What the--?!" protesta ng binata habang natigilan naman ang apat niyang kabanda.
"Stupid young man! You just ruined my night!" pagkasabi'y ibinalibag nito ang binata.
Napanganga ang mga taong nakasaksi, natulala nalang si Trent habang dumadaing sa sakit. Umirap si Cassandra at lalapitan na sana si Cross nang biglang may umeksenang naggagandahang mga babae.
"Mind if we join the show?" nakangising wika ng babaeng nasa gitna ng walo.
Nanlaki naman ang mata ng mga nakakitang mga taga Ice Empire sa pagsulpot ng walo lalo na't kilala nila ang walong ito.
Natauhan lang sila nang may mabilis na kunai ang lumipad papunta sa direksyon ng babaeng nagsalita at kasunod ng isang boses na dumagundong sa lakas ng pagkakasambit.