42nd Blossom

439 18 5
                                    

*%*% Forty Second Blossom *%*%

HER NECTAR

"Princess, nasa labas sila Chantara. Pasyal muna kayo sa isla para hindi ka naman magmukmok dito." mom said sweetly. I ignored her presence at patuloy lang sa pagtitig sa labas ng bintana.

"Princess, I know it's so sudden and we kept it for a long time pero nagawa lang namin iyon para protektahan ka." dad added. I clenched my jaw.

"Mas naging malakas sana ako kung hindi niyo ako inilayo sa kinagisnan ninyo." malamig kong utas.

Nagtatampo ako. Matagal ko ng inasam na matuto at maging magaling sa pisikal na pakikipaglaban. Narinig ko ang pagbuntong hininga nila.

"You simply don't belong here Paradise. Hindi ka nababagay sa lugar na ito kaya inilayo ka namin. Natatandaan mo pa ba ang kuya G-gabrielle mo? S-siya ang higit na kumumbinsi sa amin para ilayo ka sa mundong ginagalawan namin. All we want is for you to live a normal life anak." paliwanag ni mommy at naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mga mata ko.

"But I'm not a normal girl that you used to know mom!" i started to raise my voice at hinarap na sila. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.

"You are my dear, you are a normal girl. Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Mom, stop feeding me with lies. I already know who I am and where i came from. Alam ko na po ang lahat." Namutla silang dalawa sa sinabi ko.

"W-what do you mean Paradise?"

"I'm not just an ordinary girl. I know that you're aware na may mga nilalang na gustong kumuha sa akin. Simula palang bata ako ay may mga nakaaligid na sa akin kaya palagi niyo akong pinapabantayan noon at nang mawala na si Frost, kina Aki niyo naman ako ipinabantay. Alam ko na po mommy, hindi niyo na kailangang magtago sa akin."

"P-paanong--"

"Besides, malinaw na sa akin ang pagiging warrior ninyo dahil ipinagtapat niyo na iyon sa akin. Si Cookie, Spars, Hades, Aki, Mint, Xerox and even Leaf ay mga katulad niyo din sila. No wonder, malalakas talaga sila. Ayaw niyo din akong mapalapit sa mga lalaki, especially ayaw niyong mainlove sila sa akin dahil sabi niyo kamatayan ang nakaabang sa kanila. Pero hindi niyo po ba nahalata na matagal na silang nasa binggit ng kamatayan simula ng ilapat nila ang paningin nila sa akin?" Napalunok ng sunod sunod si Mommy. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I know that you are also aware na hindi ako ordinaryong bata. Una ay dahil palaging may nagtatangka sa aking kumuha, pangalawa ay dahil sa kakaiba kong presensya na kayang kunin ang atensyon ng mga lalaki pero hindi niyo alam mom na may kakayahan din akong tinatago. Kakayahang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya." Pag amin ko sa kanila.

"Princess, what are you talking about?" seryosong tanong ni dad. Humugot ako ng malalim na hininga.

"Hindi po ako galit sa inyo pero patawad dahil nakatatak na po sa sistema ko na hindi magtiwala ng basta basta. Pasensya na kung hindi ko sa inyo sinabi agad." Tiningnan nila ako ng buong pagtataka.

"Mom, dad, nagpapasalamat po ako dahil inalagaan niyo ako at pinalaki kahit na... k-kahit na hindi niyo ako tunay na anak." I continued.

Nanlaki ang mga mata nila kasabay ng pamumutla ng mukha. Napaluha nalang ako. It's been a week na dala dala ko ang katotohanan at hindi ko na ito kayang itago pa.

"Paradise! Saan mo yan nakuha?" sigaw sa akin ni mommy at nilapitan ako saka hinawakan sa magkabilang braso. Mula sa galit na mga mata ay namungay ang mga ito.

"Anak ka namin okay? Sino ba ang nagsabi sayong ampon ka namin? Kitang kita naman na manang mana ka sa amin diba? Listen Princess, anak ka namin." Napailing ako at lumayo sa kanya.

Paradise and Her IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon