Angelica's POV
ISANG NAPAKADILIM NA GABI. Nakakatakot. Mag-isa at walang kahit na anong makita. Para akong bulag dahil kahit isang maliit na liwanag man lang ay wala.
Napakalamig. Bumabalot sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Napakatahimik ng lugar at tanging paghikbi ko lamang ang aking naririnig. Ramdam ko ang malamig na sementong kinauupuan ko.
Nasaan ako?
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan ako. Natatakot ako. Ayoko sa dilim. Takot ako sa dilim.
Ilang segundo, minuto at oras na yata akong umiiyak ngunit hindi ko man lang magawang humingi ng tulong. Ayaw makisama ng utak at bibig ko. Dumaan ang nga oras nagulat na lang ako ng unti-unting lumiwanag ang paligid. Kumikinang ang kalangitan dahil sa maliwanag na buwan at mga bituin.
Nagkaroon din ng mga ilaw sa gilid ko kung saan naroon ang mga posteng pinaglalagyan noon. Nakikita ko na rin ang mga halaman at bulaklak sa paligid ko. Para akong nasa paraiso ng magdatingan ang mga alitaptap at makukulay na paro-paru. Nakakatuwang pagmasdan ang mga alitaptap na dumadapo sa kamay ko. Hindi ko maiwasan na sumunod kung saan sila patungo.
Lalo pa kong sumaya ng marating ko ang isang malaking puno na may maraming nagliliparan na alitaptap. Sa damuhan ay may mga petals ng rosas. Napakaraming bulaklak ang nasa paligid. Napakaganda din ng mga ilaw na nakasabit sa sanga ng mga puno dito. Nakakamangha.
Sa ilalim ng maganda at malaking puno ay may table na pangdalawahan. May mga plato, baso at kubyertos. Kung kanina ay wala akong makitang mga ilaw ibahin nyo ngayon. Gabi man ngunit napakaliwanag. Napakaganda ng lugar na ito.
"Is it beautiful, huh?"
Dalawang kamay ang umakap sa bewang ko habang pinatong nya naman yung baba nya sa balikat ko. Halos lumuwa ang mata ko ng marinig ko ang boses nya.
"P-park Jimin???'
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at hinarap sya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya para makumpirmang totoo sya.
"Ikaw nga! HAHAH! P-paano ka—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng idikit nya ang hintuturo nya sa labi ko. Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nya.
"Hindi na importante kung paano ako napunta dito. I always worried about you. I miss you so much and I don't want to lose you again."
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Gusto ko sanang kiligin ngunit nagtataka lang ako dahil sa mga sinasabi nya. We don't see each other so how he missed me?
"Saranghaeyo Angelica." bigla nya kong niyakap. Alam nya rin ang pangalan ko.
"Jimin-ahh."
Bumitaw sya at bigla na lang lumuhod sa harapan ko. Naglabas sya ng kulay pulang box at hiniharap yun sakin ng may ngiti sa labi. Naiiyak na ko dahil sa mga pangyayare. Hindi ko alam kung paano 'to nangyare pero sobrang nagpapasalamat ako.
Eto na ba yung pangarap ko? Tinutupad na ba ni lord yung mga dasal kong imposible?
"Will you—"
"MISS ALCANTARA!!"
Nagising ako dahil sa lakas ng boses nya na sumigaw pa talaga sa mismong tenga ko. Pagmulat ko nakita ko si Mrs. Santos, guro namin sa history ay mataray na nakapamewang sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...