Angelica's POVKINABUKASAN, maaga akong pumasok. Mabilis lang din na natapos ang klase namin sa english at hindi na kami dumiretso nina Kevin at ng mga back up ko sa room namin sa history at sa gymnasium na agad ang diretso namin.
Hindi na lang namin pinansin ang mga taong nakatingin samin at dumiretso na lang sa pwesto namin kahapon.
Tahimik lang na naupo si Kevin at nanood sa gagawin namin.
"So may naisip ka na bang kanta?" Tanong ng bestfriend ko sakin. Tumango lang ako at ngumiti.
"Ayos na ba yung Micdrop ng BTS???"
"Oo naman! Ayos na ayos yun sakin!" Sambit ni Sabrina.
"Sakin din!" Jessica
"Samin din!" Pagsang-ayon din nina Aye, Yana, at Bea.
"So ano pang iniintay natin? Tara ng magsimula?" Agad naman kaming tumango sa sinabing iyon ni Kimberly at pumwesto na.
Nag isip kami ng sarili namin step syempre. Baka kasi sabihin nila umaasa na kami sa BTS.
Ilang oras din bago kami nakabuo ng step namin at ng nagsimula ng tumugtog ang kanta ng BTS ay pumwesto na kami.
Nasa kalagitnaan kami ng practice namin ng magsalita si Kevin.
"Ayos na sana eh. Mukhang lang kinukuryenteng butiki si Angelica." Hindi sya tumatawa at seryoso syang nakatingin sakin.
Tumigil ako sa pagsayaw at pinatay yung music. Hinarap ko sya.
"Hoy ikaw! Kung wala kang masasabing matino pwede ba? Umalis ka na lang. Hindi ka namin kailangan dito!"
Pero sa halip na sya ang umalis ay nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad palabas ng gym bitbit yung bag ko.
Teka bakit ako yung umalis?
Tsk! Nakakainis naman kasi eh! Ikaw ba naman ang masabihan ng kinuryenteng butiki habang feel na feel mo na yung pagsayaw mo?!
Nakakaasar!
Kahit kailan talaga panira ng mood ang lalaking yun! Nakakainis talaga sya!
Dumiretso muna ko sa locker ko at inilagay lahat ng notebook ko. T-shirt, tubig at cellphone lang yung tinira ko sa bag ko.
Excuse naman kami maghapon. Yung iba ko namang kaklase ay tuwing klase lang ni Mrs. Santos pwedeng ma-excuse except dun sa mga backup dancer ko.
Isasara ko na sana yung locker ng may magsara na nito para sakin. Sa sobrang lakas ng hampas nya ay naiipit yung braso ko at nagmarka yun dun.
Napatingin ako sa gumawa nun at nakita ko si Nikki at yung dalawa nyang kaibigan na mataray na nakatingin sakin. Maglalakad na sana ako paalis para iwasan sila ngunit napigilan agad ako ni Nikki at naitulak dun sa mga locker. Agad naman akong hinawakan nung dalawa nyang kasama kaya wala akong nagawa nung sampalin nya ko ng malakas. Ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko kaya napadaing ako.
"Ano bang probelam mo?!"
"Ikaw! Ikaw yung problema ko! Napakamang-aagaw mong malandi ka! AKIN LANG SI KEVIN NAIINTINDIHAN MO!? AKIN LANG SYA!" Sigaw nya sakin at nakatitiyak akong walang makakarinig samin. May klase na lahat ng istudyante. Swerte ko na lang kung dumating yung kaibigan ko at hanapin ako.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...