Kevin's POVPagkadismiss na pagkadismiss samin ni Mrs. Santos ay agad kaming lumabas ng mga kaibigan ko. Pare parehas ng kumukulo ang aming mga sikmura at kating kati ng pumunta ng cafeteria.
"Grabe naman si Mrs. Santos noh? Kawawa tuloy yung crush ni Kevin."
"Oo nga. Di man lang pinagtanggol ng isa dyan."
Inis kong tinapunan ng masamang tingin sina Alvin at Jake. Ang dalawang ito nga pala ang mga tukmol kong kaibigan. Puro kalokohan pero maasahan.
"Tumahimik nga kayo! Mamaya may makarinig pa sa inyo dyan eh." sabi ko at nauna ng maglakad sa kanilang dalawa.
"Ang torpe mo bro! Bakit hindi ka na lang kasi umamin na gusto mo si Angel—"
"Kuya tulong! Hinimatay po yung kaibigan ko!" Hindi na natuloy ni Alvin ang sinasabi nya dahil sa isang istudyanteng babae na humahangos na lumapit samin. Tingin ko ay nasa freshmen palang ang batang ito.
"Nasaan?" Tanong ko na agad naman nyang itinuro ang kaibigan nyang nakahiga sa hindi kalayuan.
Tumakbo na kami papunta sa kinalalagyan ng kaibigan nya at dali dali kong binuhat ang batang babae papuntang clinic. Nakasunod naman sakin ang mga kaibigan nya at kaibigan ko.
Pagdating sa clinic ay agad namang inasikaso ang batang babae at pinahiga ito sa kama. Tumayo naman ako sa gilid at pinatahan ang batang humingi ng tulong samin.
"Shhh... she will be ok. Stop crying."
Weakness ko na yata ang mga babaeng naiyak kaya ayokong makakakita ng mga babaeng lumuluha. Pakiramdam ko kasi mommy ko ang umiiyak sa harapan ko at nagmamakaawang iwan ko na sya at iligtas ang sarili ko.
Bigla ko tuloy naalala ang mommy ko. Namatay sya dahil nasunog ang bahay namin noon. Kami lang dalawa sa bahay dahil nasa ibang bansa naman si Daddy. Bigla na lang nagkaroon ng sunog sa bahay namin at natrap kami parehas sa kwarto.
Gumawa ng paraan si mommy para lang makaligtas ako. Isinakripisyo nya ang sarili nya para lang mabuhay ako.
"Sir?" tawag ng kung sino sakin kaya inayos ko ang sarili ko. Natulala na pala ako.
"Yes?"
"Maayos naman ang lagay ng bata. Kailangan lang nyang magpahinga." Sabi ng nurse at agad naman akong tumango.
"Thank you po. Kayo na po ang bahala sa kanya." sabi ko kasi hindi pa kami naglulunch at kanina pang nagmamaktol sa gilid ang dalawang ungas.
"Ay sige ho. Ako na ang bahala." Tumango na lang ako at lumabas na kami ng cafeteria.
Pagdating sa cafeteria ay akala ko ay makakakain na kami pero hindi pa pala. Isa na namang problema ang makakaharap ko ngayon.
Tsk. Si Nikki na naman! Psh. Ilang beses ko syang sinabihan na tumigil na sya pero ang kulet talaga!
Bago pa may mapunta sa guidance ay pinigilan ko na agad na sapakin ni Angelica si Nikki. Tsk! Pambihira talaga ang babaeng ito. Isa pang pasaway eh!
"Tama na." seryoso kong sabi. Inis naman nyang hinigit ang kamay nya at pinagtulakan nya pa ko kay Nikki.
"Ayan! Perfect couple! Parehas kayong mga bwisit sa buhay! Arghhhhh!"
Sakto naman na dumating ang kaibigan nyang si Kimberly at hinawakan sya. Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo nya dahil sa pagkainis.
Nag away pa sila sa harap namin habang kami naman ni Nikki ay may sariling gulo.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...