Angelica's POVIlang linggo na rin magmula nung nag email kami sa bighit at hanggang ngayon wala pa ring bumabalik na email sakin galing sa kanila at ilang linggo na rin kaming magkasama ni Jimin. Sobrang saya nya talagang kasama. Hindi ka mabobored dahil sa kacutetan at kakulitan nya. Palagi nya rin akong kinakantahan bago matulog. Ang sweet diba?
Ewan ko kung matutuwa ako o malulungkot na ewan. Basta! Kung kayo ang nasa kalagayan ko maiintindihan nyo ko. Kaya nga habang hindi pa nag eemail ang bighit sakin ay nilulubos ko na. Iginagala ko na si Jimin sa park tuwing weekend. Kumakain kami sa mga korean resto na narito sa pilipinas at palagi ko syang kinukwentuhan ng kung ano anong nakakatawa o malukungkot na nangyayare sa buhay ko bago sya dumating. Nakwento ko nga rin sa kanya yung samin ni Kevin at alam nyo ba? Bigla na lang nag iba ang mood nya tas sabi pa nya change topic daw. Hindi ko sya maintindihan. Psh.
Anyway monday ngayon at sobrang saya ko! Bakit? Kasi wala kaming pasok! Makakagal na naman kami ni Jimin! Hahaha! Kaya eto ako ngayon sa harap ng salamin at iniipitan ang mahaba at nakalugay kong buhok. Kailangan maganda ako para sa date 'kuno' namin ni Jimin. Hihihi!
Tok! Tok! Tok!
Isang katakot ang narinig ko sa may pinto ng kwarto ko at kasunod nun ang boses na hinding hindi ko pagsasawaan na marinig.
"Are you done?"
Mabilis ko namang itinali ang buhok ko at naglagay ng kaunting pulbos at pabango saka kinuha ang shoulder bag ko at nakangiting binuksan ang pinto.
"Yes. Lets go?"
Tumango ang napakagwapong nilalang na nasa harapan ko at kinuha ang kamay ko saka sabay kaming naglakad pababa ng hagdanan. Matapos makapagpaalam sa katulong ay lumabas agad kami ng bahay at subdivision para mag abang ng taxi.
Napakatahimik at wala ni isa samin ang nagsasalita ng bigla ko na naman marinig ang boses nya.
"You're so beautiful."
"Alam ko. Hehehe"
"Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo."
Nilingon ko sya at tiningnan ng may pagtataka sa aking mukha.
"Panong swerte?"
Ngumiti sya.
"Bukod sa maganda ka. Mabait at maalaga ka rin. You didn't leave me and I'm so lucky that you're the who find me that day."
Grabe. Grabe talaga. Natouch ako sa sinabi nya.
"Alam mo wala yun. Tsaka kahit sino naman gagawin yun diba? Madami pang ARMY sa pilipinas na gagawa ng kabutihang ginawa ko sayo."
Ngumiti lang sya at hindi na nagsalita. Pagdating namin sa mall ay binayadan ko na ang taxi driver at saka sya hinila papasok sa loob ng mall.
Actually ang plano namin is magshoshopping kami ngayon. Nakakahiya na kasi eh. Yun na lang ng yun ang ipinapasuot ko sa kanya. Eh iilan lang naman ang damit na naiwan ni dad so sobrang nakakahiya.
"Dun tayo oh." Sabi ko sa kanya at hinila sya papasok dun sa men's store.
Pinapili ko sya ng mga gusto nya at nakakatuwa talaga. Kinikilig ako! Emeghed! Bakit lahat ng damit na nandito bagay sa kanya? Hayst! Buti na nga lang at men's store ito. Walang masyadong babae. Dahil kung hindi? Makakapandukit talaga ako ng mata. Hehehe peace.
"Bagay ba?"
Tanong nya ngunit halos maglaway na ko sa harapan nya dahil sa sobrang gwapo nya! KYAHHH! WHY! WHY YOU DO THIS TO ME? JIMINIEEEEE!
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
Hayran KurguBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...