Chapter 16 - Practice

75 6 0
                                    


Angelica's Pov

Late! Late! Late!




Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng bahay. Hindi na ko nakapagpaalam sa mga katulong dahil 8:00 na ng umaga at 30 minutes na kong late sa klase!




Eh paano ba naman kasi kagabi!




[FLASHBACK]




Papatayin ko na sana yung phone ko ng makatanggap ako ng message galing sa unknown number.




Taka kong binuksan ang phone ko at binasa yung text nya.




From: Unknown Number
– Sleep well. Goodnight😘




Hanu daw????




Teka kilala ko ba 'to? Pero hindi naman ito yung number ni Kimberly eh. Hindi rin sya mahilig mang trip. Eh sino 'to?




Wrong number siguro..




To: Unknown Number
– Wrong number ka ata?



Inintay kong magreply sya at wala pang isang minuto ay may natanggap na agad ako galing sa kanya.




From: Unknown Number
– No. Hindi ako na-wrong number. Sayo talaga ako naggogoodnight.😘




What?




So ibig sabihin kilala ko sya? Baka naman co-army ko lang na naggogoodnight o trip talaga nito na mag goodnight sa mga hindi niya kilala.





Pero paano nya nakuha ang number ko? Magkakilala ba kami?




To: Unknown Number
– Ahh goodnight? Wait magkakilala ba tayo?

From: Unknown Number
– Yes. We know each other. Angelica, I love you!😘💕





Bigla naman akonb kinilabutan dahil sa huling message na sinabi nya sakin. Pinatay ko yung phone ko at hinagis sa tabi ng kama ko.




Nagulat naman ako ng magring yung phone ko at nakita ko yung number nung nagtetext sakin kanina.




Nagdadalawang isip pa ko kung sasagutin ko pero sa huli ay dinampot ko din yun at itinapat sa tenga ko.





"H-hello?"




Walang sumasagot. Sobrang tahimik at lalo lang akong kinikilabutan.




"H-hello? Sino 'to?"




Wala pa ring sumasagot kaya ibaba ko na sana yung phone call pero may nadinig akong strum ng gitara.




[Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso~~
Tuwing magkahawak ang ating kamay...pinapanalangin lagi tayong magkasama. Hinihiling bawat oras kapiling ka~~~~]




Natigilan ako dahil sa ganda ng boses ng nasa kabilang linya. Lalake sya at sobrang lamig nung boses nya.





[Sa lahat~
ng aking ginagawa. Ikaw lamang~
ang nasa isip ko sinta~
Sana'y di na tayo magkahiwalay.
Kahit kailan pa man~
ikaw lamang ang aking minamahal.
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta.
Wala na kong hihingin pa...wala na~~~]




Mabilis kong pinatay ang tawag at in-off na rin ang phone ko para hindi na sya makatawag. Kinuha ko yung unan ko na may mukha ni Jimin at inakap ito.




Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon