Angelica's PovSobrang tanga ko talaga! Mag isa lang akong nakaupo sa upuan ko habang yung mga kaklase ko ay pinagtitinginan ako na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanila.
Malaki na naman talaga.
Oo nga pala. Ang mapadikit lang ng konti sa Kevin Buenavista nila ay napakalaking kasalanan na para sa kanila.
Buti na nga lang at wala si Nikki sa loob ng room nung dumating ako. Alam kong nadagdagan na naman ang galit nun sakin.
Aba! Kasalanan ko bang ako yung napili bilang representative ng section namin? Kasalanan ko bang partner ko ang bwisit na lalaking yun? Kasalanan ko ba ha? Kasalanan ko?
Nalipat naman ang tingin nila sa bumukas na pinto at niluwa noon si Kevin at yung walanghiya kong kaibigan na hindi man lang ako tinulungan kanina. Inuna nya pa yung kilig! Pano na lang kung bigla na lang may lumipad na kutsara at tinidor sakin kanina?
Nakangiti naman syang lumapit sakin. Si Kevin naman ay dumiretso na sa upuan nya kung saan naroon ang dalawa nyang tropa.
"Uy! Bakit bigla ka na lang tumakbo kanina? Tinatanong ka nya ng maayos diba?" May halong pang-aasar yung boses nya.
Wahhh! Naalala ko na naman ang lintik na tanong na yun! Bakit ba ko affected?!
"W-wala lang.....ano kasi may kailangan lang akong puntahan kaya ganun."
"Talaga? Eh bakit hindi mo na lang ako inintay? Edi sana nasamahan kita."
"Aish! Wag ka na nga madamig tanong? Hayys!"
Pinatong ko na lang yung ulo ko sa desk namin. Narinig ko pa syang tumawa pero hindi ko na lang pinansin.
NAKAKAINIS!!!! SOBRA!
Nagsimula ang klase namin sa science na hindi ko iniimikan yung bestfriend ko. Naiinis kasi ako! Naasar talaga ako!
Nang matapos ang panghapon naming klase ay mabilis akong naglakad palabas ng room at hindi na naglocker. Wala naman kasing assignment eh kaya lumabas na agad ako ng school.
Naglalakad lang ako sa kalsada ng marinig kong may nagkakagulo dun sa malapit sa kanto papuntang subdivision namin at yun lang ang daan para makauwi ako.
No choice! Hindi naman ako madadamay kung hindi ako titingin diba?
Tama! Hindi ako madadamay kung diretso lang ang tingin ko at maglalakad ng pormal.
Nagsimula na kong maglakad ng pormal at diretso lang tingin ko sa daan. Inalis ko ang takot ko pero nung may bigla na lang humila sakin at tutukan ako ng kutsilyo sa leeg ay bumalik ang takot ko.
Sobrang diin ng pagkakahawak ng lalaking ito sa kutsilyo at lalo na sakin. Ano mang oras ay magigilitan na ko ng leeg! Mamamatay na ko!
No! Hindi pwede! Paano na ang mga pangarap ko? Hindi pwedeng dito magtapos ang buhay ko! Tulungan nyo ko!
"Bigyan mo ko ng pera kung ayaw mong madamay ang batang ito!" Sigaw nung lalaking may hawak sakin dun sa asawa nya yata.
Basang basa na rin sa luha ang babaeng hinihingan nya ng pera. Namumuo na rin anv pawis sa noo ko at ang takot sa dibdib ko.
Marami na ang nanood at naiinis talaga ako! Hanggang dito ba naman papanoodin lang nila ang nangyayare at magbubulungan? Wala bang mga barangay tanod na dadating para tulungan ako?
"Wag mong idamay ang batang iyan! Wala akong maibibigay sa iyo kaya tamana! Tumigil ka na! Bitawan mo na ang batang yan! Wala syang kinalaman sa atin!" Sigaw nung babae sa kanya.
Naramdaman ko naman na lalong humigpit yung hawak nya sakin at naramdaman ko din ang malamig na kutsilyo na lumapat sa leeg ko. Nang tumulo ang pawis ko sa leeg ay na feel ko na humapdi yung bandang nilapatan ng kutsilyo.
"Kapah hindi mo ko binigyan ng pera ay mamamatay ang batang ito!"
Napapikit na lang ako ng marinig ang salitang mamamatay. Biglang nanlamig ang katawan ko.
Kung katapusan ko na ay hindi ko makakalimutan sina Mom at si Dad. Mahal na mahal ko sila. Pati na rin ang nagbigay ng inspirasyon sa buhay ko. Ang bangtan. Mahal na mahal ko kayo lalo ka na Jimin. Sorry kung hindi ako makakapuntang korea. Sorry kung hindi kita makikita. Sorry...kung katapusan ko na ngayon maraming maraming salamat sa kaibigan kong si Kimberly. Mahal ko kayong lahat.
Tumulo na ang nga luha ko. Hindi ko magawanv makaimik dahil natatakot ako na kapag nagkamali ako ng sasabihin o kaya galaw ay tuluyan nya na ko.
"Pera ba ang gusto mo?"
Lahat kami ay napalingon sa lalaking nagsalita mula sa gilid namin. Naramdaman kong lumuwag yung kutsilyo sa leeg ko at nakita kong may tumatagas na dugo doon.
"At sino ka naman!?"
"Kaya kitang bigyan ng pera. Kahit magkano ang gusto mo basta pakawalan mo lang ang babaeng hawak mo!" May galit sa boses na sabi ni Kevin.
"Paano naman ako nakakasiguro? Isa ka lamang pipitsuging istudyante!"
"Tatay ko ang may-ari ng pinakamalaking kompanya dito sa pilipinas. Bitawan mo na sya!"
Ramdam ko ang pagdadalawang isip ng lalaking ito. Lumuluwag at humihigpit kasi yung hawak nya sakin. Nagulat naman ako ng humigpit ang hawak nya sakin. Tumulo na naman ang luha ko.
Nawalan na ko ng pag-asa ng tumalikod na si Kevin. Bigla na lang akonh nakaramdam ng sakit nung umalis sya at tumalikod. Para akong nawalan ng pag-asa na mabuhay.
Ngunit nabuhayan ako ng bumalik sya. May dala syang wallet at inabot yun sa lalaking may hawak sakin.
Binatawan naman ako nung lalaki at lumapit kay Kevin. Nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako. Lumapit naman sakin yung babaeng kaaway nung lalaki.
"Ineng pasensya ka na sa asawa ko. Ako na ang humihingi ng tawad. Pasensya na talaga." Umiiyak nyang sabi sa harapan ko.
"A-ayos lang ho. N-naiintindihan k-ko po."
Lahat kami ay nagulat ng suntukin ni Kevin yung lalaki. Nakipag-agawan sya ng kutsilyo. Akala ko ay masasaksak sya ngunit nakaalig sya at nasipa nya yung kutsilyo. Nahawakan naman nya sa kamay yung lalaki at may dumating nang mga pulis.
Nahuli naman agad yung lalaki at naposasan. Naisakay din sya agad sa sasakyan. May sinabi si Kevin dun pero hindi ko madinig dahil masyadong malayo.
Niyakap ko naman muna yung babaeng umiiyak sa tabi ko bago sya sumakay sa sasakyan at magkakasama silang umalis. Sa prisinto na ang bagsak ng lalaking yun at naaawa ako para dun sa babae.
Napatungo naman ako ng makaramdam ako ng panghihina. Habol ko ang hininga ko na tumingin sa lalaking lumapit sakin.
"Kailangan mo ng madala sa ospital."
Tumango na lang ako at inalalayan nya kong makatayo. Nakaramdam naman ako ng hilo ng makita ko ang mga dugong tumatagas sa kalsada.
Dugo!
Bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay matapos kong makita ang mga dugo ko. Hindi ko na alam ang mga sunod nangyare.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
ФанфикBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...