Angelica's PovTwo weeks later...
Dalawang linggo. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula nung mangyare ang pageant na yun at ang napakatinding confession namin.
Feeling ko nakagawa kami ng history dahil sa ginawa naming yun. As in nagconfess na talaga kami sa isa't isa ni Kevin sa harap ng napakaraming tao.
Matapos ang araw na yun isang linggo din kaming naging usap usapan ng buong istudyante. Kahit yung nga teacher na nakasaksi ng gabing yun nagtatanong tungkol samin ni Kevin.
Ako nga pala yung nanalo at yung Chandler na taga Section D. Grades lang naman daw yung premyo at tinaasan lang nila yung grades ko sa history.
Dalawang linggo na rin ang nakalilipas matapos namin na magtake ng exam. Hindi naman ako nahirapan na makakuha ng passed score dahil sa pag-aaral ko ibinuhos ang weekdays ko noon.
Sa lumipas na dalawang linggo nakakatitiyak akong nagbago na nga ang lahat. Bumalik na sa dati yung buhay ko. Naging tahimik naulit at nakakasundo ko na ulit yung mga kaklase ko. Wala na ring galit sakin lalo na kapag pumupunta kaming cafeteria. Sobrang smooth na ng lahat at nangyare na nga yung gusto ko.
Dalawang linggo na rin akong iniiwasan ni Kevin. Talagang kapag magkasalubong kami sya na yung iiwas at babalik. Kapag may groupings na nagaganap sa klase nakikipagpalit sya ng group para lang umiwas sakin tapos kapag magkakatinginan kami sya na mismo yung iiwas at lilingon sa ibang direksyon.
Palagi na rin silang magkasama ni Nikki. Sa pagpasok, sa lunch at sa pag uwi. Walang nagagalut doon dahil alam naman ng lahat na sila na at iginagalang nila yun dahil mahal nila si Kevin.
Oo sila na ngayon. Pagkatapos nung exam namin last week nabalitaan ko na lang sa bestfriend ko na si Nikki at si Kevin na daw.
Naikwento ko na rin lahat sa bestfriend ko ang mga pinagdaan ko. Naiintindihan naman nya kung bakit ko isinekreto at iginalang nya rin yung naging desisyon ko na mag iwasan na lang kami ni Kevin.
"Kyahhh! Birthday pala ngayon ni Park Jimin!!" Balita sakin nung bestfriend ko.
Andito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch. Napatingin naman ako sa calendar ng phone ko at oo nga birthday nga nung asawa ko. October 13 na ngayon eh.
"Magcelebrate tayo mamaya." Suggest ko sa kanya.
"Hindi pwede bes eh. Wala pa kong pera ngayon. Ginigipit kasi ako ng parents ko dahil hindi ko daw naipasa yung science."
"Libre ko naman eh." Sagot ko.
"Sige ba! Anong oras?"
"Mamayang labasan." Pumalakpak sya at inubos na yung ibinili nyang lasagna.
Tinginan mo nga naman paglibre. Ang bilis tsaka ang active samantalang kanina ayaw na ayaw nya. Napailing na lang ako.
Pero speaking of birthday ni Jimin.
Nakalimutan ko na dahil na rin sa dami kong iniisip. Pati yung future husband ko nabalewala ko. Pakiramdam ko ang sama kong tao. Well, masama naman talaga ako.
Nanakit ako ng damdamin ng iba tapos ako ito ngayong nasasaktan dahil pinalaya nya na ko at sinunod nya yung gusto ko.
Oo inaamin kong nasasaktan parin ako. Lalo na nung nalaman kong sila na pala. Pero minsan sinisikap ko naman na kalimutan na lahat eh.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanficBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...