Angelica's POV"MISS ALCANTARA!"
Nagising ako dahil sa lakas ng boses ni Mrs. Santos na sumigaw pa talaga sa mismong tenga ko. Umayos ako ng upo at inayos ang mga gamit na nagkalat sa lamesa ko. Grabe yung bag ko kalat na pala sa sahig. Naglabasan tuloy yung nga photo card ng bts na nakatago sa bag ko.
"Sinong may sabing matulog ka sa klase ko?"
Galit na galit nyang tanong sakin habang kinukusot kusot ko naman yung namumungay kong mata.
"Sorry po..."
"Next na matulog ka ulit sa klase ko hindi na kita pasasalihin sa christmas party." Inis nyang sabi at naglakad na papuntang unahan. May dinampot syang mga test papers sa table nya na ikinalaki ng mata ko.
"Get your pens and answer your quiz paper." At dinistribute na nya ang mga hawak nyang testpapers sa bawat rows.
Takang taka naman ako kaya tinanong ko ang katabi ko kung bakit may pa quiz si ma'am.
"May quiz? Kelan sinabi?"
"Nung friday pa. Buti nga walang pasok kahapon. Nakapag-aral ako. Hehehe!"
Tangina!
Hindi ko na pinansin ang katabi ko matapos marinig ang sagot nya dahil may testpaper nang nakarating sa table ko. Tiningnan ko at puro identification lahat. Napahawak na lang ako sa noo ko ng wala sa oras. Pakshet! Bat nakalimutan ko!
"Paglumingon ka, Bagsak ka." Yan ang sabi ni ma'am sa aming lahat at nagsimula ng magsagot ang iba habang ako eto natatanga na naman. Wala akong maisagot eh! Pakshet!
"Mind your own paper." Dagdag pa ni ma'am.
***
As usual lutang akong lumabas ng classroom. Hindi nga ako makausap ng matino ng bestfriend ko at ni Kevin dahil sa sobrang kalutangan ko. Tangina!
Babagsak na naman ako sa quiz ni Mrs. Santos. Buti nga wala ng parusa parusa kapag bumagsak. Phew! Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
"Oy ano na?" Kaway ni Kimberly sa harapan ko para mabalik ako sa reyalidad.
"Ano?"
"Kanina ka pang tulala." Sabi ni Kevin na nasa tabi ko lang.
"Ano na naman yang iniisip mo? Mahal ka nun wag lang mag-alala." Sinamaan ko naman ng tingin si Kimberly dahil sa sinabi nya. Siraulo talaga.
"Wala toh. Wag nyo kong pansinin." At tumayo na ko saka iniwan silang clueless dun. Bahala sila. Hmm.
Pumila na ko para umorder ng pagkain. Pagkaorder ko nahagip ng mata ko ang babaeng yun na naghahanap ng mauupuan habang bitbit ang inorder nya. Nilapitan ko sya at kinausap.
"Tara. Sabay ka samin." Sabi ko
"Sa inyo? Naku. Hindi na. Hindi naman ako welcome dun. Heheh! Nagtampo sayo ang bestfriend mo dahil sakin." Sabi nya at aalis na sana pero pinigilan ko sya.
"Sinong nagsabing di ka welcome? Wag na maarte ok?" Sabi ko at walang pasabing hinila sya papunta sa table namin.
Nadatnan naming nagtatawanan si Kevin at Kimberly kaso natigilan sila ng makita kung sino ang kasama ko. Napakasama talaga ng dalawang ito. Nakita lang si Nikki nagkunwaring kumakain.
"Guys." Tawag ko sa kanila pero walanv lumilingon sakin.
"GUYS!" —_—
"Angelica aalis—" Nikki.
"MGA PUKINGINA NYO PANSININ NYO KO!" At padabog kong binaba ang tray ko. Buti hindi natapon ang juice na binili ko.
"Bakit mo naman kasama yan?" Kimberly.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...