Chapter 13 - Am I Falling?

84 7 0
                                    


Kevin's Pov

Nang mawalan si Angelica ng malay ay mabilis ko syang binuhat papunta dun sa dala kong kotse. Marami ng nawalang dugo base sa nakikita ko sa damit nya at sa nasa kalsada at nag-aalala na ko.




Binilisan ko ang pagdadrive at dinala sya sa pinakamalapit na ospital na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Alvin.




Dahil kilala na ko ng mga tauhan doon ay mabilis nilang inasikaso si Angelica at dinala sa Emergency Room.




Umupo ako sa may pinakamalapit na upuan at hinawakan ang noo ko. Nag-aalala ako para sa kanya. Paano kung may masamang mangyare sa kanya?




Hindi! Wag ka ngang negative dyan!




Magiging maayos din sya. Magagaling ang doktor dito at alam kong maayos nila si Angelica. Gagaling sya at magigising pa!




Hindi ko alam ng gagawin ko kapag nawala sya! Nakakaasar naman kasi! Bakit ba sya nandon? Nangielam ba sya sa away ng iba?! Tsk!




Tinext ko na lang si Kimberlyat sinabing nasa ospital nya. Nakuha ko kasi yung number nya kanina habang papunta kaming room. Nakuha ko din ang number ni Angelica sa kanya kanina.




Nagreply naman syang hindi sya makakapunta dahil hindi na sya papayagan na umalis dahil madilim na rin. Sinabi na lang nya na bukas sya makakapunta.




Ilang oras din akong nag-intay ng makalabas na yung doktor na mama pala ni Alvin. Si Tita Alma.




"Kamusta po sya?" Tanong ko ng makalapit sya.

"Ok na sya. Mamaya lang ay ililipat na sya sa kwarto nya. Hindi naman kasi naging malalim ang.naging sugat nya sa leeg. Wala ding naputol na ugat aya ok na sya." Paliwanag nya.

"Salamat po Tita."

"Welcome. Teka kaano ano mo ba ang pasyente? Girlfriend mo ba sya?"




Sana nga girlfriend ko na lang sya.




"Magkaibigan lang po kami."




Eh kahit nga kaibigan hindi eh. Sinong niloko mo Kevin?




"Ganon ba? Sige mauna na ko. Sumunod ka na lang sa pagdadalhan nilang kwarto sa kaibigan mo." Tumango naman ako at umalis na sya.




Inintay kong makalabas ang mga nurse at sumunod ako papuntang 3rd floor kung saan ang magiging kwarto nya.




Pagkadating sa kwarto ay iniwan din kami agad ng mga nurse pagkatapos nilang i-check si Angelica.




Lumapit ako sa kama nya at hinaplos ang ulo nya. Sobrang pinag-alala nya talaga ako.




"Kapag nawala ka hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal kita at ayokong mawala ka sakin. Minsan lang ako nagmahal ng ganito. Simula nung nakilala kita nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Naging inspirasyon kita sa lahat ng bagay."

"Nawalan na ko ng ina. Dati akala ko ang buhay ay panghabang buhay. Umasa ako. Simula nung nawala ang mommy ko nagmukmok ako. Nambully ako para mawala ang sakit pero andito parin. Ayokong pati ikaw mawala sakin...."




Hinalikan ko sya sa noo.




"Sana magising ka na agad. Gusto na ulit kitang asarin eh. Gusto ko na ulit makita yung noo mong kumukunot kapag naasar ka."




Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon