Angelica's PovFast Forward....
TIME CHECK: 6:30 PM
30 minutes na lang at magsisimula na yung pageant. Matapos na rin yung mga paghihirap ko pati na rin ang ugnayan namin ni Kevin.
Nakakalungkot man pero kailangan.
"Lets go?" Tanong sa akin ng bestfriend ko. Andito kami sa loob ng kotse nila.
Mayaman naman kasi sila. May driver sila at yun yung kinaiinis ko sa parents ko. Hindi man lang nila ako mabigyan ng driver.
Kapag talaga ako nakapagtapos ng pag-aaral ko? Bibili ako ng sarili kong kotse para pag nasa korea nq ko meron akong sariling sasakyan.
Matagal ko na kasing pangarap na makapuntang korea at magkaroon ng sariling sasakyan. Nangako naman sakin sina mom at dad na kapag nakapagtapos ako hahayaan na nila akong magtravel sa kung saan. Papayagan na nila akong tumira sa korea at doon maghanap ng trabaho.
O diba ang saya nun? Malay nyo makita ko pa dun ang BTS. Pangarap ko din kasing maging isang sikat na fashion designer. Gusto ko kasing magdesign ng mga korean na damit. Gusto ko din na ako ang gagawa ng gown ko kapag kinasal na kami ni Jimin oppa!
Taas ng pangarap!
Hahaa! Syempre. Libre lang naman ang mangarap kaya hanggat kaya kong mangarap ay gagawin ko. Kahit imposible pa yan.
"Lets go." Ngumiti ako sa bestfriend ko at bumaba na kami ng kotse.
Suot ang pink floral dress ko na above the knee at ang 4inch na sandal na pinasuot sakin ni Kimberly ay naglakad kami papasok ng campus.
Pagpasok pa lang namin sa hallway marami na kaming nakakasalubong at nakakasabay na sobrang gaganda ng mga ayos. Yung iba japan na japan yung ayos nila tapos may mga tokyo girl din.
Yung sakin kasi korean kaya pinakulot ko ng malalaki yung mahaba kong buhok. Pinalagyan ko na rin ng bangs tapos tinali ko yung buhok sa tuktok ng ulo ko. Pinaglagay din ako ng bestfriend ko ng contact lens para daw mas maganda.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mailang dahil may mga nakakasalubong kaming habol yung tingin sakin at yung mga lalaki naman sumisipol pa.
Dun ako naiinis. Dun sa mga lalaking sumisipol tapos titingin sa maputi kong legs.
"Ang mamanyak naman ng mga yun." Salita ng bestfriend ko sa tabi ko.
"Bilisan na lang nating maglakad."
Pagdating sa may open stage kung saan gaganapin yung magiging pageant ay namangha ako.
Ang ganda kasi ng pagkakadesign nila. Maraming bulaklak sa paligid tapos ang gaganda din nung ilaw. Dun naman sa malaking screen ay may nakasulat na Mr. And Ms. Country.
Pumasok na kami sa backstage at sinalubong naman kami ng mga backup dancer kong sina Sabrina.
"Omyyy! Ang ganda mo Angelica!" Tili ni Sab.
"Wait nasan si Park Jimin? Kailangan nyang makita yunh future wife nya. Yieeee!" Biro naman ni Bea.
Nagtawanan naman kaming lahat. Iginala ko naman yung mata ko para hanapin sya. Marami na kong nakikitang mga escort pero wala sya.
"Mamaya pa yun dadating. Maupo na lang muna tayo dun." Turo naman ni Kim dun sa bakanteng upuan.
Hinila naman nya ko ng hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nabigla kasi ako dahil sa sinabi nya. Masyado ba kong halata?
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...