Chapter 19 - Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana

65 6 0
                                    


Angelica's Pov

Lumipas ang mga araw at bukas na yung laban namin dun sa pageant na magaganap kaya todo practice lang kami ng mga kaibigan ko.




Binigyan na rin kami ng mga reviewer ng mga teacher namin dahil sa monday na yung exam namin.

Sobrang dami kong kailangang paghandaan at problemahin tapos sumasabay pa si Kevin sa pangungulit nya sakin.




Simula kasi nung nangyare yung yakapan namin dalawang araw na ang nakalipas ay kinabukasan bigla na lang syang nagbago. Lumalala na yung mga pang-iinis nya at hindi ko yun nagugustuhan.




Nakikita kasi kami ni Nikki at alam kong naiinis sya pero sabi ko naman sa kanya ay iiwas lang ako kapag natapos na ang program na 'to. Naiintindihan naman nya siguro kaya hindi nya ko ginagalaw.




Andito kami sa gym at todo practice lang ng sayaw namin habang si Kevin ay inaasar ako tungkol sa pagsayaw ko. Sobrang tigas daw ng katawan ko at hindi daw ako marunong sumayaw at naiinis na talaga ako!




"Umalis ka nga dito! Magpractice ka ng sayo!" Sita ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako.

Ilang oras din kaming sumayaw ng sumayaw hanggang sa magring na yung bell hudyat na lunch break na kaya nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago tumayo.

"Mga bes mauna na kayo ha. May pupuntahan muna ko sandali." Paalam naman nung bestfriend ko sakin.

Pati yung iba kong kasama ay nagpaalam na din at sinabing may mga kasabay daw silang maglunch.




Napalingon naman ako sa lalaking nakaupo dun sa may bleachers at nakangisi. Napailing iling na lang akong naglakad palabas ng gym.




Simula nung nagpractice kami dito hindi na nawala yung masasamang bulungan at tingin sakin. Akala mo naman may ginagawa akong masama.




Tahimik lang akong naglalakad mag-isa papuntang cafeteria hanggang sa may umakbay sa balikat ko.

"Iniwan mo ko!" Sabi nya pero diretso lang ang tingin nya sa daan.

"Eh bakit naman kita iintayin? Ano mo ko? PA?" Mataray ko namang sabi sa kanya at pilit na inalis yung kamay nya sa balikat ko. "Alisin mo nga yung kamay mo!"

"Ayoko nga!"

"Eh ang bigat kaya!" Hindi nya ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagpasok ng cafeteria.

Paano ko ba sya makakalimutan kung ganito naman na lagi syang nakadikit sakin? Nakakainis!




Habang tumatagal lalo lang lumalalim yung nararamdaman ko at sobrang sama nun! Kapag nahulog ako ng tuluyan mahihirapan na kong umalis at nangako ako kay Nikki na kapag natapos ang kalokohang ito ay lalayuan ko na si Kevin.




"Anong gusto mo? Libre ko na." Tanong nya samin pagpasok namin sa loob.




Nakaakbay parin sya sakin at habang tumatagal dumadami na rin yung mga may gustong pumatay sakin. Sa sobrang sama ng mga tingin nila nahihirapan na kong kumilos.




"Bumitaw ka na lang. Yun yung gusto ko."

"Ok!"




Akala ko bibitaw sya pero hinawakan naman nya yung kamay ko at nakipagsiksikan dun sa pila. Wala namang nagalit at mga kinilig pa ang ilan ng makatabi nila ang isang Kevin Buenavista.




Umorder sya ng pagkain at nagpahatid pa talaga sya dun sa taga-linis ng cafeteria para lang mailagay yung pagkain sa may table na nakita nya.




Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon