Chapter 11 - OMYGHADDDD!!

83 8 0
                                    


Angelica's Pov

Pagdating sa cafeteria ay wala kaming ibang nadinig kundi ang tungkol sa lintik na program na yun na gawa ng mga history teacher namin.




Marami ang natutuwa at syempre may mga katulad ko na gustong magback out dahil nahihiya at mga wala parin silang experience.




Iniisip ko tuloy kung ano kayang magiging reaksyon ng mga tao dito kapag nalaman nilang magka-partner kami ng Kevin Buenavista nila?




Baka habang nagpeperform ako sa stage ay may bumato na lang bigla ng bulok na kamatis o kaya itlog.




Pwede rin na isabutahi nila ako para mapahiya sa lahat ng manood! Iniisip ko pa lang mga posibleng mangyare ay kinikilabutan na ko. First time ko kasing mararanasan na magkaroon ng maraming haters kapag nangyare na ang iniisip ko.




Hindi ko na nga lang tinitingnan si Nikki kanina kahit na alam kong na doble dead na nya ko sa utak nya.




"Hoy! Sabi ko kung anong oorderin mo?! Kanina ka pang tulala dyan."

Bumalik ako sa huwisyo ng hampasin ako ng bestfriend ko aa braso.

"Yung katulad na lang ng sayo." Sagot ko.

"O sige akin na yung pera mo. Ako na oorder dahil mukhang nawawala ka sa sarili mo."




Inabot ko naman yung limang daan ko sa kanya. Wala kasi akong barya eh. Buti na lang at may kaibigan akong gaya ni Kimberly. Kung hindi ay baka nawala na talaga ako sa sarili ko.




Pumunta naman ako sa gilid at doon sya inintay. Nadinig ko bigla yung usapan nung dalawang babae sa likod ko.




"Balita ko si Kevin daw yung representative ng Section A."

"Talaga? Eh sino yung partner nya?"

"Hindi ko din alam eh. Pero sana wag yung walang kaalam alam sa mga ganon. Mapapahiya lang si Kevin natin!"

"Correct ka dyan! Sana si Nikki na lang para sure na maganda ang kalalabasan."

"Sana nga...mas bagay kasi sila kesa dun sa Angelica Alcantara na yun! Duh! Hindi sila bagay!"




Umalis na agad ako sa pwesto ko at tinulungan na si Kimberly na magbuhat ng tray.




Kita nyo na! Mapapahiya lang ako! Dapat ay si Nikki na nga lang ang kapartner ni Kevin. Kakausapin ko si ma'am para mapaltan na agad bago pa malaman ng mga istudyante yun!




Ayokong mabato ng bulok na kamatis at itlog noh! First time kong masasali sa ganon tapos ganon pa yung unang experience?!




"Kanina ka pang wala sa sarili mo. May sakit ka ba? Gusto mo samahan muna kita sa clinic?" Nag aalalang tanong sakin ni Kimberly.

"O-ok lang ako. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Dahil ba magkasama kayo ni Kevin? Anong nangyare kagabi? Bakit hindi ka nakatulog?"

Napairap na lang ako sa mga sinasabi nya. Myghad! Ano bang iniisip ng babaeng ito?

"Walang nangyare! Natulog lang kami. Syempre malamig yung sahig tapos nakaupo lang kami. Hindi talaga ako makakatulog ng maayos----"

"Tulog na tulog ka nga sa balikat ko tapos sasabihin mong hindi ka nakatulog ng maayos?"




Napatingin ako sa lalaking nagsalita.




Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon