Chapter 4 - Kamalasan pt. 2

112 8 0
                                    


Angelica's POV

Nagkagulo gulo na sa loob ng classroom namin dahil sa surprise test na yun ni ma'am. May ilang nagreklamo at isa na ko dun pero sa utak ko lang.




"Ang babagsak sa test na ito ay makakakuha ng parusa. Tamang tama at isang taon na rin magmula ng malinis ang lumang building dun sa may dulo kaya kung sino man ang babagsak sa inyo ay maglilinis doon."




PUTANG-INA! GAGO!




"Ma'am bakit dun pa!?"

"Oo nga po! May multo dun! Nakakatakot!"

"Ma'am iba na lang po ang parusa!"




Ilan lamang yan sa pakiusap ng mga kaklase ko kay Mrs. Santos dahil alam nilang isa na rin sila sa babagsak pero dahil nga sa advance akong mag-isip kinabahan na ko agad lalo na nung sinabi nung isa kong kaklase ang tungkol dun sa multo daw doon!




Puta alam kong meron nga daw dun kasi dati daw may narape na istudyante doon at hanggang ngayon andun parin yung kaluluwa ng babae!




Tangina kinikilabutan talaga ako! WAAAHHHHH! Hindi yata aksidente o sakit ang ikamamatay ko kundi ang kaba!




"Aba't natakot pa kayo sa multo? Mas matakot kayo kapag bumagsak kayo sa subject ko! Keep all your notes. Ballpen lang dapat ng makikita ko sa desk nyo class."




Goodluck sakin. Nakakainis naman kasi! Bakit ba puro kamalasan na lang ang nangyayare sa buhay ko? Wala man lang bang swerte? Suki ba talaga ako ng kamalasan?




Nang maibigay na samin ang mga test paper na aming sasagutan ay tiningnan ko agad lahat ng type of test at halos matumba ako sa upuan ko ng makita kong puro identification tapos lima lang yung multiple choice!




"Cheating is not allowed. Ang mahuhuli kong titingin sa papel ng katabi ay makakuha ng perfect score at ang izezero ko naman ang magpapagaya pati ang pinaggayahan kaya kung ayaw nyong maging unfair ang exam na ito ay takpan nyo ang mga papel nyo. You have 45 minutes to answer that 40 items "




Cheating? Hahaha! Eh wala nga akong katabi eh! Tangina lang talaga!




Malas! Malas! Malas!




At dahil advance akong mag-isip hindi ko na lang sasagutan ang test paper na ito. Charot! Baka naman makatsamba ako sa multiple choice diba? Tiwala lang!




Inuna kong sagutan ang multiple choice at sobrang saya ko dahil kahit papaano ay may naintindihan pa ko kahapon sa discussion ni ma'am bago ako makatulog sa klase nya. Buti na lang talaga!

"Kung nakinig kayo kahapon sakin at hindi yung kung ano anong pinaggagagawa nyo dyan sa upuan nyo at hindi kayo NATULOG. Eh baka hindi kayo nahihirapan ngayon." Pfft! Nahiya ako bigla ng sakin tumingin si ma'am nung sinabi nya yung word na NATULOG.

Eh kasalanan ko bang ang boring nyang magturo na nakaaantok yung lesson nya? Tsk! Tsk! Tsk!




Kung palinisan lang din naman ng papel ang labanan ay panalo na ko. Pakiramdam ko nga ako lang samin ang walang maisagot sa identification. Huhuhu! Sadlayp!




Ako na talaga. Ramdam na ramdam kong ako na ang makakatanggap ng parusa ni ma'am. Nakakainis naman kasi! Nasa huli talaga ang pagsisisisi. Sana pala hindi na lang ako natulog sa klase nya.

Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon