Chapter 29 - Sorry

80 5 0
                                    


Angelica's POV

Awang awa ako sa itsura nya ngayon. Mas malala pa yata ang mga galos at pasa nya kesa sa mga galos at sugat na natamo ko sa kanila noon. Kung sino man ang gumawa nito sa kanya at wala silang awa. Talagang binugbog nila si Nikki. Sobrang dami nyang pasa sa mukha at mga braso pati na rin sa binti. Grabeng pananakit ang ginawa ng kung sino kay Nikki.

Walang umimik saming dalawa. Patuloy lang sa pag iyak si Nikki habang awang awa naman akong nakatingin sa kanya. Kahit papaano naman ay may awa pa rin ako sa mga gaya nya. Hindi ako ganong kasamang tao. Kahit na maldita at walanghiya itong si Nikki sakin ay hindi naman nya deserve ang ganitong sitwasyon.

Alam ko naman na mabait si Nikki. Naging masama lang sya dahil sa pag ibig. Nabulag lang sya sa pag-ibig. Naawa talaga ako sa kanya at the same time naiinis. Bakit kasi kailangan nyang magpakatanga kay Kevin eh ang ganda naman nya? Marami namang nagkakagusto sa kanya pero bakit pinagpipilitan nya ang sarili nya sa taong di naman sya mahal? Aish! Pag-ibig nga naman. Napakalupit.

Hindi ko na nakayanan at ako na ang naunang magsalita. Hinawakan ko sya sa kamay.

"Sinong gumawa nito sayo?" Buo ang boses at seryoso ko syang tiningnan.

Gusto kong manapak dahil sa nakikita ko. Hindi naman kasi talaga deserve ni Nikki ang ganitong sitwasyon. Alam kong marami na syang kasalanan na nagawa pero sobra naman yata  itong ginawa nila.

"Ayoko na....ayoko na....ayoko na."

"Shhhh...I'm here."

Niyakap ko sya. Sa ngayon alam kong yun ang kailangan nya para gumaan ang loob nya. Isang yakap na galing sa isang kaibigan although hindi kami friends but I need to do this. Isa pa gusto ko din syang makausap. May kailangan akong malaman.

"Gusto ko ng bumalik sa dati. *sob* Gusto ko nang matahimik. Ayoko na!"

"Stop crying. Babalik din sa dati ang lahat. Magtiwala ka lang Nikki. Tahan na..."

"Huhuhu *sniff* *sob* Tulungan mo ko. Please. Tulungan mo ko."

"Shhhhh...Ok Ok. I will help you but...tell me what happened. Bakit ang dami mong pasa at sinong may gawa nito sayo?"

Nagtitigan pa kami ng mga ilang segundo bago nya pinunasan ang pisngi nya na basang basa ng luha at nagsimulang magkwento.

"Business Man ang daddy ko at magaling syang magpatakbo ng kompanya at kaya nyang magpabagsak  ng mga taong hindi marunong sumunod sa kanya at isa na dun ang daddy ni Lorraine at Cheska na matagal ko ng kaaway because of Kevin."

"Actually wala akong kaalam alam na business partners pala ang daddy ko at daddy ni Lorraine at Cheska. Nalaman ko lang nung one time nagkaroon ng dinner sa bahay at inimbetahan sila ni Daddy. That day sinabi ni dad sa ama nina Lorraine at Cheska na bibitawan na nya ang kompanya ng mga ito dahil wala naman syang mapapala. Simula noon naghirap na sina Lorraine at Cheska dahil sa kompanya lang sila umaasa at dahil binitawan na ito ni dad ay bumagsak ang kompanya nila. Nalaman ko ito at nagkaroon ako ng idea. Nilapitan ko sila noon habang kumakain sila sa cafeteria. Sinabi kong pipilitin ko si dad na hawakan ulit ang kompanya nila kapag sumama sila sakin at naging alipores ko sila."

"Hindi pa dapat sila papayag pero wala naman silang magagawa dahil naghihirap na sila. Naging magkakaibigan kami hanggang sa nakilala kita and nabalitaan ko na ikaw pala ang babaeng gusto ni Kevin. Naging katulong ko sila sa pang aaway ko sayo. Pero nung nagkaroon na sila ng pagkakataon para utuin si dad dun na sila nagsimulang kumalas sakin. Pinagtutulungan na nila ako at dahil nga tuluyan ng naputol ang koneksyon ang kompanya nila samin eh dun na sila nagsimulang maghinganti at ginawa nila sakin ito."

Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon