Chapter 27 - Keleg se eke

69 6 0
                                    


Jimin's POV

WAAAHHHH!! ANG BANAS! ANG BANAS! Kahit may aircon binabanas parin ako!

Tumayo na ko sa kama ko at mabilis na nagpuntang banyo. Naligo ako kasi sobrang banas talaga. Pagkatapos kong maligo yun ulit yung damit ba sinuot ko. Wala eh. Wala pa kong damit tsaka yun lang yung binigay ni Angelica sakin kagabi.

Naalala ko tuloy yung mukha nya nung pumasok sya dito tapos naabutan nya kong bagong ligo. Hahaha! Sobrang pula ng mukha nya!




Pagkatapos kong magbihis lumabas agad ako ng kwarto ko. 5:30 na ng umaga. Gising na kaya sya?

Napako ako sa tapat ng pinto nya. Curious lang ako kung anong itsura ng kwarto nya. Alam ko ARMY sya kaya sigurado akong puro kami yung nandun.

Wala naman sigurong masama kung papasok ako diba? Titingnan ko lang naman.




Pinihit ko na yung doorknob ng kwarto nya at dahan dahang itinulak yun paloob. Sumilip ako ng konti at napangiti na lang ako.

Hindi kasi ito yung inaasahan ko. Nakakataba ng puso na pinuno nya ng poster namin yung right at left side ng pader ng kwarto nya.

Pumasok na ko sa loob at nakita syang mahimbing pang natutulog. Pati kumot nya BTS tapos yung unan nya may mukha naming pito at syempre yung mukha ko yung yakap nya. Hahaha! Sweet.




Pakiramdam ko binanas na naman ako. Ang cute nya kasi eh! Hahaha!

Inalis ko na yung tingin ko sa kanya at nagpunta dun sa may right side ng kwarto nya. Puro pictures ko lang ang nandun.

Hehehe! Di naman halatang ako ang bias nya!





Inilibot ko yung mata ko sa kabuuan ng pader na yun at nakakatuwa talaga ang babaeng yun. Nakadisplay din kasi yung mga pictures ko na kita yung abs ko. Hahaha!

Pinagnanasaan nya ba ko? Haha!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Natawa na talaga ako. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Basta mainit sa pisngi tapos yung puso ko mabilis ang pagtibok. Haha!




Mukhang kailangan ko ng ipatingin ang heart health ko pagbalik ko ng korea.

Lumipat ako dun sa left side ng kwarto nya kung saan naroon ang mga pictures naming pito.

Nakakatuwa talaga sya. Pakiramdam ko ang sweet sweet nyang tao.




At ang cute nya.





Nakakataba talaga ng puso na makita mong ganito ka nya kamahal. Lahat kasi ng naritong pictures is from 2013-2018. Wala syang kinaligtaan na taon at sobrang proud na ko sa kanya.

That's why I love all ARMY :)

Saranghae ARMYYYYYY! :*




Tumingin ako sa babaeng natutulog sa kama. Sobrang himbing pa rin ng tulog nya. Hindi man lang nya naramdaman na may ibang tao na pala sa kwarto nya.

Lumapit ako sa kanya. Nakita kong may ARMY bomb din dun sa cabinet nya. Hayst! Hindi na yata mawawala yung ngiti ko sa labi.

Napatingin din naman ako sa kisame. Nakita ko yung malaking poster ko sa taas. Nakataas na naman yung damit ko dun. Hahaa!




Masyado syang halata.




Siguro sinadya nya yun para pag gising nya ako agad una makikita nya. Tsk!

Ba't ba sobrang saya ko? Wahaha!




"KYAAHHHHH! ANONG GINAGAWA MO DITO!?" napaatras ako dahil bigla na lang syang nagising at sumigaw.

Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon