Chapter 26 - Poor Nikki

72 7 0
                                    


Angelica's Pov

Natapos ang klase namin na may napagkasunduan naman kami kahit papaano. Puro kasi sigawan ang nangyayare kaya akala ko hindi na makakaisip ng plano para sa christmas party namin.

Lutong bahay na lang daw ang kakainin namin at syempre hindi mawawala ang palaro. Na assign naman ako sa pagdadala ng dyaryo para sa Newspaper dance na magaganap.

Sabay sabay na kaminh tatlo na lumabas ng classroom at pumuntang cafeteria. Natutuwa naman ako dahil ang laki na talaga ng pinagbago ng mga tao dito.




Akala ko noon habang buhay na nilang magiging hobby ang pagbubulungan at pagtataray kapag magkakasama kaming tatlo nina Kevin pero masaya ako na napagod na sila.

Pagpasok kasi namin ng cafeteria parang normal lang lahat. Walang bulungan at masasamang tingin ang naganap. Parang hindi nila kami kilala dahil tuloy lang sila sa mga ginagawa nila at hindi man lang kami tiningnan.

Umorder na kami ng mga pagkain namin at umupo na sa nahanap naming upuan.




"Hayys! Ang peaceful ng mundo! Ang saya!" sambit nung kaibigan ko pagkaupo namin.

"Oo nga. Sana magtuloy tuloy na." sambit din naman ni Kevin.




Nakita ko naman si Nikki na mag-isang pumasok sa may cafeteria. Naalala ko tuloy yung mukha nya kanina. Nakakaawa syang tingnan.

Nakita ko namang pumasok din yung dalawang nyang kaibigan kasunod nya at hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyare.

Hinila nung isa yung buhok ni Nikki habang hinawakan naman nung isa yung baba nya at may sinabi pero hindi namin marinig.




Tumayo ako at hinawakan naman ni Kevin yung kamay ko.




"Wag ka ng makisali dun." sabi nya pero hindi ko sya pinansin.




Bigla naman syang sinampal nung may hawak sa kanya sa baba kaya hinigit ko yung kamay ko kay Kevin at naglakad papunta doon. Hinawi ko pa yung mga tao para makalapit sa gitna at ng sasampalin nya ulit si Nikki mabilis akong tumakbo at hinawakan yung kamay nya.

Lahat ng atensyon ay napunta sakin pati yung babaeng sasampal kay Nikki.

Naging masama si Nikki pero alam kong kaya nyang magbago at alam kong kailangan nya ng tulong.





"Wag ka ngang makialam dito!" sigaw nya sakin at binawi yung kamay nya.

"Bakit nyo sya sinasaktan?"

"Dahil wala syang kwenta! Tapos na ang lahat at pagod na kaming maging kaibigan nya!" sagot sakin nung may hawak sa buhok nya.

"Kaya umalis ka dito kung ayaw mong madamay!" tinulak naman ako nung kausap ko kanina kaya napaatras ako.

"Tama na please!" sigaw naman ni Nikki. May tumutulo ng luha sa mata nya.

"Anong tamana! Kulang pa yan sa mga pinaggagagawa mo samin!" sinampal nya ulit si Nikki at dumudugo na yung labi nya.

"Oo nga! Akala mo siguro palagi kang nasa taas noh? Well, nagkakamali ka!" binitawan nung isang babae yung buhok nya at tinulak sa sahig kaya sya napasalampak.




Susugudin na sana sya nung isang babae pero napigilan sya ni Kevin. Lahat nagulat sa ginawa nyang yun. Kinuha ko naman ang pagkakataon na yun para lapitan si Nikki at tulungang makatayo.




"Tamana Lorraine! Cheska!" sigaw ni Kevin sa dalawa.




Lorraine?

Nadinig ko na ang pangalan nyang yun ah?

Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon