Chapter 23 - OMO!

67 6 0
                                    


Angelica's Pov


1 MONTH LATER...




Isang buwan na ang nakakalipas at masasabi kong nagiging maayos na talaga ang lahat. Umaayos na rin yung pakiramdam ko at unti unti ko na ring natatanggap lahat ng sakit.




Bumalik na ko sa pagiging isang masiyahin na fangirl at wala akong ibang inatupag kundi ang panoodin at balikan lahat ng mga previews video ng BTS.

Nagpalasalamat talaga ako sa bangtan dahil kahit sa screen ko lang sila ng phone ko nakikita sobrang laki na ng naitulong nila sakin.

Sila yung naging sandalan ko tuwing gabi. Hindi na rin ako naapektuhan lalo na kapag nakakasalubong namin sina Kevin at Nikki.




Para bang normal lang ang lahat at walang nangyare. Sobrang saya ko dahil unti unti ko ng nakakalimutan si Kevin. Wala nang kaso sakin kung magkasama sila at hindi kami nagpapansinan.




Naisip ko kasi na malawak ang mundo at marami ang mga tao kaya may isa dyan na para sakin. Matagal man bago ko sya makilala kung sino man sya eh mag-iintay na lang ako. Mahirap kasi yung pabigla bigla ka at basta na lang magmamahal. Minsan kasi nahahantong sa sakit ng puso at lungkot kapag minamadali mo ang lahat.




Napag-isip isip ko rin na i-enjoy muna ang life bago pumasok sa mundo ng pag-ibig. Gusto ko munang maranasan lahat ng nararanasan ng isang teenager na kagaya ko.




Sarili muna bago pag-ibig.




Unang araw ng December ngayon at damang dama ko na yung lamig ng hangin na dumadapo sa balat ko.




Andito kami ng kaibigan ko sa rooftop at nagsosoundrip. Pinapatugtog nya yung Merry Christmas ni Jimin at Jungkook.

"Grabe ang lamig!" Sabay yakap nya sakin.

"Malapit ng magpasko. Ano kayang regalo sakin ni Santa?" Pambata man pero naniniwala ako sa kanya at ang tinutukoy konh santa ay ang mga magulang ko.

"Uuwi ba ang parents mo?" Tanong nya.

"Hindi ko nga alam eh. Sabi nila sakin nung isang araw nagkaproblema daw sa kompanya."

Nakakalungkot na hindi ko makakasama yung parents ko this christmas. Last year kasi hindi ko rin sila nakasama dahil masyadong busy tapos minsan nauubusan ng ticket pauwi.




"Samin ka na lang ulit magcelebrate kapag wala yung parents mo. Wala ka rin naman kasama sa inyo eh." Ngumiti na lang ako at tumango.




Last year kasi sa kanila ako nag christmas dahil hindi nakauwi yung parents ko dahil walang flight pauwi ng pilipinas dahil holiday na noon.

Wala rin yung mga katulong sa bahay para samahan ako dahil may mga pamilya din naman silang kanila.




"Tarang magmall mamaya!" Yaya nya sakin. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako. "Please?"

Hinawakan ko naman yung pisngi nya. "Sige!"




By the way half day lang kami ngayon dahil may meeting yung mga teacher namin sa afternoon class.

Pwede na rin namang lumabas pero ewan ko ba sa bestfriend ko at dito kami pumunta.





"Wag kang malalate ha? Maaga akong dadating." Sabi nya pa.

"Oo na po!"

Alam nya kasing palagi akong nalalate sa usapan namin lalo na kapag nagyaya syang magshopping.

Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon