Chapter 3 - Kamalasan pt.1

121 8 0
                                    


Angelica's POV

"Manang Rosa aalis na ho ako!"




Hindi ko na inintay pang makasagot si Manang Rosa at kumaripas na ko ng takbo palabas ng bahay at gate namin. Late na kasi ako at paniguradong masasabon na naman ako ni Mrs. Torres kapag nagkataon.




Paglabas ko ng subdivision ay nag antay na ko ng taxi o kahit anong pwedeng masakyan kaso puta! Ngayon pa nawalan ng masasakyan kung kailan kailangang kailangan ko bwisit!




Beep! Beeppp! Beep!




Napalingon ako sa sasakyang tumigil sa tapat ko at bumusina. Napaatras ako dahil halos masabitan na ko sa sobrang lapit nyang mag park at sa harap ko pa talaga. Pakiramdam ko tuloy ay nananadya ang may ari ng sasakyan na ito.

"HOY! BAWAL MAGPARK DITO BULAG KA BA?!"

Tinuro ko yung sign board na may nakalagay na 'No Parking'. Nakakainis kasi sa tapat ko pa talaga. Paano na ko makikita ng mga darating na sasakyan! Tangina!




Bumaba ng windshield ng sasakyan at uminit ang ulo ko ng makita ko ang bwisit na lalaking yun na nakangisi sakin. Para bang wala syang ginawang kagaguhan kahapon sakin.

"Anong tinitingin tingin mo? Sakay na!" sabi nya at binuksan pa yung pinto ng kotse nya.

Nagcross arm naman ako at tinaasan sya ng kilay. Nakakatanga talaga ang lalaking ito. Bakit ba ang malas ko? Hayst! Pinakamalas na nangyare sa buhay ko? Ang nakilala ko pa ang gagong Kevin Buenavista na yan! Nakakasuklam!

"Bakit naman ako sasakay dyan? Baka mamaya may binabalak ka na palang masama sakin!"

Hindi naman sa pag aassume ha! Totoo naman eh! Hinalikan nya ko kahapon tapos nung uwian niloloko nya ko about dun tapos may nakita pa kong napakaraming porn videos at pictures sa phone nya!

"Wala akong gagawing masama sayo tanga!"

"Aba't—"

"Parehas tayong malalagot kay Mrs. Torres kaya ano pang tinatayo tayo mo dyan? Lets go!"




Wala na kong nagawa. Sumakay na lang din ako dahil wala na rin namang sasakyan na dumadaan at tama sya. Lagot kami kay Mrs. Torres kapag nalate kami. Napakataray pa naman nun!




Tahimik lang ang byahe namin at sa kasamaang palad traffic pa at 15 minutes na kaming late sa english class namin. Lagot na lagot talaga kami!

"Yung kahapon nga pala sa detention roo—"

"WAG MO NANG ITULOY!"

Hinarap ko agad sa kanya ang palad ko para tumahimik sya. Sa aming dalawa ako lang ang magiging apektado kapag pinagusapan namin ang tungkol sa nakakakilabot na bagay na yun!

Tangina naman kasi! Bakit nya ba ginawa yun!!? HINDI NYA BA ALAM NA FIRST KISS KO YUN! TANGINA!

"Sorr—"

"SHUT UP! MAGDRIVE KA NA LANG!"

Haissssstttttt! Nakakainis! Bakit ba kasi ayaw kong mabuksan ang topic about dun?! Tsaka bakit biglang bumanas? Malamig naman kanina ah! Puta!




Nakahinga ako ng maluwag ng maipark na nya sa parking lot ng school ang kotse nya. Kanina kasi halos pigil ko ng paghinga ko ewan ko kung bakit.




Lumabas agad ako at hindi na sya nilingon. Halos 30 minutes na kaming late kaya naman nagtatakbo na ko palabas ng campis at iniwan na sya dun. Pagkapasok ko sa loob inakyat ko agad yung building naming mga senior at nagmamadaling tumakbo sa ay corridor.




Story of a Fangirl (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon