Angelica's POVNagising ako dahil sa malamig na sahig na nakadampi sa mga hita ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil bigla na lang itong sumakit.
Sobrang dilim at lamig sa paligid. Inalala ko ang mga nangyare at nanlaki ang mata ko ng maalala ko yung malamig na kamay na humawak sa braso ko kanina bago ako mahulog sa upuan.
Napalingon naman ako sa tabi ko at nakita kong nay nakaupo sa tabi kong lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nya. Bigla naman akong nakaramdam ng talot kaya tumayo agad ako at sumilip sa bintana.
Napaupo ulit ako ng makita kong gubat ang nasa labas. Saka ko lang nalaman na nasa school pa nga pala ako!
Pero wait! Sino 'tong kasama ko!?
"Gising ka na pala. Alam mo bang tumutulo na yang laway mo kanina? Kung hindi ko lang pinunasan."
Hindi na ko nagulat. Tono pa lang ng boses nya at kung paano nya ko asarin ay kilala ko agad kung sino sya.
"Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit tayo magkasama? Ako lang naman ang dapat na pumunta dito ah."
"Sabi ni Mrs. Santos ay puntahan kita dito para may kasama ka." Pinaningkitan ko naman sya ng mata.
"Sinungaling! Maagang umuwi si Mrs. Santos!"
"Pinatawag nya ko kaninang tanghali. Magpasalamat ka na nga lang at nandito ako." Ha! Ako? Magpapasalamat? Hindi na!
"Lalabas na ko." Tumayo na ko pero pinigilan nya ko
"Sarado na ang school. Tingin mo saan ka dadaan?"
Oo nga pala. Wait! Kasalanan nya kung bakit ako nahulog at hinimatay! Kung hindi nya hinawakan ang braso ko gamit ang malamig nyang kamay kanina ay hindi ako matatakot.
Alam kong sya yun. Sabi nya ay sya lang ang pinapunta ni Mrs. Santos
"Kasalanan mo eh!" Pinaghahampas ko sya. "Hindi mo hinawaka yang malamig mong kamay ay hindi ako mahuhulog at mawawalan ng malay! Edi sana nasa bahay na ko!"
"Ano ba! Malay ko bang mabilis kang matakot? Para ka kasing bata!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya. Natigil lang ako ng biglang sumakit yung tyan ko. Nagugutom na ko.
"Nagugutom na ko..."
Napatingin naman ako sa kanya ng bigla syang tumayo at pumunta malapit dun sa pintuan. Biglang syang may hinagis. Buti na lang nasalo ko.
Sisigawan ko pa sana sya pero hindi ko na tinuloy. Baka kasi bawiin nya yung chichirya na hinagis nya sakin.
Binuksan ko na yung Nova. Umupo naman sya sa tabi ko pero hindi ko naman sya pinansin. Tinuloy ko lang ang pagbubukas at ng isusubo ko na yung nakuha ko ay bigla syang nagsalita.
"Sinabi ko bang kainin mo? Binato ko lang sayo para hawakan mo muna."
Nahihiya naman akong binalik sa kanya yung Nova nya at umayos ng upo. Bigla naman syang tumawa kaya taka ko syang tiningnan.
"Anong nakakatawa? Malay ko ba!"
"Hahah! Ikaw naman kasi hindi ka mabiro. Oh sige na kainin mo na. Meron pa ko dun." Sabi nya at inabot ulit sakin yung Nova.
Tumayo naman sya at may kinuha ulit dun. Bumalik syang may bitbit na tubig at pagkain nya. Naupo ulit sya sa tabi ko.
"Siguro inisip mo ko ng inisip kaya ka bumagsak sa exam kahapon. Umamin ka." Dahan dahan ko syang nilingon. Kunot noo ko syang tiningnan.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"
"Wag mo na kasing itanggi. Crush mo ko noh?" Taas baba ang kilay nyang sabi sakin.
Medyo naaninag ko yung mukha nya dahil sa sinag ng buwan sa langit at lalo akong naiinis!
"Ang kapal din ng mukha mo eh noh? Wag mo nga akong itulad sa mga babaeng nagkakandarapa sayo! Feelingero ka! Kasalanan mo din kung bakit ako bumagsak. Kung hindi mo ko blinockmail ay baka naalala kong may exam tayo kinabukasan!"
"Hindi ko kasalanan yun. Kasalanan mo yun. Mukha ka kasing baliw!"
Aba't ako pa talaga ang baliw?!
"Hindi ako baliw! Sadyang mahal ko lang lalaking nasa litratong yun!" Pagtukoy ko sa mga litratong nakalagay sa locker ko. Syempre sino pa ba? Edi si Jimin oppa! Ang future husband ko!
"Mas gwapo ako dun. Picture lang yun at ako totoo. Nakikita at nakakausap mo."
"Ano bang pinaglalaban mo?!"
"Yung kagwapuhan ko. Haha!"
Pinili ko na lang na manahimik kesa makipagsagutan sa walang kwentang pinaglalaban nya. Maiinis lang ako kapag pinansin ko sya.
Nang maubos ko ang pagkain ko ay ininom ko na yung tubig na inabot nya sakin. Bumalik na ko sa pwesto ko kanina at pinatong yung ulo ko sa upuan.
Pinikit ko na ang mga mata ko. Naramdaman kong tumabi sya sakin. Bigla namang pumasok sa isip ko kung paano kami aalis ng school ng walang nakakakita samin.
"Paano nga pala tayo lalabas bukas ng walang nakakakita satin?" Tanong ko sa kanya.
"May daan sa likod nito. Magpasundo na lang tayo sa driver namin. Sasabay ka naman sakin diba? Wala kang choice." Napairap na lang ako.
"Ano pa bang magagawa ko?"
"Matulog ka na. Kailangang maaga tayong magising para makauwi agad tayo." Kahit hindi nya ko kita ay tumango tango na lang ako at binalik yung ulo ko sa pagkakapatong sa upuan.
Sobrang lamig at nakapalda lang ako. Nangangatal na rin ako at sumasakit na yung mga hita ko. Nagulat ako ng ikumot nya yung coat nya sa binti ko.
"Teka pano ka?" Tanong ko.
Tao rin sya at alam kong kapag pinahirap nya sakin ang coat ng uniform nya ay lalamigin din sya.
"Wag mo kong intindihin. Sige na gamitin mo na."
Gaya ng sinabi nya ay ginamit ko ng pangkumot sa binti ko yung coat nya.
"Goodnight..." Dinig ko sabi nya.
"Goodnight." At tuluyan na nga akong nilamon ng antok.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanficBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...