Angelica's POV
"Merry Christmas Manang Rosa!" Bati ko kay Manang pagkadating ko sa kusina.
Hapon na ko nagising kaya naman nagluluto na sila ng pang handa mamayang gabi sa oras ng pasko. Actually nakakalungkot nga eh kase sa new year pa uuwi sina mommy. Hindi daw sila makapag book ng flight kasi dagsaan ang mga uuwi galing ibang bansa tsaka busy sila sa trabaho so eto ako at mag isang mag cecelebrate ng pasko.
Niremind ako kahapon ni Kevin at sinabi ko naman sa kanya na kinabukasan na lang ako pupunta sa kanila. Naghanda kasi sina Manang dito eh sayang naman kung aalis ako diba.
"Ano pong niluluto nyo?" Tanong ko.
"Ano pa ba? Edi ang paborito mong adobooo!" Masiglang sabi ni Manang sakin.
"Hindi po ba kayo uuwi sa inyo? Baka po hinahanap din po kayo ng pamilya nyo." Sabi ko.
Ang unfair naman kasi para sa pamilya ni Manang. Hindi sya uuwi para lang sakin samantalang may pamilya syang nag aantay sa kanya.
"Nagpaalam naman ako sa anak at asawa ko na hindi ako makakauwi. Baka sa bagong taon ay makauwi ako sa kanila kasi dadating naman ang parents mo." Sabi nya.
"Kawawa naman po ang anak nyo. Ilang taon na po ba sya?"
"Pitong taon gulang."
"Manang sorry po. Dahil po sakin hindi nyo po makakasama ang pamilya mo." Sabi ko at niyakap sya.
"Ayos lang yon. Parang anak na rin ang turing ko sayo tsaka maiintindihan naman ako ng pamilya ko eh." Paliwanag nya.
"Hindi Manang. Papuntahin nyo na lang po kaya sila dito? Kahit bukas pa po sila makarating ang mahalaga nagkasama kayo sa araw ng pasko."
"Nako iha nakakahiya naman sa iyo tsaka sa magulang mo."
"Hindi naman po malalaman nina mommy tsaka ako po ang bahala." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Manang.
Hindi rin naman nakatiis si Manang at tinawagan na nya ang kanyang asawa para papuntahin dito sa bahay. Malayo ang probinsya nina Manang at tiyak na bukas pa makakarating ang mga ito saamin. Ayos na rin yun ang mahalaga ay nagkita kita silang pamilya tsaka para naman maingay dito sa bahay. Masyadong malungkot kapag kami lang dito ni Manang hahaha.
Pumasok na ko sa kwarto ko. Mamaya na lang ako lalabas kapag nakaligo na ko. Tutulungan ko si Manang maghanda ng pagkain mamaya.
Naligo na ko ng mabilis at nagbihis. Inopen ko muna yung laptop ko at nagnotif sakin yung Vlive at live ang bts! Agad kong binuksan ang live nila at si Jimin yung sasalita.
"Merry Christmas to all of you ARMY. Thank you for supporting me and my co-members. Thank you so much. Uh, I forgot to mention. Sana nanonood ka ngayon. I hope you're doing well. Ingat ka palagi and soon magkikita na ulit tayo. Mag aaral kang mabuti. I love you, Angelica. I miss you. Sabi ko sayo eh hindi kita makakalimutan." Sabi nya at tumawa pa.
Tumulo naman ang luha ko dahil sa saya at sa lungkot na rin. Namiss ko din sya grabe. Akala ko hindi na nya tutupadin yung mention nya huhu ayos lang na hindi sa concert basta namention at naalala nya pa ko.
Pagkatapos magsalita ni Jimin ay nagkagulo na sa comment section. Andaming nagtatanong kung sino daw si Angelica. Ano daw meron samin? Kung girlfriend daw ba ko ni Jimin at kung ano ano pang mga comment. Syempre hindi mawawala yung mga harsh ko comment jusko mga immature ARMY.
Pinanood ko lang ang live nila hanggang 7pm at lumabas na din ako ng kwarto ko at tinulungan ko si Manang sa paghahanda ng pagkain.
"Hmm ang bango." Sabi ko at ibinaba na sa table yung adobo na niluto ni Manang.
BINABASA MO ANG
Story of a Fangirl (On-Going)
FanfictionBeing a fangirl is not easy. May oras na pwede kang tumawa, ngumiti mabaliw, sumaya, malungkot, umiyak at syempre masaktan. Part na yan ng buhay nating mga fangirl. Lalo na kapag may mga fan meeting tsaka concert at hindi tayo makakapunta wala tayon...