2. The Day She Left

21.7K 433 9
                                    

Alas sais ng umaga nang maggising si Rafe kinabukasan. Wala si Liv sa tabi niya. Bumaba siya para hanapin ito. Hindi pa nga pala niya nadi-discuss rito ang bakasyon na plano niya sa mga susunod na araw. Inisip niya na pag-usapan nila iyon habang nagkakape sa umaga.

Hinanap ni Rafe si Liv sa kusina. Kahit may mga kasambahay sila, madalas na sinisigurado nito na ito pa rin ang gumagawa ng mga pagluluto. Gustong-gusto naman niya iyon dahil napakasarap magluto ng asawa. Kaya naman nakaramdam siya ng kaba nang makita na wala roon ang asawa. Naghanap pa si Rafe sa iba't ibang parte ng bahay. Nahalughog na niya ang lahat pero wala ni anino ni Liv. Sinubukan rin niya na tawagan ang cell phone nito dahil baka lumabas lamang ito sandali pero nakapatay ang cell phone.

Nanginginig na ang mga kamay ni Rafe sa pag-aalala nang bumalik muli siya sa kuwarto. Tinignan niya ang cabinet. Nanigas siya nang makita na wala ang mga damit nito. Ang tanging nakita lamang niya ay isang kulay dilaw na papel. Kinuha niya iyon at binasa.

I have to leave, Rafe. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako but whatever happens...please take care of yourself. Take care of Scarlett, too. I know you would. I trust you, but I'm sorry.

- Liv

The letter just leads to one about: Liv left her without any reasons at all. Sinadya nito iyon. Ginusto nito iyon.

Gumuho ang mundo ni Rafe.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon