NAGGISING si Liv sa paggalaw sa kanyang tabi. Nakatulog na rin siya sa kuwarto ni Scarlett sa nakaraang gabi. Ang bata ang gumagalaw at gumigising rin siya. Kagaya kagabi, maganda ang aura ng bata.
"Good morning, Yaya!" hinalikan pa siya nito sa pisngi.
Hindi man Mommy, masaya na rin si Liv. "Good morning, too, Baby. Ang aga mo yata naggising. Hindi ka pa puwede pumasok today, remember?"
"I know. But I feel so well now. Hindi ako papasok pero gusto ko na mag-cook. Puwede mo ba ako turuan na gumawa ng pan cakes, Yaya?"
"Sure!" bumangon siya. Alas sais pa lamang ng umaga. Ganoong oras siya madalas na bumangon. Sabay silang nagpunta ni Scarlett sa kusina.
Nagulat pa ang mga kasambahay nang makita ang ayos nila ng anak. Parang hindi makapaniwala ang mga ito na magkasundo sila ni Scarlett. Ngiti-ngiti lang si Liv. Well, ganyan talaga kapag may lukso ng dugo.
Habang ginagawa nila ang pancake, may napansin si Scarlett. "Yaya, for four persons po ang pan cakes."
Kumunot ang noo niya. "Sino pa ang isa?"
Iba ang pagkain ng mga kasambahay kaysa sa amo. Pero dahil palagi rin siyang kasabay ng mga ito na kumain, kasama siya sa ginagawa niyang pan cake.
"Tita Aria will arrive today."
"Tita Aria?" pamilyar sa kanya ang pangalan pero ayaw niyang isipin na totoo nga ang naiisip niya.
"She's Daddy's friend. Sabi nila Manang Lucia, siya rin daw ang magiging future Mommy ko."
Muntik ng mabitawan ni Liv ang bowl na hawak. "G-girlfriend siya ng Daddy mo?"
Nagkibit-balikat si Scarlett. "I don't know. Pero madalas siyang bumibisita sa bahay kapag umuuwi siya sa Philippines. She lives in London by the way."
Napalunok si Liv. Bumalik na siyang asawa pero ngayon ay nagbabalik rin ang tunay na mahal. Si Aria ang naging girlfriend ni Rafe nang mag-aral ito sa Oxford.
Nasaktan si Liv. Pero ano ba ang aasahan niya? Lalaki lang si Rafe at may mga pangangailangan ito. Panigurado na mayroon nga ito na girlfriend sa mga nakalipas na taon. Naging girlfriend nito si Aria kaya minsan rin nito na minahal ang dalaga. Dahil siya mismo ay naniniwala na paglayuin man ng tadhana ay hindi basta-basta na mawawala ang pagmamahal, malamang ay ganoon rin ang nangyari kay Rafe at sa babae.
Nawalan ng gana na magluto si Liv pero hindi niya pinilit na ipahalata. Naaliw si Scarlett sa ginagawa at ayaw naman niyang mahawa ito sa disappointment niya.
Kakaayos lamang ni Liv ng lamesa para sa almusal nang halos sabay na bumaba sina Rafe at Aria. So sa bahay pa pala natulog ang dalaga. Wala siyang kaalam-alam.
Nagulat si Aria nang makita si Liv.
"Oh My God!" namutla ito. Tumingin si Aria kay Rafe. "B-bakit hindi mo sinabi sa akin na nagbalik pa siya?"
Inakbayan ni Rafe ang babae. Lalong nadurog ang puso niya. "Hindi naman iyon importante. Tara kain na tayo."
Umupo na ang tatlo sa lamesa. Nagpaalam si Liv. Sanay siyang kumain na kasama ang dalawa pero hindi niya gusto na makita na may kasamang iba si Rafe. Siya ang tunay na asawa pagkatapos ay may kasama itong iba? Napapikit na si Liv sa sakit.
Pero umapela si Scarlett. "But Yaya! I want you to eat here."
"Yaya?" nagtataka pa rin si Aria. Pero walang sumagot rito.
Tumikhim si Rafe. "Oo nga, Liv. Sanay ka na kumain kasabay namin. Join us."
Hindi na nakatanggi si Liv nang ipaghila pa siya ng upuan ni Scarlett. Magana ang lahat ng nasa lamesa pero hindi siya. Lalo na nang makita niya kung paano asikasuhin ni Rafe si Aria.
Naiinggit si Liv. Dati ay inaasikaso rin naman siya ni Rafe ng ganoon. Pero iba ang nararamdaman niya ngayon. Mahal ni Rafe si Aria. Dati ay obligasyon lang ni Rafe bilang asawa ang asikasuhin siya ng ganoon. Isa pa, nami-miss niya ang mga araw kung saan inaasikaso siya ni Rafe ng ganoon.
Tumingin si Rafe kay Scarlett. "Anak, are you feeling all right now?"
"Yes po, Daddy. Why?"
Hinawakan ni Rafe ang likod ni Aria. "Gusto ko sana na mamasyal tayo today with your Tita Aria. Matagal mo ng gusto na pumunta sa Ocean Park 'di ba?"
Dahil bata, walang pasidlan ang tuwa ni Scarlett. Tumingin ito kay Liv. "Yaya, gusto ko suotin 'yung bago kong violet na dress. And aayusan mo po ako, ha?"
"Of course." Pinilit niya na ngumiti.
"And sasama ka rin with us, okay?"
Bago pa nakasagot si Liv ay sumabat si Rafe. "Scarlett, iwan muna ang Yaya mo today. I just want it to be the three of us."
Nalukot ang mukha ni Scarlett. Nagprotesta ito pero naging matigas si Rafe. Hindi na nagreklamo si Liv. Tama ba naman kasi na magreklamo siya? Isa pa, kailangan rin niya na protektahan ang sarili. Baka wala ng matira sa puso niya habang pinapanood ang tatlo. Habang pinapanood si Aria na pumalit sa puwesto niya sa buhay ng kanyang mag-ama.
Hindi na nga siguro darating ang araw na babalik muli sila sa dati.
BINABASA MO ANG
The Missing Wife (COMPLETED)
RomanceMga bata pa lang, ipinagkasundo na sina Rafe at Liv. Naikasal sila ayon sa plano. Bumuo sila ng pamilya at nagkaroon ng isang anak-si Scarlett. Maayos naman ang lahat hanggang sa isang araw, umalis na lang si Liv nang walang paalam. Bumalik si Liv p...