25. The Horror House

25.4K 495 23
                                    

Two Days Later

"SIGURADO ka ba na gusto mo ng papasukin ang asawa mo sa buhay mo, Olivia?" seryosong tanong ng Yaya Ester ni Liv sa kanya. Kalahating araw pa lamang simula nang makarating siya sa America. Sila ni Rafe. Hindi ito pumayag na umalis siya na hindi ito kasama. Nagpa-charter pa ito ng flight papunta roon.

Natawa si Liv sa tanong. "Yaya, hindi ba dapat na siya ang nagtatanong niyan sa akin? I hurt him. I hurt them."

"Alam ko. Pero makakaya mo ba, Liv? Sabi mo ay maayos na kayo ni Scarlett. Pero kayo ni Rafe? Sinamahan ka niya ngayon pero sign na ba iyon na dumating na ang araw na isa pang inaantay mo? Ang mahalin ka rin niya?"

"Maaaring hindi na iyon dumating, Yaya. Pero sapat na sa akin ang makasama siya saka si Scarlett. Mahal ko naman sila. Mahal ako ni Scarlett. Sapat na iyon sa akin para mamuhay ng maligaya sa buhay nila. Mukha naman na tanggap na ako ni Rafe. You see, sinamahan niya pa ako papunta rito. It just seems that he cares..."

"Olivia..."

"I love him. I love our family. At hindi ba kayo ang palaging nagsasabi sa akin noon na Love is a gift? Kahit hindi ako mahalin ng taong iyon, it's a blessing. Ang mahalaga, may nagmamahal rin sa relasyon namin."

Niyakap siya ng Yaya. "You're such a good person, Olivia."

Ibinalik ni Liv ang yakap sa Yaya. "Its because you are, Yaya. Isa ka sa mga nagpalaki sa akin. I owe it to you."

Simula nang mamatay ang ina ay ang Yaya Ester na niya ang itinuring niya na ina. Alam niyang anak rin naman ang turing nito sa kanya. Naging napakabait nito sa kanya at pati na rin si Tito Bryan. Ang dalawa ang nag-alaga sa kanya sa loob ng tatlong taon. Hindi siya pinabayaan ng mga ito.

Maya-maya ay nilapitan silang dalawa ni Tito Bryan. Magkausap ang mga ito ni Rafe sa garden ng bahay ng mag-asawa. Kasunod ni Tito Bryan si Rafe. "Ready?"

Tumango si Liv. "J-just promised me you'll always be there."

"Of course, sweetheart." Hinalikan at niyakap pa siya ng itinuring na rin niyang ama. Tito Bryan was one of the most affectionate person she knew.

Nagpunta sila ng ospital. Nakaalalay sa kanya si Rafe pero mas lalo ang mag-asawa. Alam ng mga ito ang naging trauma niya sa ospital dahil sa mga pinagdaanan niyang iba't ibang treatments.

"Welcome to my own version of horror house." Wika pa ni Liv kay Rafe.

Tumango-tango lang ito. Walang emosyon ang mukha. Pansin niya na simula nang aminin niya rito ang lahat, hindi ito masyadong nagbibigay ng emosyon. Parang nanlalamig rin ito sa kanya. Ganoon pa man, naroroon pa rin ito.

Kasama si Tito Bryan, nakipag-usap sila sa isa pa nitong kaibigan na Doctor. Si Tito James at Tito Bryan ang mga naging Doctor niya sa nakalipas na tatlong taon. They checked her, do some tests. Pagkalipas ng ilang oras ay maganda ang naging ngiti ni Liv nang tanungin siya ni Rafe.

"H-how was it?" halatang pati ito ay kinakabahan.

"Maganda ang prognosis ko. Everything is very well." Masayang balita ni Liv. Naiyak sa tuwa si Yaya Ester. Ganoon rin si Tito Bryan at Tito James. Masayang-masaya naman si Liv.

"That's good news," hindi man kasing ganda ng reaksyon ng mga nag-alaga kay Liv, mukhang masaya rin si Rafe.

"I'm still on remission but I am getting stronger. Malaki ang tsansa na hindi na ito muling bumalik."

Tumango-tango si Rafe. "Scarlett would be very glad to hear this."

"I know." Iniwan nila ang anak dahil wala pa itong Visa papunta ng America.

Umuwi sila ng bahay. Nagpaalam na magpapahinga muna sina Yaya Ester at Tito Bryan. Hindi raw kasi nakatulog nang maayos ang dalawa sa pag-aalala sa magiging resulta ngayong gabi. Ang celebration naman ay bukas pa. Nangako ang mga ito sa kanya na kapag naging maayos ang check up ay igagala siya ng mga ito papunta sa Paris, France---ang lugar na matagal na niyang gusto na puntahan.

Naiwan sila ni Rafe. Sa kaparehong kuwarto sila natulog sa loob ng bahay ng mag-asawa.

"Ngayong maayos na ang lahat sa iyo, puwede mo ba na ikuwento sa akin ang buong detalye?" request ni Rafe.

"Hindi ko na gusto sana na balikan iyon---"

"I think I need to, Liv. Dahil sa pagtatago mo sa akin, hindi kita naintindihan. Inakusahan pa kita na masamang ina dahil ang akala ko ay ayaw mo lamang alagaan si Scarlett nang ma-ospital siya."

"I-I have hospital fears because of my disease. Napakaraming therapies ang ginawa sa akin."

"Therapies like?"

"Chemotheraphy. Pero hindi iyon naging successful."

Hinawakan ni Rafe ang buhok niya. "Naging maikli ang buhok mo kaysa sa dati. Did it fell out?"

Tumango si Liv. "Huli na para sa iba pang gamot. Ang pinakaposibleng option na lamang ay bone marrow transplant. Isa iyon sa mga pinakamahirap na nangyari. Wala na akong pamilya. Wala akong ka-match. But I guess, God is with me. A few days pagkatapos sabihin ni Tito James na iyon na lamang ang makakapagligtas sa akin ay may isang registered bone marrow donor na dumating. We matched. Pero kahit ganoon, delikado pa rin ang lahat.

"It was painful. It was scary. I've been isolated. Prone kasi sa infections ang mga nagpa-bone marrow transplant. Sa kaso ko, nagkaroon ako ng limang beses na infections. Kahit kasi ng successful ang transplant, malaki ang tsansa na ire-reject ng katawan ko iyon..." napaiyak na si Liv. "Nakikita mo na ba ang punto ko, Rafe? Ayaw kong makita mo ako sa ganoong lagay. Ayaw ko na makita ako ni Scarlett ng ganoon..."

Napatiim-bagang si Rafe. Bagaman niyakap siya nito para pakalmahin, ramdam niya na hindi pa rin nito naiintindihan ang lahat. Tanggap rin naman ni Liv na may mali siya. Nagdesisyon siya ng mag-isa. Naging makasarili siya dahil na rin sa mga pinagdaanan niya noon.

Maaaring masama pa rin ang loob ni Rafe kay Liv. Deserved niya ba ang mga bagay na iyon? Inisip niya lamang ang makakabuti para rito at kay Scarlett. Pero magtataka ba siya kung hindi kaagad siya mapatawad ng asawa? Kasama man niya ito ngayon pero hindi pa rin nito sinasabi na may pagmamahal ito sa kanya.

A support and care couldn't conquer all. Its love. It was always love. Too bad, she doesn't have it with Rafe.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon