26. Paris

32.7K 578 14
                                    

"HINDI mo naman kailangang gawin ito..." nahihiya pang wika ni Liv kay Rafe. They were in Paris, France right now. Ang original na plano ay napalitan. Sa halip na si Yaya Ester at Tito Bryan para sa celebration ang sumama sa kanya sa Paris, si Rafe na iyon.

Pero sa kabila ng sinabi, masaya si Liv. It was her another dream. Sa totoo lang ay gusto talaga niyang makapunta sa Paris kung si Rafe ang kasama niya. Noong nag-honeymoon kasi sila ay sa Maldives siya dinala ni Rafe. He said it was his dream place. Nag-enjoy rin naman siya roon pero dahil hindi naman iyon ang matagal na niyang pinapangarap na lugar, hindi siya ganoon kasaya. Hindi naman niya mai-open kay Rafe ang gusto niya dahil ayaw niyang maisip nito na demanding siya. Isa pa, it was Paris. It's the city of love. Paano kung masamain iyon ni Rafe? Palagi niyang naiisip na ang kasal nila ay bunga lamang ng isang kasunduan.

At sino ba ang hindi gustong makapaunta sa Paris na kasama ang taong laman ng puso mo? Hindi man siya mahal ni Rafe ay masaya na rin siya dahil mahal naman niya ito. Kasama niya ang lalaking minamahal niya sa siyudad kung saan palaging sine-celebrate ang pag-ibig.

Tinaasan lang ng isang kilay ni Rafe si Liv. Ipinagpatuloy nito ang pagkain. Kasalukuyan silang nasa second floor ng Eiffel Tower kung nasaan ang isang pamosong restaurant. It was very cozy. Napakamahal rin ng accommodation.

"This is too grand..." komento ni Liv.

"It is perfect. And please, just be happy, okay? 'Cause I am."

Si Liv naman ang napataas ang isang kilay. "Seryoso ka? H-hindi ka ba natatakot? Kinakabahan?"

Natawa si Rafe sa komento niya. "Bakit? Takot ka ba sa heights? Ha, no. Excited ka nang nilibot natin ang tower kanina. What's there to be scared of? Wala pa naman na balita na mahina na ang pundasyon nitong tower."

"It's not about the structure. Ito ay tungkol sa mga paligid natin. They were all in love, you see."

Nagkibit-balikat si Rafe. "For sure ang iba diyan ay girlfriend at boyfriend pa lang. Daig natin sila. We are husband and wife."

But we are not in love like them. Paano natin sila madadaig?

Napailing-iling si Liv. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Masaya siya pero naiilang. Naiinggit rin. Gusto niya na maging kagaya sila ng mga tao sa paligid. In love. Nagniningning ang mga mata...

Pero alam ni Liv na hindi niya kayang sambutin ang lahat ng suwerte sa mundo.

"Hindi ka ba masaya, Liv? Aren't you happy that we are working on our marriage?"

"By bringing me on this romantic restaurant? By accompanying me to the most romantic city in the world? Iyon ba ang sinasabi mong ginagawa natin para maayos natin ang kasal na ito?"

"Yes. Hindi mo ba gusto iyon? Maayos ka na. We can be a complete family again. Happy."

"Y-yeah. Pero may mga panahon rin na naiisip ko na napaka-unfair." Napakagat-labi si Liv. Gaano man niya sabihin sa sarili niya na okay lang para sa kanya ang lahat ay parang hindi pa rin pala.

She also wanted to be love. Sino ba naman ang babaeng hindi gusto? Ayaw na niyang maulit pa ang nakaraan kung saan palagi niyang iniisip na wala siyang panhahawakan kay Rafe dahil hindi naman siya nito mahal.

"Unfair?"

Umiling si Liv. "Don't mind me."

"May problema ba? Tell me. Diyan tayo palaging nagkakaproblema, eh. Hindi ka kasi marunong mag-open ng feelings mo. And me, I always misunderstand you."

Umiling pa rin si Liv. "No. Hindi ko pa kayang masaktan sa ngayon."

"Masaktan? Sinong mananakit sa 'yo? And hey, what's there to be scared of, Liv? Napakarami mo ng pinagdaanan. Ngayon ka pa ba matatakot?"

May punto si Rafe. Huminga muna nang malalim si Liv. Kinakabahan siya. Pero kung patatagalin niya pa ang mga damdamin, hindi ba mas lalong masakit iyon? "It's you, Rafe. I know you care for me. Pero hanggang doon lang iyon. Nasasaktan ako ng dahil roon. I wish it could be more than that. Deeper than that."

Umiling si Rafe. "You are hurting me, too, you know."

"What?"

"You are hurting me for not trusting me." Huminga nang malalim si Rafe. "But well, may kasalanan rin naman ako. I didn't tell it to you clearly. Pinaparamdam ko sa 'yo pero hindi ko maggawang sabihin."

Napalunok si Liv. "You mean?"

"Sa tingin mo ba ay gugustuhin ko na dalhin ka rito kung hindi ako nakakaramdam ng romance sa 'yo? It's not just care, Liv. It's love..."

Liv was breathless for a while.

Ginagap ni Rafe ang kamay niya. "I love you, Liv. That's why it hurts so much when you left. Nasaktan rin ako na hindi mo ipinagkatiwala sa akin ang tungkol sa nangyari sa sakit mo."

"Oh, Rafe!" naging mabilis ang pagtulo ng luha sa mata ni Liv. Her emotions were so high right now. "I love you, too. Sa simula pa lang. I am fond of you hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko na masaya kapag nakakasama ka. The simple thought of you excites me. When I am with you, my day is complete. Nang malaman ko ang tungkol kay Aria, it hurts me..."

"I'm sorry about that. Aaminin ko na nagkaroon kami ng relasyon ni Aria noon. But our relationship is not that serious. O siguro ay para sa akin. Dahil kung mahal ko talaga siya, I will come back to her. Lalo na nang mawala ka. But there is no one, Liv. It was you. It's always you, my missing wife. Ni hindi ko nga siya maggawang iparada sa lahat noon. Aksidente lang ang nakita mo dati."

"Nakakainis ka! Bakit pinahirapan mo ako ng ganito sa nakalipas na taon?"

"Nakakainis ka rin. You also don't open your feelings to me. Kagaya mo, inisip ko rin na dahil arranged marriage lang tayo kaya hindi ko tuluyan na masabi sa 'yo." Hinawakan nito ang pisngi niya. "But we are okay now. Ang nakaraan, hindi na natin maibabalik iyon."

"I would never ever dream of bringing it back."

"Alam ko. Hindi ko hawak ang desisyon ng Diyos kung ano ang gusto niya na mangyari sa hinaharap. Pero gagawin ko ang lahat para hindi na bumalik ang nakaraan. I will always be here for you. I will support you. I am loving you and I assure you that it will be until the end of time. Please promise me that, too."

"I love you and that is also a promise." Nakangiting sagot ni Liv. Punong-puno ng galak ang kanyang puso. "Pero teka, hindi ka na ba galit sa akin? Because I know you are. I feel you are. Hindi mo nagustuhan ang mga naging desisyon ko. Hindi mo ko naintindihan."

"Gumawa ka ng mga sarili mong desisyon. Minasama ko iyon at iyon ay dahil nahiling ko na sana ay isinama mo ako sa mga desisyon mo. Hindi ko lang naggawang tanggapin kaagad ang lahat ng mga pasabog kaya medyo nanlamig ako sa 'yo nitong mga nakaraan. Nagalit ako sa 'yo pero pakiramdam ko ay mas nagalit ako sa sarili ko. Hindi ko naggawa ang mga obligasyon ko sa 'yo. And hearing all the things that you've gone through hurt me, too. Pero walang kuwenta ang sakit at galit ko. And that, and I also don't want to be a burden to you. Napakarami mo ng pinagdaanan para anihin pa ang galit ko. It's all in the past. Let's promise na hindi na natin babalikan iyon."

Tumango si Liv. "We'll have a brand new start in this place."

Tumango at hinalikan ni Rafe si Liv. 

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon