21. Rafe's Breakfast

21.9K 480 15
                                        

NANG maggising si Liv ay wala na si Rafe sa tabi. Pero hindi kagaya ng dati ay hindi siya naggising sa kanyang kuwarto. It was the same room she slept last night. Ang kuwarto nila ni Rafe. Hindi siya inilipat nito.

Pinakiramdaman ni Liv ang sarili. Maayos ang pakiramdam niya sa kabila ng mga nangyari kahapon. Wala rin siyang lagnat kahit medyo matagal na nababad sa lamig. Nakahinga siya nang maluwag. No signs. Pero nang makita ang oras sa orasan ay napapitik siya sa ere. Lagpas alas siyete na ng umaga! Huli na siya sa kanyang daily routine. Ang alam pa naman niya ay papasok na muli si Scarlett ngayong araw. Kahapon ay tinawagan siya ni Therese at ipinaalala ang family day ngayon sa school ni Scarlett. Kung kaya na raw ni Scarlett ay sana ay maka-attend raw ito sa program, lalo na at naroroon na naman siya sa tabi ng pamilya.

Ang tawag na iyon ni Therese ang lalong nakapagpalungkot kay Liv. Hindi na sila magiging pamilya. Umalis siya ng bahay na para bang magpapawala iyon sa sakit. Gusto lang niya na mag-unwind. Nasaktan siya nang husto sa ginawa ni Rafe. Pakiramdam niya ay nawala rin siya sa sarili sa buong maghapon na iyon kaya gabi na nang maisipan niyang umuwi. Nahirapan pa siya. Mabuti na lamang at binulungan ng anghel si Rafe.

Kaagad na napabangon si Liv. Kailangan niyang ipaghanda ang pamilya. Pagkalabas niya ng kuwarto ay nakasalubong niya si Manang Lucia.

"Haay salamat at gising na rin ang reyna. Mahiya ka naman kay Sir Rafe at---" napatigil ito nang makita kung saan siya galing. Nanlaki ang mata nito. "Sa kuwarto ka ni Sir Rafe natulog?!"

Nakagat ni Liv ang ibabang labi.

"Ano bang ginawa mo kay Sir Rafe? Pagkatali-talinong tao ay..." napailing-iling ang matanda. Hindi naman niya ito masisisi kung i-criticize siya, lalo na sa ginawa niya kay Scarlett noong nakaraan.

Iniwan na siya ng matanda. Halos takbuhin ni Liv ang kusina. Nakita niya roon si Rafe na naka-apron at may hawak-hawak na kaldero. Lumundag ang puso niya nang ngumiti ito.

"Breakfast is almost ready. Punta ka na sa dining room,"

Natulala si Liv. "Ha?"

Sa kabila ng hawak, naggawa pa na halikan ni Rafe si Liv sa pisngi. "Good morning. Ako na ang nagluto para makabawi sa nangyari kahapon."

"Oh..."

Napasunod si Liv sa dining room. Naroroon si Scarlett. Medyo hindi maganda ang timplada ng mukha nito. "Ay naku, Daddy! Masarap ba 'yan?"

Lugaw ang niluto ni Rafe. Mayroong anim na nilagang itlog sa lamesa. Hindi pa ganoon kaayos ang pagbalat noon.

"Taste for yourself, Baby."

Humalukipkip ito. "Mukhang 'di masarap." Tumingin si Scarlett kay Liv. "Bakit kasi hinayaan mo si Daddy na mag-cook ng breakfast ko? 'Di siya masarap magluto. O kaya, Daddy, dapat pinaluto mo na lang kayna Manang."

Pinigilan ni Liv ang tawa. Naipagluto na siya ni Rafe minsan at kaya rin niya na sabihin ang sinabi ni Scarlett. "Give him a chance, Baby."

Kinuha ni Liv ang mga itlog at binalatan ng ayos. Hinayaan niya si Rafe na mag-serve ng niluto nitong lugaw sa lamesa. Nilagay niya ang nilagang itlog sa kanya-kanyang bowl nilang tatlo.

"Walang lasa!" reklamo kaagad ni Scarlett nang makain ang lugaw.

Napangiwi si Rafe. Kakasubo lang rin nito ng niluto.

Napangiwi rin si Liv pero ayaw naman niyang mapahiya si Rafe. Nag-isip siya ng paraan. Kumuha siya ng kalamansi at patis sa kusina.

"Magkakaroon ng kahit kaunting lasa kapag nilagyan niyo nito," turo niya sa mag-ama. Nang tikman ang ginawang alternative, napatango-tango ang mga ito.

"Haay, buti na lang nandito ka. You saved Daddy. Galing mo po talaga."

"Didn't you know na chef siya dati, Baby?"

Nagulat si Scarlett. Pero mas nagulat si Liv. Bakit ikinukuwento iyon ni Rafe? Gusto na ba siya nitong ipakilala sa anak?

"Wow! Ang galing! Gusto ko rin someday maging kagaya mo. Gusto ko po talaga na magluto, pati na rin po ang mag-bake."

"I know. Someday, you'll be a pastry chef. Iyon ang tawag sa mga chef na mahilig gumawa ng cakes."

Tumango-tango si Scarlett. Ipinagpatuloy na nito ang pagkain. Hindi na nagsalita si Rafe kaya nawala na ang pag-asa niya na ito na ang araw na pinakaantay niya. Hindi na nga lamang niya ganoong inisip iyon dahil mas mahalaga pa rin ang makasama niya ang mga ito at ramdam niya na mabait na muli si Rafe sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nito napatawad kaagad pero hindi na niya gustong magtanong. Gusto na lang niya na makontento sa kung ano ang kaya na ibigay sa kanya.

Nang matapos silang kumain ay may inilabas si Rafe na dalawang kulay violet na T-shirt. "Ipinadala ito kahapon. We are team violet."

"Ha? Para saan ito?"

"Family day on Little Angels." Sagot ni Rafe. "I'll expect you to be downstairs by eight thirty. Nine am ang start ng program."

Hindi lang sila ipinagluto ni Rafe. Isasama rin siya nito sa family day. Ibinigay nito ang T-shirt sa kanya. Ibig sabihin ba nito ay...?

Nayakap ni Liv si Rafe sa tuwa. "Oh..Thank you so much!"

Si Scarlett ang nag-react sa halip na si Rafe. "Yaya, why are you hugging Daddy?!"

Nanalalaki pa ang mata ng bata. Napakalas tuloy siya nang wala sa oras. "Ha? Ah, eh, masaya lang ako. 'Di ba ganoon ang ginagawa kapag masaya?"

The child eyed them suspiciously. Pagkatapos ay napailing-iling. Nagyaya na ito na maligo.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon