14. Grateful

19.1K 421 10
                                    

INASAHAN na ni Liv na wala si Rafe nang maggising siya. Nang unang beses rin kasi siyang inangkin nito ay ganoon ang nangyari. Naggising siya na nag-iisa sa kanyang kama. Naisip niyang binuhat siya nito papunta roon nang makatulog siya. Pero dahil kagabi ay sa mismong kuwarto niya nila iyon ginawa, hindi na iyon kailangan.

Hindi na kailangan itanong ni Liv kay Rafe kung bakit ganoon. May hula na siya kung bakit. Gusto nito na maging discreet. Walang sino man ang may alam sa bahay kung ano ang tunay nilang relasyon ng lalaki.

Ang unang gustong gawin ni Liv pagkagising at madalas talaga niyang ginagawa ay ang i-check ang sarili. Pero sa pagkakataon na iyon ay mas inuna niyang tignan ang paligid. Nakaramdam kasi siya ng kakaiba. Namilog ang mata niya nang makita na may tatlong tangkay ng sunflowers sa beside table niya. Nahulaan na niyang galing iyon sa garden ng bahay dahil pamilyar sa kanya ang itsura.

Pinitas ba ito ni Rafe para sa akin? Nasa isip ni Liv. Nasagot ang kanyang katanungan nang makita ang note sa tabi noon.

"I'm sorry for hurting you last night. I've been rough. I took these flowers as a sign of apology. Good morning."

Nayakap ni Liv ang note at ganoon rin ang bulaklak. Its just a simple gesture but it gives a big impact on her. Hindi naman pala ganoon kasama ang Rafe na nakilala niya ngayon. Marunong pa rin itong makakilala ng pagkakamali.

Nang makontento ay ibinaba na ni Liv ang mga yakap. Itinago niya ang note at inilagay sa flower vase sa kuwarto rin ang sun flowers. Kapag may nakita siyang masama, makakatulong ang mga flowers na iyon para mapangiti siya kahit papaano.

Ginawa na ni Liv ang unang gagawin. She checked herself. Naging marahas si Rafe kagabi. Wala man siyang nararamdaman na masakit sa kanyang katawan pero hindi iyon sapat para masigurado niya na walang mali sa kanya. Naranasan na rin naman niya na walang masakit pero iyon naman pala ay mayroon talaga.

Nakahinga nang maluwag si Liv nang wala siyang makitang kahit isang pasa. Wala rin na sugat. Napadasal rin kaagad siya. Everyday she woke up and sees that nothing is wrong with her is a day to be grateful for. Well, kahit ang isang araw lamang na maggising siya at buhay pa siya ay dapat talaga niyang ipagpasalamat. Nagbibigay iyon ng pag-asa para sa kanyang panibagong buhay.

Ang buhay niya na inakala niyang tatlong taon na ang nakakaraan ay babawiin na sa kanya nang malaman niya na mayroon pala siyang malubhang sakit...

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon