23. Ready?

20.9K 450 15
                                    

PUMABOR kay Liv ang mga sumunod na araw. Ipinakilala na siya ni Rafe sa lahat. Nagulat ang mga kasambahay pero tinanggap na rin naman siya. Natupad ang pangarap ni Liv. Nakasama niya ang pamilya niya. Nakilala na siya ni Scarlett bilang Mommy nito at bonus pa ang ipakilala rin ni Rafe bilang asawa nito.

Sa loob ng tatlong taon na labas pasok si Liv sa ospital ay palagi niyang iniisip kung may pag-asa pa ba na makasama niya muli ang pamilya. Ang makabalik sa mga ito kagaya ng dati. Halos araw-araw siya na umiiyak ngayon dahil nagkatotoo na ang mga iyon. She felt so really blessed.

Ang lahat ng nangyayari kay Liv ay tila isang milagro.

Naging malapit pa sila ni Scarlett sa isa't isa. Araw-araw ay tumutulong ito sa kanya sa pagluluto. Halos hindi na nga siya lubayan ng anak. She enjoyed every moment with her. Tuwing tulog na lamang yata nakakalayo si Liv sa anak. Pero wala na rin na oras si Liv para sa sarili. Paano ay kapag tulog na si Scarlett, si Rafe naman ang nangangailangan sa kanya. Sa kaparehong kuwarto na sila natutulog.

"My schedule now..." wika ni Rafe nang matapos nilang sabay na patulugin si Scarlett. Pinangko siya nito papunta sa kuwarto. His lips snaked into her mouth when they entered the room. She kissed him back with the same passion.

Rafe consumed Liv like a hungry man in a feast. Natagpuan rin ni Liv na kapareho rin ng sa asawa ang kanyang nararamdaman. Bumaba ang mga halik ni Rafe at naging dahilan iyon para tanggalin nito ang mga damit niya. Ginawa rin niya ang kaparehas.

Liv gave herself completely with Rafe. Wala siyang dapat itanggi at itago. She loved it, too. Every moment with Rafe is a treasure she will keep.

Mabilis na nakatulog si Rafe. Kahit pagod na rin si Liv ay pinigilan niya muna ang kanyang mga mata. Paborito niyang tignan ang asawa habang tulog. Mas guwapo si Rafe kapag tulog. Mukha itong anghel. Pakiramdam niya ay napakapayapa ng buhay niya, lalo na at yakap-yakap pa siya ng lalaki.

Naputol ang magic moment nang tumunog ang cell phone ni Liv. It was a text message from Tito Bryan.

Are you ready? Iyon ang nakalagay sa text message.

Bahagya pa na nakakunot noo si Liv. Ready saan? Nagkaroon ng sagot sa tanong si Liv nang tignan ang calendar ng cell phone.

Bukas na ang flight niya pabalik sa America.

Paano naging ganoon kabilis? Lagpas isang buwan na pala simula nang bumalik siya sa America. Binigyan siya ng anim na linggo para magbakasyon sa Pilipinas. She was still under remission. Kailangan niya na bumalik muli ng America para malaman kung ano ang resulta ng mga test niya. Kung bumalik ba ang sakit niya o hindi.

Malaki man ang pag-asa na hindi na bumalik ay nanginig pa rin si Liv. Iiwan niya ang pamilya muli. Maaaring sandali lang pero ang isipin na kailangan niya na iwan ang mga ito kahit saglit ay tumutusok na sa kanyang puso. At paano kung masama ang result? Wala man siyang symptoms na nararamdaman ay hindi pa rin iyon sapat.

Hindi na niya gustong mawalay pa sa pamilya. Ayaw na niyang mabuhay pa sa lungkot.

Nakalimutan niya na kailangan na pala niyang bumalik bukas. Hindi pa siya handa. Hindi pa siya nakakapagpaalam.

Nahiling na lamang ni Liv na sana ay nakalimutan na rin siya ng sakit at tuluyan ng magpaalam.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon