11. Beautiful Disaster

20K 440 26
                                    

KINABUKASAN, kahit puyat ay pinilit pa rin ni Liv na masamahan si Scarlett sa pagpasok sa school. May responsibilidad siya sa asawa pero may responsibilidad rin siya sa anak. Gusto rin naman niya iyon kaya talagang pinilit niya. Hindi pa man lubusan na kasundo, ginagawa niya ang lahat para maramdaman ng anak na may pag-aalaga at pagmamahal siya rito kaya hindi siya sumusuko. Routine na rin na kasama siya nito kapag pumapasok bilang Yaya nito.

Madalas ay wala naman na ginagawa sa school kung hindi ang mag-antay sa bata. May teacher aide kasi sa bawat class room. Marami ang mga kagaya niya na Yaya ng bata at sa tuwing may klase ay nagkukuwentuhan lang ang mga ito. Dahil bago, nahirapan siyang makisama sa mga ito at kahit sa mga mom club kaya pinipili na lamang niya na mag-isa. Ang concern lang naman kasi niya ay ang anak. Pinapanatili rin ni Therese ang pagiging professional nito kaya hindi sila nagkakausap.

Mag-isa si Liv sa isang sulok ng may isang lalaki na lumapit sa kanya.

"Hey," bati pa nito. Binigyan siya nitong palakaibigan na ngiti.

"Hello," hindi man nakikisama ay hindi naman siya suplada.

"Are you one of the Mommies here?" hindi na ikinagulat ni Liv ang pag-ingles ng lalaki. Mukha kasi itong mayaman sa suot na pantalon at polo shirt. Mukha rin na kaedad niya ito.

Ngumiti lamang si Liv. Hindi niya sigurado kung ano ang isasagot. Ngayon lang niya nakita ang lalaki. "Ikaw, Daddy ka ba?"

Umiling ito. "Susunduin ko lang ang pamangkin ko. Napaaga pala ako. By the way, I'm Ervin."

Tinanggap ni Liv ang pakikipagkamay ni Ervin at nagpakilala rin siya. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakikipagkuwentuhan na rito. Mahilig rin na mag-joke ang lalaki kaya napapatawa siya. Mabilis na nakuha ni Ervin ang loob ni Liv. Parang pakiramdam niya ay friends na sila. Nang yayain siya ni Ervin sa canteen para mag-kape ay pumayag siya. Kanina pa rin naman kasi niya gustong uminom ng kape dahil medyo inaantok pa rin siya.

Itinuloy nina Liv at Ervin ang kuwentuhan habang nagkakape sa canteen. Naputol lamang ang kanilang pagkukuwentuhan nang tumunog ang cell phone niya.

"Hello. Nasaan ka?" nakilala ni Liv ang boses ni Rafe. Lumakas na kaagad ang kabog ng puso niya nang marinig ang boses ng asawa. They had the whole night yesterday at pakiramdam niya ay may hang over pa rin siya. Wala naman siyang pinagsisihan. Karapatan iyon ni Rafe at gusto rin naman niya. Umaasa rin siya na baka iyon na ang pag-asa niya sa bagong pagkakataon para rito.

"Nasa school ni Scarlett," sagot ni Liv.

"Alam ko. Pero where particularly? O siguro ka ba na naririto ka lang?" naramdaman ni Liv ang galit sa boses ni Rafe sa pangalawang tanong.

"Ha? Siyempre naman. Nasa canteen ako at---teka, nandito ka ba?"

Pinatay ni Rafe ang tawag. Napalingon tuloy si Liv, iniisip na baka kaya ganoon ay nakita na siya nito. Nakita nga niya si Rafe ilang hakbang mula sa kanila. Kasama na nito si Scarlett na nakalabas na pala. Masyado siyang na-engross sa pakikipag-usap kay Ervin kaya nakalimutan na niya na oras na pala ng labas nito.

Ngumiti si Liv kay Rafe. Pero hindi nito sinuklian iyon. Sa halip, basta-basta na lang siya nito hinila sa lamesa. Medyo masakit rin ang pagkakahawak nito sa pulsuhan niya. "Rafe---"

"Hindi ko na-appreciate ang pagpapabaya mo sa anak ko," napakalamig ng boses nito.

Napakagat-labi si Liv. May kasalanan naman siya kaya dapat ay tanggapin niya ang panlalamig at pagpapahiya nito. Pero ang maramdaman niya ang kaparusahan na iyon buong maghapon? Parang medyo unfair naman yata.

Nanatili si Rafe sa bahay buong araw kaya nawalan siya ng papel kay Scarlett. At parang gusto naman iyon ni Rafe. Hindi nito pinalapit sa kanya si Scarlett kahit nang magluto siya ng cake. Nakaplano na magluluto sila muli ng cake ni Scarlett ng hapon na iyon pero sa halip, niyaya nito ang alinlangan na bata sa swimming pool. Hindi siya nito pinalapit sa anak at ganoon rin naman sa lalaki.

Kung kahapon ay naramdaman niya na may pag-asa siya na magkaroon ng panibagong pagkakataon para sa pamilya, binawi iyon ngayon.

Kaya naman nang may kumatok sa kanya nang matutulog na sana siya ay bahagya pa siyang nagulat. Hinalikan siya nito at kagaya kahapon, hindi niya napigilan na salubungin iyon. She instantly felt burning with the kiss. Nang lumalim iyon ay sinita niya ang asawa.

"Your room, please..." napakaliit ng kuwarto niya para sa kanilang dalawa.

Tinaasan siya ng kilay ni Rafe. "Bakit pa? 'Wag ka ng mapili pa. Wala ka rin naman na pinipili na lalaki 'di ba?"

Kumunot ang noo ni Liv. "Anong sinasabi mo?"

Rafe just gritted his teeth. Ipinagpatuloy na lamang nito ang halik sa halip na sagutin ang tanong niya. Naguguluhan man ay sinunod na lamang ni Liv ang mga gusto ni Rafe. Pero hindi ibig sabihin noon ay nalimutan na niya ang mga masasakit na sinabi ni Rafe.

Walang pinipili na lalaki. Paano naggawang sabihin iyon ni Rafe sa kanya? Naging loyal siya rito sa simula pa lamang. Wala siyang ibang lalaki kung hindi si Rafe lang. Alam rin niya na hindi ito seloso at mababaw. Hindi niya lubos maisip na magseselos si Rafe dahil lamang sa nakipagkuwentuhan at nakipag-inuman siya ng kape kay Ervin.

Ano ang nangyari at naiisip ni Rafe ang mga iyon sa kanya? Inisip ba nito na may lalaki siya sa nakalipas na tatlong taon? Pero paano mangyayari iyon kung malaking bahagi noon ay isolated siya?

Iniisip ni Rafe na mababa siyang babae. Nasasaktan na naman siya. Pero kagaya pa rin ng dati, pinilit niya na tanggapin iyon. Bansagan na siyang martir para mahalin pa rin si Rafe sa kabila ng mga pagtrato at iniisip nito sa kanya ay mahal pa rin niya ang lalaki. Masyado na siyang desperada para makasama ito kahit papaano at ganoon rin si Scarlett.

Tatanggapin ni Liv ang lahat ng sakit makabalik lang siya sa kanyang pamilya. Kahit alam niya na hindi niya deserved ang sakit ay tatanggapin pa rin niya. Ganoon yata talaga naka-design ang iniisip ng iba na maganda raw na buhay niya. Napakasuwerte raw niya dahil galing siya sa mayaman na pamilya. Pero masuwerte nga ba siya? Maaga siyang nawalan ng ina. Nakita niya ang paghihirap nito at sa napakasamang pagkakataon ay naranasan rin niya. Ang sitwasyon na lubos na kinatakutan niya noong bata pa siya ay nangyari rin sa kanya.

Nagmahal si Liv ng isang tao na hindi siya mahal. Pinanagutan siya at naramdaman ang pagpapahalaga pero hindi iyon sapat. Kung maganda nga ang buhay niya, may kalakip rin na sakit iyon. It was a beautiful disaster.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon