NANIBAGO si Liv sa mga sumunod na araw. May mga dinagdag kasi si Rafe sa kung ano sila ngayon. Palagi na siya nitong tinatawagan o tinetext. Binabati siya nito tuwing umaga, lunch o kahit sa hapon. Tinatanong nito kung kumusta siya o kung kumain na ba siya. Sa ganoong paraan, pakiramdam niya ay nagle-level up na sila. Nakakaramdam na siya ng pagpapahalaga kay Rafe!
Tuwing umaga at gabi ay madalas silang kumakain na pamilya. Pakiramdam niya ay mabilis na natutupad ang kagustuhan niya. Nagiging maayos na ang pamilya niya. Kagaya pa rin ng dati si Scarlett pero napapasunod na rin naman niya ito. Sadya siguro na hindi maaayos nang mabilis ang matabas na dila ng anak. But she was a kid. Mahirap naman talaga na turuan ang bata. Masaya na siya na kay Rafe ay nakakaramdam na siya ng pagbabago.
Pero may mga oras na pakiramdam ni Liv ay nasasakal siya sa pagpapahalaga na iyon ni Rafe. Oo, gusto naman niya iyon. Pero ang halos oras-oras nito na pagtawag sa tuwing alam nito na nasa labas siya ay ikinababahala niya. Para bang gusto nito na alamin ang palagi niyang ginagawa kapag nasa labas. Madalas pa nga na sinusundo nila mismo ni Scarlett sa school kahit may sariling driver naman silang dalawa ng anak.
Minsan ay naiisip niya na siguro ay dahil sa apektado pa rin ito sa nakita noong nakita siya na kausap si Ervin. Nagseselos ba ito kaya nagiging mahigpit? Hindi na lang minasama ni Liv ang mga ginagawa ni Rafe. Kung nagseselos at nagiging protective ito, ibig sabihin lang noon ay may nararamdaman ito. Pinasaya ni Liv ang sarili sa isipin na iyon.
Dumating ang Biyernes. Lalo lamang naramdaman ni Liv na may kakaiba kay Rafe. Tanghali nang makatanggap siya ng package. Nagtaka pa siya kung kanino iyon galing pero naunahan na kaagad ng tawag ni Rafe ang tanong niya.
"Did you like the outfit?" bungad kaagad nito sa tawag.
"Ha?" tinignan niya ang package at bahagyang binuksan iyon. Nanlaki ang mata niya nang makitang dress, sapatos at accessories ang laman ng package. "I-ikaw ang nagpadala nito?"
"Yes. I expect you to wear it tonight. I'll meet you at Spiral at six thirty in the evening."
"Ha? Bakit? Anong gagawin natin sa Spiral?"
"'Wag ng maraming tanong. Magpahatid ka sa driver dahil hindi kita puwedeng sunduin mismo. Marami ang magtataka."
"A-all right." Tanging nasabi ni Liv. Pinatay na ni Rafe ang tawag.
Ang lakas ng kabog ng puso ni Liv. Maraming alaala sa kanila ni Rafe ang Spiral restaurant sa Sofitel. Madalas silang nagde-date roon. She loved buffet foods, lalo na at marami at iba't ibang klase pa ang offer ng pagkain roon. Doon siya madalas dinadala ni Rafe dahil na rin sa nag-e-enjoy siyang makakita ng iba't ibang klase ng pagkain. Tinitikman niya ang mga bago at sumusubok na gumawa ng kanyang sariling version.
Gusto bang ibalik ni Rafe ang nakaraan? Siguro. Isa lang naman ang ibig sabihin kung bakit sila pupunta sa Spiral mamayang gabi. They were going to have a date. Sila lamang dalawa. Hindi naman kasi nito binanggit si Scarlett.
Bago mag-alas singko y medya ay bihis na si Liv. May pagkakonserbatibo ang pinadalang dress ni Rafe pero bumagay rin naman sa kanya. Light make-up lang ang nilagay niya sa sarili dahil hindi rin naman talaga siya mahilig mag-make up. Pero sa kabila ng hindi naman bongga na ayos ay nangislap ang mukha ng mga kasambahay nang lumabas siya.
"May date ka, Yaya Liv? Ganda ah!" papuri sa kanya ni Manang Lucia. Kasunod nito si Scarlett na taka at nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.
"Bakit ka aalis? Puwede ka ba na umalis?" tanong ni Scarlett.
Tumango si Liv. "Nagpaalam na ako sa Daddy mo. In fact, ipapahatid niya pa ako kay Manong Juancho," tukoy niya sa driver.
"Pero---" humawak ito sa damit ni Manang Lucia. "Hindi po ba dapat palaging nasa tabi ko lamang si Yaya?"
BINABASA MO ANG
The Missing Wife (COMPLETED)
RomantizmMga bata pa lang, ipinagkasundo na sina Rafe at Liv. Naikasal sila ayon sa plano. Bumuo sila ng pamilya at nagkaroon ng isang anak-si Scarlett. Maayos naman ang lahat hanggang sa isang araw, umalis na lang si Liv nang walang paalam. Bumalik si Liv p...
