24. Leaving

24.6K 531 21
                                        

NAPAUNGOL si Rafe nang maramdaman na wala siyang init na naramdaman nang maggising. Wala si Liv sa kanyang tabi. Napakunot-noo siya at mabilis na binabagabag ng takot. Naaalala niya ang huling beses na natulog siya na magkasama sila ni Liv at kinabukasan ay wala na ito sa kanyang tabi. Paano kung umulit ang nakaraan?

Inaantok pa man ay hindi na iyon inisip ni Rafe. Ayaw niya ng mag-take chances. Hindi puwedeng umalis si Liv. Hindi na niya makakaya pa muli. Hinanap niya ito. Nang makitang wala kahit sa banyo ng kuwarto ay lumabas siya.

Nakabukas ang ilaw sa dating kuwarto na tinutuluyan ni Liv. Nakahinga nang maluwag si Rafe. Malamang ay nagpunta lamang ito roon. Naroroon pa ang ilang gamit ng asawa. Hindi naman siya nagkamali. Pero nang makita ang itsura ni Liv na nag-eempake ay nanikip ang kanyang dibdib.

"R-Rafe! Ang aga mo naman na naggising." May kaba sa boses ng asawa. Pero hindi naman nito itinago ang ginagawa.

"What are you doing at this hour? 'Wag mong sabihin---"

Huminga nang malalim si Liv. "Nakalimutan ko na sabihin sa inyo. Kailangan kong umalis bukas."

Dumilim ang mukha ni Rafe. "Hindi ko papayagan iyon."

Nilapitan siya ni Liv. Inabot nito ang kanyang balikat. "Ayaw ko rin naman pero kailangan ko, Rafe. Please understand."

Umiling si Rafe. "Binigyan kita ng pagkakataon sa pamilya na ito, Liv! 'Wag mo naman na sayangin iyon."

"I know. Na-appreciate ko nang malaki iyon. Pero---"

Hinawakan ni Rafe ang kamay ng asawa. "Hindi kita papayagan na umalis."

"Rafe..."

"Ano pa ba ang kulang sa amin ng pamilya mo para umalis ka, Liv? Anong kulang sa akin para hindi ka makontento sa akin?" Ang sakit-sakit ng damdamin ni Rafe. Sa loob ng tatlong taon ay tinatanong niya iyon sa kanyang sarili. Ang akala niya ay tapos na ang kanyang pagdurusa. Bakit kailangan pa na bumalik ni Liv sa lalaking iyon?

Umiyak na si Liv. "Walang kulang sa inyo. You're perfect. Kapag kasama ko kayo ni Scarlett ay kontento at kompleto ang buhay ko. Everything is perfect when I am with you two. Pero sana ay maintindihan mo na hindi ako, Rafe. This sickness...hindi ko naman ginusto---"

Naguluhan si Rafe. "Anong sinasabi mo? Sickness?" putol niya sa asawa.

"Alam mo na naman 'di ba? You told me you know everything. Pinaimbestigahan mo ako. Alam mo na nanirahan ako sa America para magpagamot sa sakit na leukemia."

"W-what?!" namutla at nanghina si Rafe.

Tinitigan ni Liv si Rafe. "So hindi mo alam? O iba ang alam mo?"

"I had you investigated. Pero nang makita ko ang tagpo sa airport..." ikinuwento niya rito ang pagkakita niya sa isang matandang Amerikano na lalaki sa airport nang umalis ito ng bansa.

"That's Tito Bryan. He's my Doctor. Naging asawa siya ng Yaya Ester ko. Silang dalawa ang tumulong sa akin para maka-survive ang minsan na inisip ko ay wala ng pag-asa na sakit ko..."

Nawala ang lahat ng kaantukan ni Rafe sa mga pasabog. How could he be this cruel? Ang inakala niya ay iniwan sila ng asawa dahil sa lalaki. Iyon pala ay...

Nasapo ni Rafe ang noo. "Damn."

"Ang akala mo ay umalis ako para sumama sa ibang lalaki. Iyon ba ang dahilan kung bakit nagalit ka noong nilapitan ako ni Ervin? K-kung bakit sinabihan mo ako na wala akong pinipili na lalaki?"

Lalong na-guilty si Rafe nang dumaan ang lungkot sa mukha ni Liv. Napayuko siya. "I'm sorry."

"I-I'm sorry, too. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko sinabi sa inyo ang lahat. Kahit sa 'yo. Hinayaan ko na mag-isip ka ng iba."

"Yes. Bakit nga ba, Liv? Walang nakakaalam na kahit sino. Even Therese..."

Huminga nang malalim si Liv. "Si Mommy, namatay siya sa blood cancer o leukemia noong anim na taong gulang pa lamang ako. Kahit nakikita ko lang ang treatment, masakit iyon sa akin. Inilalayo siya sa akin. She was isolated. Hindi ko gusto na makita iyon ni Scarlett. Ayaw ko na maramdaman niya ang emotional pain na naramdaman ko nang mamatay si Mommy. Lalo na at may maliit na survival na lamang ako noon para mabuhay. Nagkakaisip na siya. Tatatak sa isip niya ang mga mangyayari. And being isolated...I couldn't bear the idea not being able to see Scarlett, being separated by two doors in a quarantine area. Si Therese naman, natatakot ako na sabihin niya sa 'yo. She was soft-hearted."

"At ako? I should be with you, Liv! Nangako tayo sa isa't isa. For sickness and in health. You shouldn't have gone through that on your own! Heck, kahit kasama mo pa ang Tito Bryan mo na ito at ang Yaya mo noon. Hindi mo ba naisip na susuportahan kita?"

Kilala ni Rafe ang Yaya ni Liv pero hindi nito naikuwento na nakapag-asawa ito ng Amerikano. Hindi niya nakita ni larawan ng lalaki na iyon kaya nakapaghinala talaga siya. Hindi palakuwento si Liv.

"I know. I am believing so. Pero inuunahan ako ng takot. Ang kasal natin...it was just an arranged marriage. It was not based on love. Hindi ko makakaya ang isang dutiful support. Nang pakasalan kita, hindi tayo nangako sa isa't isa ng ganoon..."

"I care for you, Liv! Alam mo iyan! You are important to me. I-I---" natigilan si Rafe. Tama ba na sabihin niya ang totoong nararamdaman niya para rito gayong wala itong tiwala sa kanya? Paano niya naggawang magmahal ng babae na hindi marunong magtiwala?

"Aalagaan kita. Asawa mo ako. I should be there for you. Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan?"

Yumuko lang si Liv. "I'm sorry."

Napapikit si Rafe. He felt really bad. Galit siya at natatakot siyang baka mapagbuntunan niya si Liv. Hindi dapat. Sobra na ang pinagdaanan nito sa tatlong taong nakalipas.

"And I'm sorry I have to leave again, too. Kailangan ko na bumalik sa isang special clinic sa America. Kailangan ko na magpa-check up at dahil naroroon ang mga naging Doctor ko, kailangan na ako mismo ang magpunta roon. I am still under remission."

"Remission?"

"Its a period in the course of a disease, in my case, leukemia o blood cancer rin kung tawagin, when symptoms become less severe. Puwede itong permanent o temporary. Kailangan ko bumalik sa clinic para makita kung lahat ba ay maayos pa rin. You see, puwedeng bumalik ang sakit ko, Rafe..."

"Liv..."

"I'm sorry, Rafe. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Nagdesisyon lang ako ng sa tingin ko ay tama. Pero hindi ko naman sinasabi na purong tama iyon. Nasaktan ko kayo."

"Nasaktan rin kita."

Hinawakan nito ang pisngi niya. "Hindi na iyon mahalaga. Lahat naman ng sakit ay worth it basta makasama ko lamang kayo ni Scarlett. Its been a dream come true spending those whole six weeks with you. Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon..."

Rafe don't know what to feel anymore. Ano ang naggawa niya at pinagkalooban siya ng ganitong klase ng asawa?

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon