15. Why She Left

21.1K 414 9
                                    

NEGATIVE. Iyon ang sabi ng OB-Gyne ni Liv nang magpa-check up siya. Inalam niya kung may tsansa na nagdadalang tao siya. Nitong mga nakaraang linggo kasi ay nakakaramdam siya ng symptoms. Madalas na nagduduwal siya, nawawalan ng gana sa pagkain at pakiramdam niya ay palagi siyang pagod. Maingat man sila ni Rafe dahil gumagamit siya ng pills ay hindi naman lahat ng contraception ay effective. Pero mali siya ng akala. Effective ang pills dahil hindi siya buntis ngayon.

"If you are not pregnant, I think there is something wrong with you then. Parang namumutla ka rin. Teka, nagkakaroon ka ba ng mga pasa?"

"Opo. Mayroon akong mga pasa sa ilang bahagi ng katawan ko." Ilang buwan na rin niyang napapansin na nagpapabalik-balik ang pasa.

"Alam mo ba kung saan galing ang mga iyon?"

"Hindi ko po sigurado. But I have a two year old daughter. Full-time mom ako at mahilig siyang magpabuhat kaya sa tingin ko ay sa mga pagbubuhat ko iyon sa kanya galing."

Tumango-tango ito. "I suggest you try contacting an oncologist."

"O-oncologist? Hindi ba at sa mga taong may cancer lang ang doctor na iyon?" alam niya iyon dahil namatay ang Mommy niya sa sakit na blood cancer. Iyon ang tawag sa doctor nito.

Tumango ito. "Just to make sure. Mga symptoms kasi ng leukemia ang mga sinasabi mo sa akin, Hija."

Nanghina si Liv sa nalaman. Ginawa niya ang utos at kahit may hinala na, naging bomba pa rin sa pandinig ni Liv ang mga narinig.

"I'm sorry but it is positive. You have blood cancer or what is also called leukemia, Mrs. Navarro."

Umiyak si Liv. Paniguradong magiging masakit ang pagdadaanan niya. Nakita niya kung paano namatay ang ina niya sa sakit na iyon. It was hard and painful. Pero hindi lang sarili ang inisip ni Liv. Naisip rin niya ang pamilya. Ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman ang sakit niya?

Oo, mabait sa kanya si Rafe. Inaalagaan siya nito. Pinaparamdam nito na mahalaga siya rito. Pero kaya niya bang pahirapan ang lalaki? They promised to be together in sickness and in health. But is Rafe true to his word? Pinakasalan lamang naman siya nito sa utos ng magulang. Hindi ganoon kalaki ang nararamdaman nito sa kanya para mapanatili niya ito sa tabi niya. Hindi siya nito mahal. Mahal niya ito pero hindi rin niya gustong idamay sa sakit na pagdaraanan niya.

At si Scarlett...kaya rin ba niyang iparanas sa anak ang naranasan niya sa ina? Kaunting panahon na lamang at magkakaisip na talaga ang anak. Hindi niya gustong makita ng kanyang anak ang pagdaraanan niya. Isa pa, malaki ang pag-asa na kapag nagpagamot siya ay ma-isolate siya. Ganoon ang madalas na nangyayari sa mga treatments ng blood cancer lalo na kapag hindi naging matagumpay ang chemotheraphy. Maliit lang ang tsansa na mabuhay siya, ayon na rin sa diagnosis sa kanya ng Doctor ngayon.

Mahal na mahal ni Liv si Scarlett. Pero hindi niya gusto na makasama ito at masaktan ngayong alam niya na mayroon na lang siyang kaunting oras. Ayaw niyang makita nito na mamatay siya.

Liv made a decision: she wanted to save her family from emotional pain.

Sa mga tagpo na iyon ay saktong tumawag ang Yaya Ester niya. Ito ang nag-alaga sa kanya simula sanggol pa lamang siya hanggang sa mag-resign na ito noong labing dalawang taong gulang na siya. Nakapag-asawa kasi ito ng Doctor na Amerikano. Sa America na nakabase ang mga ito pero sa tuwina ay kinukumusta pa rin siya. Hindi na nagkaanak ito at ang asawa.

Sa sakit, nasabi ni Liv ang lahat sa itinuturing na niyang pangalawang ina. Tinulungan naman siya nito.

"Oncologist ang Tito Bryan mo," ang itinutukoy nito ay ang asawa. "Tutulungan ka namin. Mas maayos rito sa America. Mas makabago ang teknolohiya. Mas magkakaroon ka ng pag-asa na magamot at mabuhay. Maaari rin na hindi mo maipakita sa pamilya mo ang mga paghihirap kung magtatago ka rito habang nagpapagaling.'Wag ka ng umiyak. Gagaling ka at makakasama mo muli ang pamilya mo..."

Nagkaroon ng pag-asa si Liv. Sinundo pa siya ni Tito Bryan sa Pilipinas para lamang may kasabay siya sa flight papuntang America. Isa ito sa mga naging Doctor niya. Naging napakabait ng mag-asawa sa kanya. Napakalaki ng utang na loob niya sa mga ito, lalo na kay Tito Bryan na siyang sinigurado na magiging maayos ang lahat ng treatments kahit tumagal pa iyon sa loob ng tatlong taon.

Iniwan man ni Liv ang pamilya pero palagi niyang sinasabi sa sarili na iniligtas niya lamang ang mga ito sa sakit. Natatakot siya na sukuan siya nito, ni Rafe, na dapat ay talagang nag-aalaga sa kanya. Paanong hindi niya mararamdaman iyon? Kahit naman kasi siya na sinasabing mahal ang sarili niya ay muntik na rin na sumuko sa hirap. Paano pa ang isang lalaking hindi kailanman nasabing mahal siya at pinakasalan lamang at pinakasamahan siya dahil sa isang kasunduan?

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon