INASAHAN na ni Liv na hindi magaganda ang tagpo nang makauwi sina Scarlett mula sa ospital. Lahat ng mga nagbantay rito sa ospital ay pagod na pagod. Si Rafe at Manang Lucia ay hindi umuwi sa anim na araw na pagkaka-ospital ni Scarlett. Pagdating ay kaagad na pinaubaya ni Manang Lucia sa kanya si Scarlett para makapagpahinga man lang sandali.
"Ako na po ang bahala,"
May inis sa boses ni Manang Lucia. "Dapat lang. Napaka-iresponsable mo sa mga nakaraang araw."
Tinanggap ni Liv ang galit. Mabait ito sa kanya pero sa mga nangyari ay inaasahan na niya ang magiging galit nito. Kahit siya ay galit rin sa sarili. Hindi niya napuntahan ang anak sa ospital. Nilapitan niya si Scarlett. Kagaya ni Manang Lucia, hindi rin maganda ang pagtanggap nito sa kanya. Tinanggap rin niya iyon.
Wala si Rafe. Ayon sa kanyang narinig, may importante raw ito na pupuntahan. Inisip niya na siguro ay trabaho iyon. Narinig niya na sa buong durasyon na nasa ospital ang anak ay hindi ito pumasok sa trabaho.
Umakyat si Scarlett sa kuwarto nito. Sinundan ito ni Liv.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? I'm sorry na hindi ako nakapunta sa---"
Inirapan ni Scarlett si Liv. "Sorry? What's there to be sorry for? The damage has been done."
Natunaw ang puso ni Liv. Nag-uumpisa na naman na manubig ang kanyang mata. "Scarlett, hindi ko naman ginusto ito. Hayaan mo ako na magpaliwanag."
"You have a choice! Ang gusto ko lang naman ay ang samahan mo ako sa ospital. You are my Yaya. You are supposed to do it. And you promised me, too, that you won't leave me." Tampo na tampo ang bata.
"Hindi naman kita iniwan. Naririto lang ako sa bahay. H-hindi ko lang talaga gusto sa ospital kaya ganoon..."
Tinignan ni Scarlett si Liv, sinusuri siya.
Hinawakan ni Liv ang ulo ni Scarlett. "Naiintindihan ko na nagtatampo ka sa akin, Baby. Ako rin ay nagagalit sa sarili ko. I-I have fears. Mahirap sa akin na magpunta sa ospital kaya hindi kita napuntahan. Nagpa-panic ako kapag nasa ospital. Its hard for me to calm down. Hindi rin kita maalagaan kaya minabuti ko na lang na huwag kang alagaan roon o dalawin."
"Bakit?"
"Dahil kagaya mo, naospital rin ako minsan. Matagal. Almost three years..." napaiyak si Liv. Mali ang magka-trauma siya ng ganito. Naging best friend niya ang ospital sa loob ng tatlong taon kaya dapat ay masanay na siya. Pero pinapapaalala noon ang mga masasakit na alaala kaya ganoon na lang siya kung maka-react. Nangyayari rin naman sa kanya iyon noon. Hindi miminsan na tinuturukan siya ng pangpakalma kapag kailangan niya na pumunta. Isa iyon sa dahilan kung bakit naging matagal rin ang gamutan sa kanya.
"Talaga? H-how was it?"
"I-it was horrible. Ang dami kong na-miss sa buhay ng dahil roon. I don't want to go back there because of that."
Tumango-tango si Scarlett. "I feel you, Yaya. It was hard. Hindi ko na rin gusto na bumalik roon. Palagi sila may tinuturok sa akin. Masakit."
Mabuti pa ang anak ko, naiintindihan ako.
Nasorpresa si Liv kung paano naging madali. Pero inisip niya na siguro ay dahil kagaya ni Scarlett ay naramdaman rin nito ang paghihirap niya noong nasa ospital siya. Parang na-trauma rin ang bata.
Napayakap si Liv kay Scarlett. Hinalikan rin niya ang bumbunan nito. "Yes. But I am very proud of you, Baby. Dahil nakalabas ka na ngayon. Kinaya mo ang sakit. You are a really good girl."
Nginitian na siya ni Scarlett. Lahat ng sakit na naramdaman niya sa nakaraang araw na wala ito ay nawala. Naging mahigpit pa ang yakap niya sa bata. "Bati na tayo, good girl?"
Tumango ito. "Wala naman akong choice, eh. Wala ng mag-aalaga sa akin. Pagod si Manang Lucia at wala rin si Daddy."
Pinindot ni Liv ang ilong ng anak. "I know you can take care of yourself. Hindi mo naman kailangan na mag-aalaga, eh. Sabihin mo na lang na na-miss mo rin ako."
Kumibot-kibot ang labi nito. Ang paglikot ng labi ay napunta rin sa isang magandang ngiti. "All right. I miss you. Pangit kasi mag-story telling si Daddy, eh."
Sa kabila ng mga dahilan, lalo pa na na-touch si Liv. "I miss you, too, Baby. I love you."
"I know. That's why I like you..." mahina lang ang tinig ni Scarlett pero umabot iyon sa tainga ni Liv. Tumagos rin sa kanyang puso.
Nararamdaman ni Liv na tinatanggap na siya ni Scarlett sa buhay nito sa kabila man ng hindi magandang naggawa niya rito sa mga nakaraang araw. Sana ay kagaya ni Scarlett, maintindihan rin siya ni Rafe. Sana ay tuluyan na siyang tanggapin ng mag-ama niya sa buhay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Missing Wife (COMPLETED)
RomanceMga bata pa lang, ipinagkasundo na sina Rafe at Liv. Naikasal sila ayon sa plano. Bumuo sila ng pamilya at nagkaroon ng isang anak-si Scarlett. Maayos naman ang lahat hanggang sa isang araw, umalis na lang si Liv nang walang paalam. Bumalik si Liv p...