13. When She Left...

19K 385 11
                                    

SA KABILA ng iniwan na sulat ay hindi napakali si Rafe. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hanapin ang asawa. Napakalabo ng dahilan nito para iwanan silang dalawa ng anak. Kailangan niya na malaman ang dahilan nito. Hindi niya maaaring hayaan na lamang umalis na lamang si Liv. Kailangan niya ito at pati na rin si Scarlett.

Ginamit niya ang powers niya bilang businessman para mahanap ang asawa. Dalawang araw pagkatapos umalis ng asawa ay may nakapagbigay sa kanya ng sagot. May ibinigay sa kanya na copy ng CCTV video sa airport. Nagkaroon na siya ng hinala na maaaring umalis nga ng bansa ang asawa. Pero hindi niya naisip na maaaring may kasama ito. Nadurog ang puso ni Rafe sa mga nilalaman ng video.

Sa airport ay may tumagpo kay Liv na Amerikanong lalaki. Sa tantiya niya at ng imbestigador ay nasa late forties na ito. Hinalikan at niyakap pa ito ng lalaki. Sa tagpo pa lamang na iyon ay muntik nang maibato ni Rafe ang pinanonooran. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. Kilala niya ang mga kaibigan ni Liv. Wala na rin na iba pang kamag-anak si Liv.

Iisa lamang ang naiisip ni Rafe na relasyon ng dalawa. It was Liv's lover. Lumala pa ang kanyang konklusyon ng parehong lumipad ang mga ito patungo sa America. Iniwan sila ni Liv para sa isang lalaki.

"Gusto niyo pa po ba ng ibang impormasyon, Sir?" tanong ng imbestigador nang maipakita ang video.

Matinding umiling si Rafe. Hindi na niya gustong mapahiya pa. Alam niyang iyon rin ang nasa isip ng imbestigador na kinuha niya. "Get out of this room now!"

Mabilis na sumunod ang imbestigador. Tinawag niya ang isang kasambahay pagkatapos. Nagpadala siya ng alak. Uminom siya na para bang sa pamamagitan noon ay maalis ang sakit ng ginawa ni Liv sa kanya.

Paanong naggawa iyon sa kanya ng asawa? Itinuturing niya na isang santa ang asawa. Napakabait nito. Napakaalagain. Napakaraming beses siyang nagpasalamat na dumating ito sa buhay niya. Napakasuwerte niya rito. Pero lahat ng iyon pala ay akala lamang niya.

Saan nagkulang si Rafe? Pinaparamdam naman niya kay Liv na mahalaga ito sa kanya. Sinusubukan niyang maging mabuting asawa para rito. Naging mabuti rin siyang ama sa anak nila. Napakaganda ng pamilya nila. Bakit naisip ni Liv na iwan iyon para sa isang lalaking parang ama na nito kung maituturing?

Nasaktan nang husto si Rafe. Hindi man niya nasasabi kay Liv pero alam rin niya sa sarili niya na mahal niya ito. May isang bahagi nga lamang ng puso niya na natatakot na sabihin iyon dahil ipinagkasundo lamang sila. Pero kahit ganoon, alam rin naman niya na napaparamdam rin niya iyon kay Liv.

Napakasaya pa nila ng gabi bago ito umalis. They made love. Napag-usapan pa nila ang tungkol sa plano na magkaroon pa ng isang anak. Pero kaya naman pala ganoon ang reaksyon ni Liv ay hindi na pala talaga siya nito mabibigyan ng anak dahil may balak itong iwanan siya.

Mabilis na naubos ni Rafe ang alak. Humingi pa siya hanggang sa maka-apat siya. Gusto niyang makalimot. Pero kahit nahihilo na siya ay hindi pa rin nawawala ang sakit ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay literal na nararamdaman niya iyon.

For the first time in his life, he felt heartache. Too bad, it came from a much unexpected person.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon