20. Stranded in the Rain

21.3K 505 20
                                    

NAKONSENSYA si Rafe kahit hindi naman dapat. Kung nasasaktan man si Liv kaya ito umalis ay nararapat lang naman rito ang sakit. Napakasama ng ginawa nito sa anak nila. Kailangan ni Scarlett ng presensiya nito pero hindi man lang nito iyon naibigay sa anak. Hindi man lang nito naalagaan, well, hindi noong nasa ospital. Kaya naman laking palaisipan sa kanya kung bakit naggawa pa rin na makipagsundo ng anak nila rito. Ilang beses itong hinanap ni Scarlett at talaga namang nahirapan siya para makapagdahilan sa anak.

Pero hindi akalain ni Rafe na mas magiging mahirap pala itong nararamdaman niya. Naramdaman niya na nasaktan niya ang asawa nang hayaan niyang tumuloy kagabi sa bahay nila si Aria. Nahalata niya na nakilala nito ang babae. Sadya naman na kapag ganoong bumibisita si Aria sa Pilipinas, dumadalaw ito sa kanila na mag-ama.

Nanatiling kaibigan ni Rafe si Aria. Pero nang mawala si Liv ay mas naging malapit sila sa isa't isa. Paano kasi ay dumadalas ang uwi ni Aria sa Pilipinas. Nagkasakit kasi ang paborito nito na Lolo. Sa tuwina, dumadalaw ito sa kanilang dalawa ng anak bago pumunta ng Zambales---kung nasaan na ito ngayon. Inihatid niya ito sa airport kaninang alas singko, pagkatapos nilang gumala ng tatlo sa Ocean Park.

Pero hanggang doon lamang iyon. Kaibigan lang niya si Aria. Nagkaroon sila ng relasyon dati pero matagal na nilang tanggap na tapos na iyon. Hinayaan lang niya si Liv na maniwala na may kakaiba pa rin sa kanila para saktan ito.

Mukhang effective naman ang naging plano ni Rafe. Ayon kay Manang Lucia, umalis raw si Liv isang oras pagkatapos nilang umalis na mag-ama. Kung saan nagpunta, wala itong paalam. Pero malungkot raw ito.

She deserved the pain. Binigyan niya ito ng pagkakataon kay Scarlett pero sinayang nito. Sa ginawa nito, sinaktan rin siya nito.

Pero bakit mas masakit ang isipin na umalis si Liv? Hindi man sigurado kung umalis ito ng panandalian man lang o hindi na muli babalik ay naging matindi ang pag-aalala ni Rafe. Pinipigilan naman niya pero nahihirapan siya. Pinilit niya ang sarili na huwag itong tawagan o i-text man lang. Kung gusto nitong umalis, bahala ito. Dahil kung sasaktan lang rin naman nito si Scarlett dahil sa mga pag-iinarte nito ay mabuti pa nga na wala ito sa buhay nilang mag-ama.

Sa kabila nga lamang ng pangungumbinsi ni Rafe sa sarili na bawal mag-aalala ay hindi pa rin niya napigilan. Nang mag-alas otso na ng gabi at bumuhos nang malakas ang ulan ay tinawagan na niya ito. Matagal-tagal rin bago nito sinagot ang tawag.

"H-hello, Rafe?"

"Liv! Nasaan ka na ba? May balak ka ba na bumalik pa?!" kahit parang may pumiga sa puso ni Rafe sa nanginginig pa na boses ni Liv ay sinadya niya na patatagin ang boses at magmukhang galit.

"Na-stranded ako. A-ang lakas ng ulan. Hindi ako makasakay pauwi."

"Fine," so may balak pa rin naman siyang bumalik. Nakahinga sandali nang maluwag si Rafe. "Saan ba na lugar iyan?"

"H-hindi ko rin alam kung saan eksakto." Sunod na nilarawan ni Liv kung nasaan ito.

Nanikip muli ang dibdib ni Rafe nang makilala kung nasaang lugar si Liv. Isang delikadong lugar iyon sa Maynila. "Kung may maramdaman ka man na masama, tumawag ka sa akin. Pupuntahan kita diyan."

Kumakain pa ang driver kaya si Rafe na lang ang nag-drive patungo sa pupuntahan ni Liv. Maulan pero hindi naman traffic kaya nakapunta kaagad siya sa kinaroroonan ni Liv. Nakayakap ito sa sarili sa may waiting shed. Dahil malakas ang ulan ay umaampiyas iyon sa shed. Nabasa pa rin ang babae.

Kaagad na pinapasok ni Rafe sa kotse si Liv. Hinubad pa ni Rafe ang suot na damit dahil sa sobrang pagmamadali niya, ni hindi niya naisip ang mga kakailanganin ni Liv ngayon. Kaagad na ibinalot ni Liv iyon sa sarili.

"S-salamat." Nanginginig pa rin ang boses ni Liv. Gustong murahin ni Rafe ang sarili. Pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan noon. Kung hindi dahil sa plano niyang pananakit rito, hindi masasaktan nang ganoon si Liv. Nanghihina siya sa isipin na nanghihina rin ito.

"Pagkauwi ay kaagad na mag-warm bath ka. Mayroon sa kuwarto at kay Scarlett. Pero dahil tulog na siya ngayon, sa kuwarto ka na dumiretso."

Tango lamang ang sinagot ni Liv. Hindi pa ito tumitingin sa kanya.

Pagdating sa bahay ay sinunod naman siya ni Liv. Dumiretso na ito sa banyo. Humingi siya ng iba pang kakailanganin ni Liv kagaya ng damit at gamot nito. Kailangan nila na nila na unahan na ang sakit ngayong naulanan ang babae. Nagpatimpla rin siya ng tsaa sa kasambahay na nagtataka sa ginawa niyang pag-alala sa babae. Alam ng mga ito na masama ang loob niya kay Liv pero nakuha niya pa na alalahanin ito ngayon.

May malaki siyang parte sa puso ko kaya hindi maaalis iyon sa akin. Nasa isip ni Rafe na sagot.

Inabot ni Rafe kay Liv ang pajama nito sa banyo. Nang makapag-warm bath at makapagbihis na rin sa lugar ang babae ay nanginginig pa rin ito.

Ibinigay ni Rafe kay Liv ang gamot. Tinanggihan nito iyon. "I-I don't think its good to drink that. Hindi pa naman yata ako magkakasakit."

Ibinaba ni Rafe ang gamot. Sinunod niya ang pinatimpla na tsaa.

"You need to relax and warm again. Mukhang hindi pa nakatulong ang paliligo sa 'yo." Alok ni Rafe kay Liv nang tanggihan nito ang tsaa.

"I-I'm scared."

"Mahirap ang magkasakit."

Tumango ito. Lalabas na ito ng kuwarto nang pigilan niya ito. "Dito ka na matulog."

Tumaas ang isang kilay ni Liv. "P-pero si Aria---"

"Wala na siya. At wala siyang dahilan para matulog sa kuwarto na ito." Napaamin ng wala sa oras si Rafe. Mali iyon. He should still be hurting Liv. Pero hindi niya pinagsisihan ang pag-amin nang makita ang liwanag sa mukha nito.

"Oh, all right." Humiga na sa kama si Liv. Tinabihan ito ni Rafe. Tinuyo niya pa ang basa na buhok nito.

"Hmmm...." ungol pa ni Liv sa ginagawa niya. Sinuklay-suklay niya ang buhok nito. Nakatulog na si Liv sa ginawa niya ay hindi pa rin ito tinigilan ni Rafe. He enjoyed combing her hair though it wasn't the same anymore. Maikli na iyon.

Tinabihan ni Rafe si Liv pagkatapos. Matagal na tinitigan niya ang mukha nito at napabuntong-hininga siya. Kung na-enjoy niyang suklayin ang buhok nito, mas na-enjoy niya na titigan ang mukha nito na iyon. She looked like an angel while asleep. Napakainosente ng mukha. Napakapayapa. Pero sa buhay ni Rafe ay para itong mangkukulam. She cast a spell on him that he couldn't resist.

Gaano man gustong saktan ni Rafe si Liv, sa tuwing nakikita naman niya na nasasaktan ito ay nasasaktan rin siya. Napakalakas pa rin ng epekto sa kanya ni Liv.

Gumalaw si Liv. Hindi niya sigurado kung nasa huwisyo pa rin ito dahil tulog pero lumapit ito sa kanya at umunan sa kanyang braso. Inilapit rin nito ang mukha sa kanyang dibdib. Her mouth is fanning his bare chest. Hindi na siya nakapag-ayos ng sarili kanina.

Liv murmured something. Hindi nga lamang niya narinig ng ayos at naintindihan kung ano iyon. Sa lagay kasi ngayon, tanging isa lamang ang naririnig ni Rafe at iyon ay ang malakas na tibok ng puso na nagsasabing si Liv pa rin ang nanatili roon.

Gaano man itanggi ni Rafe, it was Liv who will hold his heart. From the start until forever.

Rafe hold Liv. Simula ngayon ay ipinangako na niya sa kanyang sarili hahayaan na lamang ang saya. Hindi na niya iisipin ang sakit. Gaano man niya gustong pananaigin iyon, hindi pa rin nangyayari. Mali pa rin ang gumawa ng masama. Maganda na lamang na limutin na niya ang nakaraan. Pagkatapos ng lahat, bumalik na rin ito sa kanila ng anak.

Madaya. Hindi puwedeng saktan ni Liv si Rafe dahil kapag ginagawa niya iyon, sinasaktan na rin niya ang kanyang sarili.

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon