12. Conscience

18.7K 396 19
                                    

NAKONSENSYA si Rafe nang makita ang bakas ng luha mula sa mata ni Liv. Tulog na ito kaya nagkaroon na siya ng pagkakataon para titigan ito. May pagkakataon siya kanina pero hindi siya nag-focus sa mukha. There's a pain inside him looking at that innocent face. Dahil alam niya na hindi iyon totoo.

Rafe took Liv's innocence. Pero sa tuwina ay madalas pa rin niya na nararamdaman iyon. She was very shy and reserved. Ngayon ay nararamdaman rin naman niya iyon pero ayaw na niyang paniwalaan. Lalo na sa nakita kanina.

Nagseselos si Rafe. Though it was a decent sight, it hurts him to see Liv with another guy. Tama na ang minsan.

Nagtagis ang mga bagang ni Rafe. Sisiguraduhin na niya na hindi mangyayari iyon. Hindi na makakaalis si Liv sa tabi niya. He will do everything by his power to make her stay on his side.

Dahil kung aalis pa muli si Liv sa tabi niya? Baka hindi na niya makaya. Hindi na niya makakaya ang panibagong pagtataksil na nagpaguho ng mundo niya...

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon