22. Family Day

21.3K 518 24
                                    

NAGTAKA ang mga kasambahay sa naging suot ni Liv. Pero hindi nagpaliwanag si Rafe. Maayos at on time silang nakarating sa school ni Scarlett.

Niyakap siya ni Therese sa tuwa nang makita. Masaya rin ito sa nakitang improvement sa kanilang mag-anak. Ito ang nag-encourage sa kanila na sumali nang sumali sa mga games.

Buhay na buhay ang Team Violet. Nanguna sila. Noon lang niya nakita na ganoon kaganda ang ngiti ang anak kaya naman ginawa ni Liv ang lahat para lalo pa sila na maging magaling. Enjoy na enjoy sila.

Si Rafe at Liv ang nagdala ng Team Violet kaya naisip ng parents na kabilang sa team nila na sila ang gawin na representative sa final round. Isang pares ng parent lamang ang kasali bawat team.

Naging pula ang mukha ni Liv nang marinig ang mechanics ng huling laro. Kailangan nila tumawid ni Rafe sa sampung magkakapareho na gulong na magkahawak ang mga kamay. Bawal silang mahulog mula sa gulong at tanging sa goma lamang nakaapak ang mga paa. Sa dulo ay kailangan nila na mag-kiss sa loob ng sampung segundo.

"H-hindi ba nakakahiya?"

Tumaas ang isang kilay ni Rafe. "Bakit ka naman mahihiya? Nakapag-practice na rin naman tayo recently."

Lalo pang namula si Liv sa tudyo ni Rafe. "Come on."

"Yeah..." pumayag na rin si Liv. After all, habol rin naman niya iyon sa lalaki. Paano ay hindi naman niya masasabi na recently nila na-practice iyon dahil sa pagkakasakit ni Scarlett. Na-miss niya ang mga halik ni Rafe.

Kahit nahihiya, nilabas ni Liv ang energy. Ganoon rin si Rafe.

"At mukhang excited ang Team Violet. Excited na maka-kiss?" sigaw ng commentator ng event.

Tumawa si Rafe. Na-overheard rin niya na um-oo ito kaya lalong kinilig si Liv. Silang dalawa nga ang nanguna sa game.

Hinalikan kaagad ni Rafe si Liv nang makarating sa dulo. Liv closes her eyes and welcome the sweet sensation of Rafe's lips.

"Twenty seconds na po, Team Violet. Baka mamaya ay sa iba na ang tuloy niyan?" tatawa-tawa na wika ng commentator na siyang nakapagpatigil lamang sa paghalikan nila Liv at Rafe sa isa't isa.

Nagpalakpakan ang karamihan nang i-announce ang mga nanalo. Dahil sila Rafe at Liv ang nagdala sa Team, sila ang kumuha ng premyo. Pero mali sila ng akala nang isipin na lahat ay masaya. May isang parent mula sa Yellow Team na lumapit sa kanila.

"Teka, 'di ba dapat ay parent ang kasali bawat team? Eh hindi naman parent 'yang babae 'di ba?" mataray na wika ng isang Mommy.

Namutla si Liv. Paano niya ipapaliwanag na sarili?

"Oo nga." Sabat ng isa pang Mommy na galing rin sa team na iyon. "Sa pagkakaalam namin ay Yaya 'yan ni Scarlett. Kasama ba sa rules na puwedeng maglaro ang mga Yaya?"

Nagkagulo ang mga tao. Naging marami ang bulung-bulungan. Pero hindi rin naman pinatagal ni Rafe iyon. Nagsalita na ito. "You're all wrong. She's my wife. She's Scarlett's mother, too."

Lahat ay napanganga. Kahit si Liv ay ganoon rin. Inamin na ni Rafe sa harap ng maraming tao ang relasyon nila!

As expected, may mga hindi kaagad naniwala. Marami ang nagtanong.

"Ask Teacher Therese. She knew the details. Best friend siya ng asawa ko." Sagot ni Rafe.

Asawa ko. How good is to hear those words again. Kung ano man ang nagpabago sa isip ni Rafe kung bakit naisip nito na maging mabait na sa kanya ay hindi na mahalaga. Masaya siya.

Inalalayan siya ni Rafe paalis sa mga nagkakagulo na parents. Nilapitan nila si Scarlett na magulo rin ang mukha. Naintindihan nito ang sinabi ni Rafe.

"You are not my Yaya. You are my Mommy..." hindi makapaniwala si Scarlett.

Naiiyak na niyakap niya ang anak. "Ako nga, Anak."

Kumalas sa yakap niya ang bata. "How? Why?!"

Tumakbo palayo si Scarlett. Hindi niya ito masisisi dahil nabigla ito. Susundan na sana ito ni Rafe ng patigilin niya ito. "Ako na lang ang kakausap sa kanya."

Hinayaan ni Rafe si Liv. Mabilis na nahabol ni Liv ang anak. Na-corner niya ito.

"Scarlett, let me explain, please..."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit ngayon ka lang bumalik?"

Mapait na ngumiti si Liv. "I told you once that I was hospitalized, too, right?"

Tumango si Scarlett.

"I was on a hospital for three years, Anak. I was sick. Severely sick."

Nakatitig lang si Scarlett sa kanya.

"Mahirap para sa 'yo na intindihin ang sitwasyon ko. Napakabata mo pa at---" napaiyak na muli si Liv. "I just don't want you to drag to the mess that I've been, Anak. Ang sakit na naramdaman at pinagdaanan ko, wala pa iyon ni katiting sa nangyari sa 'yo noong naospital ka. I don't want you to see me in that condition kaya lumayo ako sa 'yo, sa inyo ng Daddy mo.

"I'm sorry. Alam ko, kulang pa ang mga salita na ito para mapatawad mo ako. I left you. But please believe that I just do that because I love you. Ayaw ko na maging kagaya kita noong bata pa ako kung saan nakita ko ang Mommy ko na naghihirap..."

Kumurap-kurap si Scarlett. "All right."

Napakurap rin si Liv. "N-naiintindihan mo na ako, Anak? Will you accept me now as your Mommy? 'Di ka galit sa akin?"

"I don't want to hate you. You are my Mommy and you are here now. Kapag nagalit ako sa 'yo, baka iwan mo ako ulit."

Niyakap ni Liv ang anak. "Oh, Scarlett..."

"You have a promised to me. You'll never leave me, right?"

Tumango si Liv. Chances to live are greater right now. Wala na rin siya na naramdaman na iba pang sintomas ng kanyang sakit. Malakas na ang resistensiya niya. Ni hindi siya nagkasakit kahit nabasa siya ng ulan kagabi.

"I love you, Anak. I promised you na babawi ako sa 'yo." Niyakap at hinalikan ni Liv si Scarlett. The child hugged her back.

"I-I love you, too, M-mommy..." sagot nito. Iyon na yata ang pinakamasayang araw ni Liv.

Bumalik sina Liv at Scarlett na may magkahawak ang kamay at nakangiti sa harap ni Rafe. Nakahinga nang maluwag si Rafe nang makita sila.

"Good?"

"Very good." Niyakap niya ang asawa. "Thank you so much, Rafe. Thank you for the chance..."

Niyakap rin siya ng asawa. "Welcome back to our family, Liv."

It was Liv's happiest day indeed. 

The Missing Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon