MADILIM na nang bumiyahe pauwi sa San Ignacio si Rafael. He could have left yesterday afternoon matapos niyang makausap ang ahente ni Mrs. Winters kung hindi lang dahil sa apurahang trabaho at meeting sa opisina.
"Wala akong iba pang impormasyong maibibigay sa iyo, Mr. Barrios, maliban sa address na ito ni Mrs. Winters sa San Ignacio," ang ahente kahapon ng hapong mag-usap sila. "Hindi ko rin alam kung bakit sa lugar na iyon nagpunta si Kate. Ang bilin niya'y kontakin siya 'pag may buyer na ang unit niya sa Legaspi Towers."
"Taga-San Ignacio ako, Mr. Torres," wika ni Rafael sa tinig na hindi pagdududahan. "Bukod pa sa gusto kong makausap nang personal si Mrs. Winters. At kung magkababayan kami'y baka sakaling mabigyan niya ako ng magandang presyo," isang ngiti ang pinakawalan niya. "But don't worry, should there be a sales, you'll get your commission."
"Hindi ko pinagdududahan iyon," nakangiti ring sagot ng ahente. "May kontratang pinirmahan si Mrs. Winters na magdadaan sa akin ang anumang bentahang mangyayari."
At heto siya ngayon at pauwi sa San Ignacio after almost three years? Nang dahil lang sa habilin at ginawa ni Camille para sa Mrs. Winters na ito. Nang dahil lang sa pagkasangkot ng pinsan kay Melvin Winters.
He gritted his teeth. Kahit minsan ay hindi niya gusto ang bayaw sa pinsan... o bayaw na hilaw. He may rot in hell! At pinigil niya ang sariling magalit para kay Camille. Wala na ito.
Pero bakit San Ignacio? Naguguluhang isip niya. Ano ang ginagawa ng biyuda ni Melvin sa San Ignacio?
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...