"I'VE missed you, Kat," si Rafael na siyang bumasag sa katahimikan ng biyahe nila paluwas sa Maynila kinabukasan. "I thought of you once in a while throughout the years. Umalis ka nang hindi nagpapaalam. And you never wrote... never bothered to send a note..."
He spoke softly na nagpabara sa lalamunan ni Katrina. Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon. Nakadalawang tikhim siya pero walang salitang gustong lumabas sa bibig niya. Paano niya sasabihin ditong sa unang taon niya sa Amerika'y walang araw na hindi laman ng isip niya ang binata.
"W-why did you give her up?"
Nagsalubong ang mga kilay na nilingon ni Rafael si Katrina. "Gave up who?"
"Si... MM..." muli siyang nag-alis ng bara ng lalamunan. "Ang sabi ni MM ay umalis ka bago sila talagang nagkasundo ni Vince. H-how did you take it, Raf?" Bahagya niyang nilingon ang binata at saka muling ibinaling sa kabilang daan ang paningin. Hindi niya gustong makita sa mukha ni Rafael ang sakit na dulot ng tanong niya. Mas higit siyang masasaktan kung paanong nasaktan siya para rito nang ibalita ni Moana na magpapakasal na ito at si Vince.
Nagkibit ng mga balikat si Rafael. "I got over it as soon as I left San Ignacio..."
Nagsalubong ang mga kilay ni Katrina. Muling ibinalik ang paningin dito. "G-ganoon lang? I mean—"
"I know what you mean," agap ng binata and twisted one corner of his lips in a dry smile. "Sorry to disappoint you, sweetheart, but my heart was far from broken when I left San Ignacio. Oh, well, hindi sa paraang inaakala mo. Though I was a broken man when I left home at sinabi ko na sa iyo ang dahilan..."
"I—don't understand..."
"Tapos na iyon, Kat. And I'm happy for Vince and Moana," wika nito sa tinig na nagpapahiwatig na hindi na nito gustong pag-usapan ang bagay na iyon. "Ikaw ang gusto kong kumustahin. Hindi mo sinasagot ang sinabi ko kung bakit hindi ka sumulat man lang. Alam kong sumusulat ka kay Moana dahil sinasabi niya sa akin at sa bawat sulat mo'y umaasa akong maisipan mong kumustahin ako..."
Hindi siya sumagot dahil wala siyang maaaring isagot doon. Sadya niyang hindi binabanggit si Rafael sa mga madadalang niyang sulat kay Moana.
Matagal na katahimikan ang namagitan. Nakabibingi ang tunog ng air conditioner mula sa sasakyan. Si Rafael ang bumasag sa katahimikang iyon.
"Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari sa atin bago ka—"
"Hindi ko gustong pag-usapan iyon, Raf," mariing putol niya sa sasabihin nito. "I have forgotten all about it," she said it with conviction. Umaasang paniwalain kahit ang sarili. Nakita niyang tumiim ang mga bagang ng binata bagaman hindi inaalis ang mga mata sa daan. At pagkatapos ay ang banayad na pagtango.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...